Tapos na ang klase, nag paalam na ako kila Eunice after lunch. Papunta na ako sa classroom ni Skye ng may humihila na naman sa skirt ko. Pagtingin ko siyempre, si Skye.
"hi, Skye! Papunta palang sana ako sa classroom niyo eh. Inunahan mo naman ako. ikaw talaga, gustong gusto mong hinihila ang skirt ko."
"sorry po. Ang cute naman po kasi ng uniform niyo."
"hahaha... kaya ikaw galingan mo para paglaki mo ganito narin ang uniform mo."
"talaga po? Gagalingan ko po talaga. Gustong gusto ko po talagang makasali sa Mist."
"haha, talaga? Tara na at mag aral na tayo para mas lalo ka pang gumaling at one day magiging isa ka sa members ng Mist."
"eh, ate... saan po tayo pupunta?" ay, oo nga. Saan nga ba kami pupunta? San ko siya itu-tutor? "ate sabi po ni kuya sa bahay po tayo. May sundo na po tayo."
"eh kasi, yung car ko.. pano na?"
"kung gusto niyo po idala yung car niyo... pero iba po ang magdra-drive." No choice.. kase baka hindi naman ako papasukin sa house nila kung hindi ko kasama si Skye. Kaya pumayag nalang ako.
Nagsabay na kaming sumakay ni Skye. Pagdating namin sa mansion nila, mas malaki yung mansion namin. Saka napansin kong si Skye at mga maids lang ang nasa mansion. Naramdaman ko tuloy yung nararamdaman ko kung nasa mansion ako.
"ate tara na..." tuwang tuwa si Skye na kasama ako. Dinala niya ako room niya saka siya nagpalit. After niyang magpalit sinama niya ako sa isang room na puro books, drawings, painting, at kung ano pang pwedeng pagka abalahan. "dito po ang personal room ko." Sabi nya saakin saka siya lumapit sa may bintana at hinawi yung kurtina.
Ang ganda ng view, sa bintana tanaw dagat saka yung garden ng mansion. Makikita mo rin ang buong lugar. Pati ang bahay ko at ang ganda ng house ko. Na malapit lang pala kila Skye. Pataas kasi itong mansion nila Skye.
"alam mo ate, ang cute cute ng house na yun oh. House siya sa taas ng building. Gusto ko ngang tumira doon eh." Gusto niya yung bahay ko.
"gusto mo bang pumunta doon?"
"opo, kaya lang po hindi pwede. Bawal po kasi, saka magagalit si kuya."
"akong bahala sa kuya mo. Una, kailangan muna nating mag-aral."
Pagkatapos kong i-tutor si Skye na hindi naman na kailangang i-tutor kasi alam naman na niya lahat ng itinuturo ko sakanya. Bumaba na kami. Sakto namang dumating ang kuya niyang pagka sama sama.
"hi, little girl..." sabi niya kay Skye saka niya binuhat. "kumain kana baa?"
"hi, kuya... kumain na ako."
"ok." Saka niya ibinaba si Skye. Tapos lumapit siya saakin.
"how's it going?" tanong niya.
"ok, naman. Parang hindi na ata kailangan ni Skye ng tutor ang talino na nga niya eh. Katatapos lang ng pag tutor ko sakanya." Sabi ko sa sungit na Ky saka ako ngumiti."
"ok...." Ay oo nga pala......
"wait....... " tumingin naman siya saakin. Ako naman tumingin kay Skye.
"may ipapakita ako sayo." Sabi ko sakanya... saka ko siya hinila sa personal room ni Skye.
Pagdating namin dun agad ko naman siyang binitawan. Saka tinuro ko yung house ko. " Inimbita ko si Skye sa house ko..."
"house mo?? Ano namang gagawin niya dun? Saka hindi siya pwede mamaya ma-kidnap siya."
"ako lang ang nag iisang friend ng kapatid mo.... Hindi mo ba alam kung gano siya nalulungkot na mag isa lang siyang nag-lalaro at hindi makalabas sa bahay na ito."