Chapter 13

113 0 0
                                    

Hinihintay ko na ngayon ang sundo ko...

"tsss... sorry to keep you waiting." Bigla nalang lumitaw si Ky sa harap ko.

"ok lang naman.. alam ko kasing napilitan ka lang."

"buti alam mo..." sabi niya saka naglakad na palayo. ay naku naman.. napaka sungit.

Huminto siya saka tumingin saakin "eh, kung bilisan kaya natin.. para maka uwi tayo ng maaga.. alam mo naman pala na napilitan lang ako eh." Ako naman na ayaw masungitan sumunod na sakanya.. nakaka hiya kase eh.

Pagdating namin sa school, nauna siyang bumaba saka naglakad na deretcho. Ako naman, hindi kase ako assuming.. ayoko naming mag assume na pagbubuksan niya ako ng pinto. Kaya yun, bumaba na ako saka lumapit na sakanya.

Naabutan ko din siya... "teka muna..." sabi ko saka napahawak sa braso niya para huminto siya. Humarap naman siya saakin, saka tinignan yung kamay ko na naka kapit sa braso niya. Nahiya naman ako kaya agad ko naman tinangal yung pagkaka hawak ko sa braso niya.

Kinuha ko yung corsage na para sa escort ko sa purse ko. Saka ko ini pin sakanya. Mejo magkalapit yung mukha namin. Nase-sense ko na nakatingin lang siya saakin, o sa ginagawa ko..

Pagka pin, agad naman akong lumayo, kase nakaka hiya... baka kung ano pa isipin niya. "yan, tapos na. tara na, nakalimutan ko kasing ibigay kanina eh." Sabi ko sakanya.. siya naman nakatingin lang saakin.

Saka siya nag lakad na ulit... ako naman naka sunod lng ulit... pagka dating namin sa may pintuan, hinawakan niya yung kamay ko saka ikinabit sa kamay niya.. nakatingin lang ako sakanya..

Napansin niya naman na nakatingin lang ako sakanya. "escort ako diba.. saka diba dapat naka kabit yung kamay natin kapag papasok na tayo.." tumango lang ako, saka kami pumasok..

Sa may gitna may sariling table ang Mist.. kaya nagtungo kami doon..

"sa Mist pala ang section mo.." sabi niya saka naka ngiti. "kaya pala." Sabi niya..

"ha??? Ano??" tanong ko naman.

"wala... tara upo na tayo." Siyempre.. hindi niya na naman akong tinulungan umupo, kaya ako nalang bahala sa sarili ko.

" ehm... ehm..." may tao sa likuran namin.. kokonti palang yung tao... kaya feel ko tuloy, napa aga kami ng dating..

Liningon ko yung mga tao sa likod.. nagulat ako at kumpleto ang Mist. Nakangiti silang lahat, siyempre hindi kasali dun si Ethan.. lahat sila may hawak na punch.

"hi Natalia!! Akala ko hindi kana makakarating. Kinukulit pa nga namin ni Andrea tong mga boys na tawagan ka eh.. iniwan kase namin yung phone namin" sabi ni Eunice... saka lumapit saakin.

"haha, hindi naman.. akala ko nga maaga pa eh.."

"at sino naman tong escort mo????" tanong ni Eunice.. na-curious naman yung iba kung sino tong lalakeng katabi ko. Lumapit sila, pero si Ky nakatalikod pa rin.

Tapos tumayo na si Ky saka humarap sakanila..

"OMG!!!" sabay na sabi nila Eunice at Andrea.. yung mga lalake naman naka ngiti lang..

"Hi Guys!" sabi ni Ky saka siya kumaway sakanila.

"wait, ikaw ang escort ni Talia???" tanong naman ni Andrea.

Nag nod lang si Ky..

"buti naman pumayag ka.. kase naman diba.." at bago pa maituloy ni Andrea yung sasabihin niya tinakpan na ni Eunice yung bunganga niya.

"hahaha, ok, lang.." sabi niya.. saka niya ibinulsa niya yung mga kamay niya.. "so, si Natalia pala ang sinasabi niyong bagong classmate.."

"ah, oo.. ang bait niya noh??" sabi ni Eunice.. "teka, teka...??? Paanong kayo ang magkasama??? Magkakilala kayo??" tanong ulit ni Eunice.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon