6:30 na, malapit ng matapos ang working hour ko... naa alala ko parin si Sky. Yung batang yun...... sana hindi niya maranasan ang makulong sa bahay dahil sa baka feeling ng mga magulang niyang hindi siya secured kapag nasa labas siya, na anytime may dudukot nalang basta basta sakanya. Sana hindi niya maranasan ang mga naranasan ko.
Simula pagkabata.. nasa loob lang ako ng kulungan, na kahit sa labas lang ng pintuan kailangang mayroon nakabuntot sayo na kung hindi mga lalake mga babae na naka uniporme ng itim. Na ni isang bata walang makalaro dahil natatakot sa mga lalaking nakaharang sayo. Sana hindi ganun ang mangyari kay Sky.
"Talia, ikaw muna ang mag serve sa table no. 4. Ihing ihi na kase ako eh." Si ate Sela.
"ah, sige po." At ini abot niya saakin yung tray na may laman nung order ng kung sino mang costumer sa table.
Lumapit na ako sa table..... "here's your order ma'am." At inilapag ko na yung order nung babae sa mesa." Ngumiti yung babae saka niya kinuha yung order niya. Ako naman siyempre umalis na.
Nagpatuloy na ako sa pagtratrabaho. Siyempre 7:25 na.5 minutes nalang tapos na ang working hours ko. As usual nagse serve parin ako ng costumer. Abot ng menu, serve jaan. Abot ulit ng menu, serve ulit jaan.
7:30 na at nasa tabi lang ako ng counter. Ng may pumasok na costumer. Yung lalake kagabi. Umupo siya sa tapat kong stool saka nag order ng kape na take out.
Kinalabit naman ako ni ate Sela. Napatingiin ako sakanya.
"umuwi kana Talia, ako ng bahala jan...." sabi niya sakin.
"o-ok po... sige po." Nagpunta na ako sa likod at kinuha yung bag ko. Lumabas ako sa back door. Naglalakad ako.... at papunta sa bus stop. Naramdaman ko na naman na parang may naglalakad din sa likod ko.
Paglingon ko yung lalake pala. Hawak niya yung kape niya. Nung makarating na ako sa bus stop. Tumigil din siya. Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakatingin siya saakin. Nakaka ilang talaga siya. As in the whole time nakatingin lang siya saakin. Ano ba kuya....... Kung makatingin ka parang wala ng bukas.
Good thing meron ng dumating na bus. Pagka stop ng bus agad na akong sumakay. Pero naka sunod parin yung lalake. Ano ba..... it's getting really weird na. nilabas ko yung phone ko saka tinexan sila Mimi.
To: Mimi
Mimi pwede niyo ba akong sunduin sa bus stop malapit sa house???? Someone's following me. Natatakot na ako.
I just waited for them to reply........ pero paano kung assuming ako masyado at hindi niya talaga ako sinusundan. Kapal naman ng mukha kong mag assume.
Ilang minute pa at nag stop na ang bus sa bus stop kung saan ako bababa. Wala sila Mimi OmyGosh!!! Binilisan ko ang pagbaba, siyempre nagbayad na ako. tapos naglakad ng mabilis papunta sa bahay. At nararamdaman ko paring naka sunod saakin. Hindi lang ako lumilingon. Tapos bigla nalang may humawak sa braso ko.
"waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh........... waaaaaaaaaaaaaah!!!!!!" nagtitili naman ako. at nakapikit lang. tinakpan naman nung kung sino man na humawak saakin ang bibig ko. Tapos napa mulat naman ako ng mata...
"Mimi!!!!!!!!!!!" sabay yakap sakanya... "akala ko kung sino na....
"chill..... sino ba yung naka sunod sayo???" tanong niya saakin...
"ah, kase eh...... may lalake kanina nakasunod... akala ko nakasunod talaga siya. Yun pala sa iisang bus lang pala kami sasakay.. ang assumera ko kasi.. pasensya na."
"hindi mo siguro ako napansin kase nakasalubong mo pa ako. wala naman akong nakitang naka sunod sayo. Talagang assuming ka lang talaga much." Sabi niya saka niya ako tinawanan.
"eh, sino ba yung nakasabay mo at Sobrang natakot ka at feeling mo sinusundan kana niya??"
"hindi ko siya kilala.... Pero..............sandali. Ky. Ky ang name niya."
"sigurado ka ba? Kase hindi na ako magtataka kung siya nga."
"oo, at muka siya adik. Pero pogi, pero hindi naman gaanong ka adik yung itsura niya."
"baka si Ky Fernandez.... Nag aaral yun sa school ko. Pogi siya, oo. Madami ngang babae ang nagkakandarapa sakanya eh. At hindi naman siya mukahang adik sa umaga. Pero minsan nakita ko na siya isang gabi oo mukha na siyang adik."
"Mimi, I'm a bit interested about him... magkwento ka nga ng tungkol sa kanya." Sabi k okay Mimi. Siya naman muka namang shocked.
"talaga???? Baka naman may gusto ka na sakanya?"
"wala noh... basta tara na nga. Sa loob nalang tayo magkwentuhan."
At pumasok na nga kami sa loob... ng bahay ko siyempre. Tapos kinuwento k okay Mimi yung tungkol sa pagliligtas nung Ky saakin kagabi.
"si Ky... ang alam ko mayaman at matalino siya. Napaka nice guy nga niya sa umaga eh, naka nerdy glasses pa nga. Pero nung nakita ko siya minsan isang gabi mukha na siyang fierce."
"maniwala ka, kung umaga talaga mabait yun at maamo ang mukha. Saka sa boathouse ang tambayan nun. Pero sa gabi lang ata siya tumatambay sa boathouse eh."
"teka, Mimi may napapansin ako. bakit parang ang galing niyong makahalata ni Becky? Katulad nung una nalaman niyo kaagad kung sino ako. tapos eto namang lalaking toh. Feel, ko sa umaga nagpapanggap siyang nice guy, base sa mga kwento mo. At wala ni isa sa school niyo ang nakaka pansin, saka sa gabi naman nagtra transform siya."
"well, parang gift na namin iyon. Baka isipin mong weird kami ah."
"hindi.... Hindi naman sa ganun. Ang galing niyo naman."
"ok, back to Ky. I heard mga rumors na nakikipagbugbugan pa nga siya eh, naglalasing like that. At eto pa.... hindi K yang pangalan niya sa kundi Kyle. Na obserbahan ko lang na kapag nagtratransform siya into a bad guy Ky ang name niya."
"ganun????"
"o, ano inlove ka na ba sakanya??"
"inlove ka jan?? pinagsasabi mo??"
"tssss.... Base sa observation ko nagiging magaan na ang loob mo kay Kyle."
"gumagaan??? Agad agad? Eh hindi ko pa siya ganong kakilala. Saka natatakot parin ako sakanya. He's weird."
"Anyways.... Change topic. Next week na ang school dance ng school niyo. May napili ka na bang dress?"
"wala pa nga eh... kanina nga si-nurprise ako nila Eunice ng mga dresses. Tapos sa dami pinapili nila ako ng tatlo. Saka pinapili sila Anthony. Tapos sabi naman nung Ethan hindi ko daw bagay lahat. Kaya wala."
"eh di wala ka ng dress.??" Tanong ni Mimi.
"hindi ko sigurado...."
"tutulungan ka naming maghanap."
"nako... wag na. bukas darating yung kotse ko. Baka dadalhan ako ng dress ni Ms. Han."
"sigurado ka ha."
"oo. Don't worry."
"sige, aalis na ako.kung wala ka talagang susuutin may time pa naman para maghanap. Andito naman kami ni Becky eh."
"oo naman... manghihingi ako ng tulong."