[Harvey's Pov]
Araw na naman ang lumipas at talaga namang nasabi ko na sa mga kaibigan ko ang pagpayag nina mommy at daddy at natuwa naman silang lahat, sinabi pa nina kuya Neil na tutulong sila nina Ate Leighra, sila an daw bahala kung paano.
At sabado ngayon at nagsisimula na kaming magplano sa kung ano ang itatayo naming business, pero sabi nila ay hindi basta basta, kakailanganin daw ng lisensya at permit, pero hindi na namin prinoblema pa dahil sila mommy na daw ang bahala doon at ipapangalan muna sa kanila pero kami ang makikinabang because we are still teens, mas mabuti ng legal.
“Heto, tignan mo ang logo na ginawa ko para sa Isla El Dorado, mamili kayo diyan kung alin ang mas maganda.” Sabi ni Loujen at ipinakita sa akin ang laptop niya.
May labing isang logo na ginawa niya na pagpipilian, nagsilapit naman ang lahat at nagturo kung alin ang nagugustuhan nila.
“Maganda din ito, I like it.” Sabi ni Xyzee sa ikapito.
“Pati din ito oh.” Sabi naman ni Kylie.
“Pero may watermark siya ng talagang pinanggalingan.” Si Dianah naman.
“Inedit ko lang kasi eh.” Sabi naman ni Loujen at sinabing naghanap lamang ng maaari niyang gagamitin.
Napalingon ako sa tabi ko at si Zevi na nakatalikod sa amin ang nakita ko at may ginagawa siya, wala ba siyang balak mamili kung alin ang mas maganda dito.
“How about this one?” Biglang aniya at ipinakita ang gawa niya sa bond paper.
“Nagbase ako sa itsura ng Isla at kung anong mayroon doon, at nakikita niyo ito…” Nagsimula siyang magpaliwanag sa mga simbolo ng kaniyang mga iginuhit at maliban sa napakasimple ay mayroong siyang hidden na naiguhit na kaniya ring ipinaliwanag, ang ganda pa ng pakakagawa.
“And kung titignan niyo ay parang simpleng logo lang o poster pero kung susundan niyo ang bawat linya na naghahati sa bawat simbolong ipinaliwanag ko ay mabubuo ang pangalan ang letrang L at H, that stands for Lereigheo Harvey. So what do you think?” She asked.
Wala kaming nasabi, we are so amaze by her work, sa kawalan ng sasabihin ay napalakpakan namin siya at sumang ayon sa kaniyang munting presentasyon.
“Pero paano natin iyan gagawin ngayon?” They asked.
“Kylie and Yelsha can do it, magtutulungan sila sa kung paano nila gagawin dahil kayong dalawa ang maalam sa digital art at magpapacustomize tayo ng stickers or prints para sa ilalagay sa mga product o ano man diyan.” She said.
Napaapir naman si Yelsha at Kylie sa tuwa at tuwang tuwang sumang ayon ang lahat.
Nakatitig naman ako sa kaniya habang nakangiti lamang, namamangha sa bawat presentasyon at suhestiyon na sinasabi niya.
“Ang galing, pero ano nang business natin?” Caetie asked.
“Bakit hindi natin simulan sa mga jackets for now, hoodies ganoon since malamig ang panahon, pero siyempre hindi lang basta basta jacket, papalagyan natin no’ng logo kahit kaunti lamang siya or something na gagawa tayo ng maaring mailagay doon na related sa Isla na iyon ‘di ba? Hindi lang mga jackets basta something cottony product or pang malamig para ngayong ber months at pwede na ding sabay ang pang valentines for the month of February at pangsummer, and any products that we can buy and sell or customized at maaari ring handicrafts at mga gawa natin.” Xyzee suggested.
BINABASA MO ANG
A TALE OF MISCHIEVOUS ALLIES [SERIES #3] ●COMPLETED●✓
Roman pour AdolescentsBOOK 3 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fiction, Romance-Comedy