[Zevi's Pov]
Nagdaan ang araw at linggo at ngayon na ang pinakahihintay na araw. Ngayon na gaganapin ang event sa Isla El Dorado.
Naiayos na lahat lahat at nagsidagsaan na ang pumaparito sa Isla. Maya maya lang din ay magsisimula na ang programa.
“Nasettle na ba lahat?” Bulong ni Harvey sa akin.
Tumango naman ako at nagthumbs up sa kaniya.
Nagtanguan kami ulit at naghiwalay ng pupuntahan.
Nasaan na 'yong anak ko? Sabing huwag siyang lalayo eh.
“Mavey?” Paghahanap ko. Ang dami dami pa man ding tao jusko.
“Ahm hi, are you looking for Hilary?” Napalingon naman ako sa batang nagsalita.
Si AU.
“Yes, have you seen Mavey Hilary?”
Your niece?
“Yes, she's sitting near the coconut tree, stalking someone.” He answered.
“Thanks.” Iyon ang nasagot ko sa bata at hinanap na si Mavey na nakaupo sa may buko at may tinatanaw at tumitingin tingin sa cellphone niya.
Oo, may cellohone siya pang contact lang niya sa akin, hindi ko binigyan para ipalaro.
Dahan dahan naman akong lumapit sa kaniya at nakita ko sa screen niya ang litrato ni Harvey.
Itataas niya iyon tapos titingin tingin sa mga taong dumadaan daan.
“No, its not him, daddy has no beard in here.” Bulong niya at naghanap ulit.
“That one? Too old, is that him?” Napatingin naman ako sa tinutukoy niya, bahagya akong natawa dahil si tito Leighton 'yon.
“Maybe him? Too small, daddy is tall.”
I crossed my arm, enjoying eavesdropping here.
“That one? Why it is so difficult to recognize my father.” Aniya at napakamot.
“Mavey.” Tawag ko at nagulat naman siya kaya natawa ako.
“Mommy, I can't find daddy.” She said.
“You will see him later, don't worry. Basta huwag kang lalayo, you know AU? Huwag kang aalis sa tabi niya. Okay?” Tanong ko sa kaniya.
“But he left me here, he said he's hungry.” Aniya kaya tumawa na lamang ako at hinawakan na siya sa palapulsuhan at dinala sa lugar na mas safe at makikita ko siya agad agad.
“Huwag kang aalis dito okay? Always remember 'yong mga bilin ko sa iyo, okay?” I asked.
“Yes mommy, besides, Engineer Leighton told me not to talk to strangers too.” Napangiti naman ako.
Nameet mo na pala ang lolo mo eh.
“Basta dito ka lang, kapag makita mo man si tito Alfie mo, punta ka sa kaniya, okay?” I asked.
Tumango tango naman siya.
I tap her head bago ko siya iniwan ulit.
Hinabilin ko naman siya sa mga kasama pa naming iba kaya medyo panatag ako.
“Zevi where have you been? Hanap tayo doon.” Biglang sulpot ni Harvey.
“Sorry, may pinuntahan lang.” Sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
A TALE OF MISCHIEVOUS ALLIES [SERIES #3] ●COMPLETED●✓
Fiksi RemajaBOOK 3 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fiction, Romance-Comedy