Chapter 14

116 0 0
                                    

Yung babae na maganda kanina …. Ang tinitignan ni Ethan…  so, siya si Isabel?? Sabi ko sa sarili ko.

“ex siya ni Kyle..” pagkwe-kwento ni Ethan… “well, she made a big mistake… sinaktan niya si Kyle.. best friend namin si Kyle kaya nagalit kami sakanya…. At tinuring din namin siyang parang kaibigan.”

Nakatingin lang ako kay Ethan habang nagkwe-kwento.. “alam mo bang, nagbago si Kyle simula nung nag break sila ni Isabel… sino ba namang hindi magagalit sa ginawa niya.. ginamit niya lang si Kyle.. at pera lang ang habol niya…” sabi ni Ethan…

“At nung nakuha niya na ang gusto niya, iniwan niya na si Kyle.”… “ ang goal niya lang naman simula pa sa umpisa ay ang ma-inlove sakanya si Kyle para maging sikat siya..” pagtutuloy ni Ethan.

“pero ang totoong mahal ni Isabel ay si Jeremy ….” Saka ulit tumingin si Ethan sa couple.

Nag stop na ang music…. Nagtungo na kami ni Ethan sa grupo.

“Tara na.. uwi na tayo.” Yaya ni Ky.

“ah, sige..” sagot ko naman.

“Uuwi na kayo?” tanong ni Eunice.. “Guys, uwi na rin tayo.” Yaya niya sa iba..

Tahimik lang kami ni Ky sa car... Gustong gusto ko na ring magsalita.. kaya lang naunahan niya ako.

“so, nag Enjoy ka ba??” tanong niya.

“oo naman.” Sagot ko naman.

“for sure, nag enjoy ka lang dahil saakin.. kase finally nakasayaw mo na ang crush mo.”

“sinong crush? Kapal mo. Hindi kita crush noh.”

“may sinabi ba akong crush mo ako?? Sabi ko nag enjoy ka dahil sakin kase may escort ka.. at, finally nakasayaw mo na ang crush mo.. si Ethan.”

“hindi ko rin siya crush noh… tsss. Kung ano ano nalang pinagsasabi mo.”

“eh bat parang naapektuhan ka?? Totoo ba??”

“hindi nga.. ang kulit mo. Psh..”

“ok, sabi mo eh..” at sawakas tumigil na rin si Ky.

“classmate mo pala sila Ethan dati?” tanong ko.

“oo.. dun ako nag aaral DATI.”

“eh, bakit ka lumipat??” hindi ko alam kung bakit nalang biglang lumabas sa bibig ko ang mga tanong na yun. Eh, parang alam ko narin ang isasagot niya.

Parang ayaw sagutin ni Ky yung tanong ko kaya, “OK..” nalang ang nasabi ko..

“tss.. kunwari ka pa.. kinuwento na nga sayo ni Ethan kanina eh.. para ka namang nang aasar.” Sabi niya.

“hindi ah.. hindi ko lang masyadong naiintindihan si Ethan.”

“basta.. yun na yon.”

“OK..” yun na lang ulit ang nasabi ko..

Fast Forward_____

Malapit nang mag 7:30… mag isa ko lang nagbabantay dito sa boathouse, yung iba kase nagchi-chismisan sa kitchen.

“remember.. maid kita for a week..” kilala ko ang boses na yun… lumingon lingon naman ako sa paligid.. walang tao.. lumingon ako sa likod …….

At…. At… konti nalang dikit na ang mukha namin…. Agad naman akong lumayo..

“Anong ginagawa mo dito???” tanong ko.

“sinusundo ka??? Maid kita ngayon hindi ba??? Sosyal ka pa.. amo mo pa sumusundo sayo.” Sagot niya… sino pa nga ba? Si Ky lang naman.

“oh.. 7:30 na..” saka niya ako hinila sa kina uupuann ko.. tapos pinagtutulak niya ako sa may room namin. “bilis.. may pupuntahan pa tayo…. Magbihis ka na.”

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon