Natapos ang buong school hours sa pagre-review. Sa work naman kapag may free time nag-aaral ako.
"Natalia, can you cover table number 5 for me. May tatlo pa kasi yung table na aasikasuhin ko." Paki usap ni ate Sela.
"ah, sige ate."
Nagpunta na ako sa table 5. Sa table may naka upong lalake na nagbabasa ng newspaper. He looks familiar.
"Good afternoon, sir may I take your order?"
Tumingin yung lalake sakin...... 0.0 si kuya?????
"I'll just have a cup of coffee." Nagulat din siya. "SQUASH???"
"hi! Kukunin ko lang yung order mo kuya."
"ok."
Bumalik na ako sa counter saka kumuha ng black coffee. Saka ako bumalik sa table ni kuya. At iniabot sakanya yung coffee niya.
"I need to work. Let's just talk later kuya ha. Baka makahalata sila Ramirez ka pa naman." Sabi ko sa kuya ko.
"after ko namang inumin tong coffee ko may aasikasuhin pa ako kaya don't worry."
After noon eh umalis narin si kuya pagka inom niya ng kape niya. Ako naman naiwan at pinagpatuloy ang work at pag aaral.
Malapit na namang matapos ang working hours ko. "Natalia table number 14." Sabi sakin ni ate Rhonda.
"sige po." kinuha ko na yung menu at nagtungo na ako sa table 14. Sa table 14 may batang babaeng naka upo.
"good evening, little girl can I take your order?" tanong ko sakanya. Medyo hindi ko Makita ang mukha niya kasi nakatingin siya sa labas ng bintana. Finally, lumingon siya sakin.
"Skye????" si Skye pala.
"Hello po ate Natalia."
"Skye anong ginagawa mo dito? Wala ka bang kasama?"
"meron po, ang kuya ko po. Ililibre niya po kasi ako ng ice cream saka waffle kasi po natalo ko siya sa tap tap."
"talaga???? Eh, asan yung kuya mo?"
"ayan na po siya nahuli lang po kasi pi-nark niya pa yung car niya." Tinuro naman ni Skye yung guy na palapit.
"Skye mag order ka na.... anong gusto mong flavor ng ice cream?" sabi nung guy kay Skye.
Tumingin lang si Skye sa kuya niya. Napansin naman ng kuya niya na nakatingin lang sakanya si Skye.
"what??" tanong niya kay Skye na nagtataka.
"kuya, diba naikwento ko sayo yung ateng maganda na naghatid saakin sa classroom nung na late ako....."
"yeah..." habang nakatingin parin sa menu.
"well kuya, I want you to meet ate Natalia." Sabi ni Skye sabay turo saakin. "ate Natalia meet my kuya Ky."
tumingin naman saakin yung kuya niya saka ngumiti. "ikaw pala... thanks for helping my little sister....." saka tumingin kay Skye. "now, you can order your ice cream."
Sumimangot naman si Skye saka lumapit saakin... at binulungan ako. "ate, sorry kung ang mean ni kuya ha.... Mabait naman siya eh, nagkataon lang na natalo ko siya kaya ganyan."
Ngumiti nalang ako kay Skye... "ok, lang yun... sige na Skye. Mag order kana." Umupo naman ulit si Skye.
"kuya, gusto ko ng triple chocolate ice cream. Ikaw?"
Tumingin naman yung kuya niya saakin.... "dalawang triple chocolate ice cream." Ngumiti lang ako saka umalis at nagtungo sa counter.
It's almost time... kinuha ko na yung order nila Skye. Nilapag ko na yung order nila sa table. Nagbigay naman ng 500 pesos yung kuya niya "keep the change."