CHAPTER 29

327 29 23
                                    

[Zevi's Pov]

Lumipas na ang ilang oras at heto ako ngayon sa bahay kinukuha ang mga gamit ko na kagabi pa nakahanda, sinamahan na ako ni Harvey na kunin iyon ngayon.

“Mag-ingat kayo nieta, okay?” Paalala ni Abuela sa akin.

Opo abuela, mag-ingat din po kayo.” Sabi ko sa kaniya.

“Yes, we will, uuwi din naman ang tito at tita mo dio sa Pilipinas so it’s fine.” Aniya.

“Sige po, abuela, balik din po kami agad ni kuya pakakuha namin kay Alicia.” Sabi ko.

“Mama.” Baling ko kay mama na nakatayo sa gilid ko.

“I will wait anak.” She said.

“Sorry po mama kung maidadagdag pa si Alicia, huwag po kayong mag-alala mama, pagtatrabahuan ko po ang--”

“Hush, ayos lang sa akin anak, hindi mo kailangang magtrabaho, kaya naman ng mama eh, don’t worry about it okay?” Aniya.

“Pero mama, ayoko po na iasa nalang po lahat sa inyo, kailangan niyo pa rin naman po para sa gamot at checkups niyo po.” Sabi ko.

Mama cupped my face and smile at me.

“As long as mama can, you don’t have to worry about it, okay? Take care anak, we will wait.” Sabi niya.

Naiiyak akong yumakap kay mama at niyakap naman niya ako pabalik.

Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat kay mama sa kabutihan niya sa akin, sa amin ng kapatid ko, hindi niya kami tunay na anak pero sobra sbra pa sa anak kung ituring niya kami.

Nagpapasalamat ako kasi hindi ko man nakalakhan at nakilala ang tunay kong ina ay binigyan pa ako ng isang ina na lubos lubos kung mahalin ang mga anak.

“Sige na, para makapaghanda na din ang kasama mo, mag-ingat ka okay?” She said.

Opo mama, ikaw din po.” Sabi ko at humalik pa sa pisngi niya, ganoon din kay Abuela.

Agad na din kaming nagpaalam sa kanila at tahimik naman akong iginiya ni Harvey sasasakyan niya.

Pagkapasok namin sa sasakyan niya ay bumusina na siya bilang pamamaalam bago umalis doon.

“You okay?” He asked.

Lumingon naman ako sa kaniya at tumango tango ng nakangiti.

Ano pala ang nangyari kung bakit kailangan niyong kunin si Alicia?” He asked.

“I don’t know yet, malalaman ko palang pagdating doon, there is something happen for sure, pero sana naman hindi gaya ng dahilan ko kung bakit siya nagpapakuha sa amin.” I whisphered the last words.

Suddenly he pull over the car kaya taka akong lumingon sa kaniya.

“Bakit? Anong ginawa sa iyo?”

Oh shoot, he heard that.

“Nothing serious Harvey, sige na tara na para makapaghanda ka ng gamit mo.” Sabi ko sa kaniya ng hindi siya nilingon.

A TALE OF MISCHIEVOUS ALLIES [SERIES #3] ●COMPLETED●✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon