Chapter 22

123 3 3
                                    

Natalia's POV

"Ano ba? Itigil mo nga yan! Wala ako sa mood!"

"Bakit? Anong nangyari sayo?"

"Tss.. Pake mo ba?!" sigaw niya ska naglakad paalis. Sinundan ko lang siya palabas ng school. Paliko-liko. San ba siya pupunta? Ba't ba siya galit eh wala naman akong ginagawang masama. Psh...

"Ano ba?! Ba't mo ba ako sinusundan ha?" Naiiritang sigaw niya saakin.

"Hindi ko alam?!" Sigaw ko din sakanya.

"Ang gulo mo! Umalis ka na nga!" Sigaw niya saka niya ako pina ikot pabalik kung saan kami nanggaling. "Alis na!" Sigaw niya pa ulit.

"Edi sige!"

Naglakad na ako paalis. Bahala siya. Kainis. Bigla bigla nalang nagagalit.

Naglakad lang ako ng nag lakad hanggang sa. Omo!!! Dead end? Saan ba ako galing? Teka nga!

Bumalik ulit ako. Pero dead end ulit. Shemay. Asan na ako? Bwisit kasi na Ky yun eh! Kung saan saan pumupunta!

"Psst!!! Miss!" Tinignan ko naman yung tumatawag. Lalake. Mukhang adik. Aish! Ano ba tong napasok ko?

Lumapit siya saakin. Nag step back naman ako. "Mukhang nawawala ka ha. Hmm? Ano bang ginagawa mo dito sa lugar na ito sa ganitong oras? Hindi mo ba alam na pugad ito ng masasamang tao?" Lumapit ulit siya. Nag step back ulit ako pero dingding nalang.

"Hahaha! Mukhang nawawala ka ah. Teka? San ka nag aaral?" Tinignan niya yung logo sa school uniform ko. "Ah... Alam mo bang ang mga nawawala dito ay hindi na nakaka balik. Lalo na yung mga taong gaya mo." Unti unti siyang lumapit isinandal niya yung mga kamay niya sa dingding para makulong ako.

Inilapit niya ang mukha niya sa buhok ko at inamoy amoy. "Gaya mo na maganda at mayaman." Sabi niya itinulak ko siya saka ako tumakbo. "Tulong! Tulong!!!" Nahawakan niya ang buhok ko saka niya ako hinila. "Tulong! Parang awa niyo na tulungan niyo ako!" Sinabunutan niya ako pero nagpupumiglas parin ako kaya hindi niya ako mahawakan tanging buhok ko lang.

*boogsh* *tugsh* ang narinig ko nabitawan ng lalake ang buhok ko at napadapa ako.

"K-ky!" Takot na takot na sabi ng lalake. Napalingon naman ako. Si Ky nga. Parang ang saya ko naman na bumalik siya. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ng lalake. Habang naka salumpak na sa lupa. Lumapit naman si Ky saakin saka niya ako itinayo. Hinawakan niya ang mukha ko. "Okay ka lang ba? Hinawakan ka ba niya? Nasaktan ka ba?" Sunod sunod na tanong niya.

Dun lang ako naging aware sa nangyayari. Nakaramdam ako ng sobrang takot at panlalamig. At nagsimula na akong umiyak. Naramdaman ko nalang ang pagyakap niya saakin. "Shhhh.... Sorry. Tahan na. Andito naman na ako." Mahinahon niyang sabi.

"Hoy ikaw! Anong ginawa mo sakanya? Minanyak mo ba siya? Gago ka ba? Sakin lang to! Diba sabi ko sayo wag kang name-meste sa teritoryo ko?" Sigaw niya sa lalake. Takot na takot naman ang lalake at dali daling tumakbo.

Tumingin ulit saakin si Ky. Bakas ang pag aalala sa mukha niya na agad ding nawala. "Halika na. Ba't ka pa kasi sumunod. Uuwi na tayo." Sabi niya bumalik na naman ang pagkaka irita sa galit niya. Hinila niya na ako paalis sa lugar na iyon.

"Anong ginagawa natin dito? Sa bahay nalang ako."

"Nami-miss kana daw nina Skye."

"Ate Natalie!!!"

"Hi Skye!!! Asan si ate Kla?"

"Tara tara! She's with her boyfriend. Let's meet him." Excited na nexcited si Skye ako hindi kasi si kuya naman yun. Wait! Si kuya. Fudge. Dapat di niya ako makitang ganito. Nag ayos ayos naman ako ng konti.

"Kuya Nathan!!! Meet my kuya Ky's girlfriend!"

"What?" Sabay na tanong ni Kuya at ni ate Kla.

"Hahaha! Just joking!" Natatawang sabi ni Skye.

"Hi Talia! Ikaw ha... Alam ko na." Sabi ni ate Kla. Tumingin naman ako sakanya. Tinuro niya naman si kuya. Ah... Alam niya ng magkapatid kami.

Nginitian ko lang silang dalawa. Bumaba naman si Ky. At umupo sa tabi ko.

"Ky, meet Nathan. Nathan meet my baby brother Ky. Mag usap kayong dalawa habang nagpre prepare kami ng dinner ni Talia. Skye, bantayan mo sila." Nagpunta kami sa Kitchen ni ate Kla at nagsimula ng magluto.

"Na explain na lahat saakin ng kuya mo. Actually hindi naman ako nagtataka kasi sa simula palang alam kong mapapag katiwalaan kana at magiging close talaga tayo hahaha!"

"Paano ba kayo nagkakilala ate?"

"Nag aral din dito ang kuya mo diba. Classmates kami noon. Since then hindi mo na kami mapag hiwalay. Hahaha!"

"I'm so happy for both of you. You're perfect for each other." Sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya saka ko siya niyakap.

"Ano na naman ang drina-drama niyo jan?" Tanong ni Ky.

"Wala ka na dun." Sabi naman ni ate Kla.

"Psh... Ate."

"Ano?"

"I like him. Pero kung sinaktan ka niya pasensyahan nalang." Nagkatinginan naman kami ni ate Kla.

"Never mind. Kain na nga tayo." Yaya ni ate Kla.

AN: finallyyyyyy after 1416727255728287272828273 years nakapag update din ang butihing otor. Pasensya na. Hahaha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon