After ng school nagtungo na ako sa work.
“Talia, can you cover the seventh booth for me, naiihi kasi ako eh.” Sabi ni ate Sela.
“sure ate.. sige po.” Sabi ko saka nagtungo sa booth number seven. May tatlong lalake sa booth na mukhang college na.
“Good evening sir, can I take your order?” tanong ko sakanila.
Tumingin saakin yung isang lalake, at tinigna ako mula ulo hanggang paa. Naiwan naman yung tingin niya sa may legs ko. Naka skirt kase ako na two inches above the knee.
“can I take you out?” tanong niya saka ngumisi, tumawa naman ng mahina ang mga kasama niya.
Mukha naman silang naka inom kaya pagpasensyahan na. Pero, hinawakan niya ako sa bewang saka hinila papaupo sa lap niya.. “Ayy! Ano ba!?” buti nalang, si Ky hinila ako papalapit sakanya.
Nagkatinginan kami, at sa tingin palang niya mukhang papatay na siya.. mahigpit parin ang pagkakahawak niya sa kamay ko, habang yung lalake naman tumayo saka mukhang galit na galit na din..
Thank God dumating sila ate Rhon kasama si kuya Marko at kuya Adam…
“Tol, kung mangugulo kayo huwag dito…” sabi ni Kuya Marko.
Tumayo naman yung mga kasama nung lalake saka hinila siya palabas.. “tara dre..”
“Talia! Okay kalang? Halla, sorry.. kung alam ko lang na naka-inom sila hindi na ikaw ang pinakuha ko ng order.” Sabi ni ate Sela na kakarating lang at alalang alala..
“ano ka ba ate.. okay lang ako.. edi kung ikaw ang nag-cover ikaw na yung nabastos.. okay na.. tapos na.”
“sure ka ba? Know what.. tutal gabi na.. mauna ka ng umuwi.. ihahatid ka nalang ng kuya Marko mo.” Sabi ni ate Rhon.
Si Ky naman na nakahawak parin saakin, pero mejo nag-loose na yung grip niya. “I’ll take her home..” sabi niya.
Nagkatinginan naman sila ate Rhonda saka mejo, naghe-hesitate..
“it’s okay ate, kilala ko siya.. he’s my friend.” Sabi ko sakanya at halatang nagulat naman sila.
“o-okay sige… mag iingat ka ha.”
Tahimik lang kami sa sasakyan… poker face naman si Ky.
“sa susunod nga kasi wag kang nagsusuot ng maiikli, tuloy nababastos ka.. psh.” Sabi niya na may tigas at halong pag aalala ang boses niya.
“wala na kasi akong maisuot kanina… skirt naman ang official uniform ng diner eh.”
“edi sana sinabi mo para masabihan ko si Kla na ipag shopping ka.”
Nagulat naman ako sa sinabi niya.. aish.. kaya ko namang bumili eh, saka hindi naman kailangang si ate Kla pa. napaka big deal naman ng nangyari kanina sakanya… ayoko mang isipin pero para siyang nag worried boyfriend …. Ano ba tong naiisip ko.
Parang nabasa niya naman ang naisip ko… ngumisi siya.
“wag ka ngang assuming, asa ka naman noh.. malay mo ba kung ma-rape ka nalang sa diner sa harap ng maraming tao, malagot pa ako sa mga kapatid ko. Alam mo bang sobra silang malapit sayo.. ano bang pinakain mo sakanila ha?”
“EPAL ka na naman eh.. wala akong pinakain sakanila noh!” sabi ko.
Sakto namang nasa building na ako, nang tumigil si Ky agad na akong bumaba… at isinara yung pinto. Tumigil naman ako saka binuksan ang pinto, “thanks for the ride.”
“Oh? Bat ganyan yang mukha mo? Mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa..?” tanong ni Tristan.
“wala… napasama lang ang gising ko..” sabi ko, saka umupo sa isa sa mga sofa.
Aish… pano naman kasi… gumising saakin ang ring ng phone ko.. at ang tumatawag, ay walang iba kundi si Ky.
“oh? Bakit? Ang aga aga?”
“anong bakit? Nakalimutan mo na atang P.A. kita. Sasamahan mo akong mag-shopping bago ang shift mo.”
“isss.. kung damit mo lang naman, bat di mo nalang isama sila Tristan?”
“Teka, bat ka ba nagre-reklamo?”
“sinabi ko bang damit ko? Damit ng date ko mamayang gabi ang isho-shop natin.”
At dahil sa sinabi niyang yun mas lalo akong nabwisit, bat di nalang kasi yung date niya ang isama niya.. psh..
“malapit na pala ang Mist Ball. May date ka na ba?” tanong ni Tristan.
“wala pa.. kailangan ba ng date?”
“hahaha! Oo naman, dika makakapasok pag wala kang date.”
“halla.. wala pa akong date.. pero okay lang wala naman akong balak..”
“anong walang balak ka jan? pupunta ka..” sabi naman ng sumingit na si Ethan.
“buti sana kung hahanapan mo ako…” sabi ko naman.
“tss… ako na ang bahala dun.” Sabi niya.
“Okay!”
“pero bago nun… tulungan mo muna ako. VP ka, wala ka namang ginagawa.” Sabi niya.
“anong walang ginagawa??? Ako na nga nag-isip ng theme eh.. saka ako pa nag-design ng kalalabasan.”
“Whatever..” sabi niya nalang.
Pero tumulong parin ako.. sinamahan ko si Ethan mag organize… at mag ayos ng mga materials… yung ibang Mist naman nagtutulungan sa paggawa nung fountain na dapat nasa gitna ng dance floor. Black and White Masquerade ball ang napili kong theme… since wala na akong maiisip pero yun din ang napagpasyahan naming mga council.
“Cous, bat wala pang nag-aaya sayo, eh isa ka naman sa pinaka maganda at sikat dito sa school.” Tanong ni Ethan.. syempre kaming dalawa lang dito sa sulok, nagpa-paint kami ng isa sa mga table na gagamitin. Ewan ko ba, may pambayad naman kami sa gagawa, pero sabi ko sakanila mas masaya kung pagtutulungan namin para maiba naman.
“anong gusto mo?? Wala akong maibibigay.” Sabi ko naman, saka nagpatuloy sa ginagawa ko.
“seryoso kasi..ano kaba.”
“malay ko ba?”
“wala ka bang crush man lang o ano?”
“wala naman…”
“weh?????? Ewan ko ba kung tanga ka lang o manhid.” Sabi niya.
“ano na naman?? Grabe.. pinagsasabi mo?”
“the way you look at him.. haaay.. pati sarili mo di’mo kilala.”
“ano nga kase yun?” tanong ko naman.
“nahahalata ko… may gusto ka ba kay Ky?” tanong niya naman.
“ha?” sabi ko.. pero nararamdaman ko ang dugo ko sa mukha ko. “wa-wala noh!”
“Indenial ka pa jan.”
Pagkasabi niya nun, bigla namang tumahimik saka kami nagkatinginan..
“HAHAHAHAHAHAHA!” “HAHAHAHAHA!” XD
Nang naka get over na kami sa tawa namin, nakita nalang namin na nakatingin saamin si Ky.
AN: anong itatawag natin sa loveteam nila Ky at Talia? Comment below. Gusto niyo bang may kaagaw si Ky? Hahaha! I know the feeling… SOON, he’s coming. Kala niyo si Ethan ang karibal noh??? Nagkakamali kayo! Something BIGGER *insert ECHO* okay EVIL much? Hinde… spoiler lang. ABANGAN ang susunod na chapter. Salamat sa pagbabasa. J