“ate saan ba tayo pupunta?” tanong saakin ni Skye habang naka sakay kami sa car nila.
“Secret…. Surprise ko para sa iyo.” Sagot ko naman sakanya…
Nakarating narin kami sa pupuntahan namin… lumapit ako kay Skye para suotan ng blindfold. Sure akong mage enjoy si Skye dito sa pinuntahan namin, baka hindi lang siya ang mage enjoy, pati ako rin.
“ate, bakit kailangan pa ng blindfold? Saka ate, bakit parang ang ingay… bakit andaming sumisigaw…?” pagkadating namin sa sa may gate tinanggal ko na yung blindfold niya.
“SURPRISE!!!!!”
“W-O-W!!!!!” shock, na shock si Skye sa nakikita niya… tapos tumingin siya saakin “ate. Alam mo bang first time ko pong makarating dito…”
“surprise ko to sayo… kaya tara na….”
Tri-ny namin lahat ng rides, nag Ferris wheel, pera lang yung roller coaster kasi bawal sa bata kaya nag bumper car nalang kami, tapos sa amusement park may aquarium na malaki, kaya tri-ny din namin yun na ang tawag ay ocean adventure, parang sa ocean park pero mas maliit na version lang.
“ate gusto ko nun..” tinuro ni Skye yung cotton candy…
“tara bili tayo..” saka kami lumapit sa sa nagtitinda. At bumili kami ng tig isa namin.. ang saya saya ni Skye.
Pagkatapos naming kumain ng cotton candy bumalik ulit kami sa mga rides. Last ride na at gusto ni Skye sa merry go around. Pagkatapos nung rides pauwi na kami….
“ate thank you sa surprise… ito na ang isa sa pinaka masayang araw ko ngayon…” sabi ni Skye saakin..
“Skye, gusto mo bang matulog sa bahay?” tanong k okay Skye.
“po??? Sa bahay niyo po??? Sige po!!!” sabi niya saakin.
“sige, nag paalam na ako sa kuya mo tungkol jan, nung natalo ko siya sa tap tap... at mamaya ipag luluto kita ng dinner…”
“eh, ate paano po yung mga damit ko..?”
“hahaha… meron na. nagpadala na yung kuya mpo kanina..”
“thanks ate.. first time ko po talagang makarating sa isang amusement park. Saka maka pasyal. Kase po bawal po.. si kuya din po hindi pa nakaka rating sa amusement park..”
“talaga?” ako rin first time ko -____-
Pagdating namin sa house nagluto na ako kaagad. Itong iluluto ko first time ko lang magluto nito saka napapanood ko lang sa TV na naaalala ko pang tinatanong ko sa mga chefs sa mansion kung anong lasa kase sabi sa TV masarap daw na sabi naman nila masarap pero hindi sila nagluluto nun kase pagkaing mahirap daw, saka nagpaturo pa ako kay kuya Marko na magluto nito na first time ko din natikman sa grill.
“ate???? Ano yang niluluto mo? Ang bango naman.”
“ang tawag sa niluluto ko ay Tinolang Manok…” sabi ko sakanya… which is yun lang ang alam kong pangalan nito.
“ate? Masarap ba iyan?” tanong niya ulit saakin.
“oo naman mamaya matitikman mo..”
“eh ate, sabi ng mga bodyguards ko sila muna daw ang unang titikim para malaman kung may lason o wala…”
“o, sige…”
Nang naluto ko na agad naman akong naghain… siyempre kasama yung mga bodyguards ni Skye. Dalawang babae ngayon ang bodyguards ni Skye…. Tinawag ko sila para..
“hindi niyo ba kami sasamahan?” tanong ko dun sa isang babae.
“ate, hindi sila pwede… tri-ny ko na pong gawin iyan.. pero sabi ni kuya hinding hindi sila sasama sayong kumain…” bulong naman saakin ni Skye..