CHAPTER 34

366 28 7
                                    

[Harvey's Pov]

"Damn it!" I cursed.

"ZEVI! NASAAN KA?" I shouted dahil kanina ko pa siya hinahanap, I woke up na wala na siya sa tabi ko.

I am so worried at nagsisimula na akong matakot na baka nawala na siya, kanina pa ako naglalakad lakad dito sa kakahuyan at babalik sa tent at maglilibot ulit dahil hindi ko siya mahanap.

"ZEVI!" Sigaw ko ulit but damn, wala pa ring sumasagot. My palms are starting to get cold and I am shaking in fear that I might lose her.

"Oh dang! Where the hell are you!" Ani ko at napahilamos pa.

Bumalik ako ulit sa tent at wala pa rin akong nakitang Zevi, I started to panicked kaya hinalungkat ko na ang cellphone ko sa bag na nasa tent.

Nang mahanap ko ay lumabas na ako at saktong nakita ko siya sa bandang kalayuan na tumatakbo at may dala dalang hindi ko alam, mukang isda?

Napatakbo ako para salubungin siya kaya nagtagpo kami sa gitna.

"Harvey may---hey." She said and chuckled dahil sa pagyakap ko sa kaniya bigla.

"Pinag-alala mo ako! Saan ka pa nagpunta!?" I shouted while hugging her at napakalas para tignan siyang inosente lamang na nakatingin sa akin.

"Naghuli ng isda." Inosente pa ring aniya.

"Bakit hindi ka nagsabi!? I've been looking for you for so long! Halos mabaliw na ako kakahanap sa iyo! Bakit hindi ka man lang nagsabi!?" Galit talagang sabi ko at nararamdaman ko ding parang naiiyak ako.

"Around four ako umalis, tulog na tulog ka eh kaya hindi na kita ginising." Aniya at napakamot at ngumuso.

"Eh 'di sana nag-iwan ka ng note or something, o sana ginising mo ako, four o' clock in the morning is too early! Madilim pa, Zevi! I am so worried!" I said.

"Sorry." She apologize and smile at me tapos yumakap pa sa akin sabay halik sa labi ko na nagpakalma sa akin kaya napayakap ako ulit sa kaniya.

"Tama na, tara magluto tayo ng isda, at isa pa may nahanap akong poso sa banda diyan sa likod sa kakahuyan mukang peedeng gamitin para sa lulutuin, sakto may isda din akong nahuli, pwede natin ihawin." Sabi niya at tinignan ko naman ang isda na nakuha niya. Malaki laki naman at mukang sobra pa sa aming dalawa.

I sighed and hugged her again bago na siya niyaya pabalik sa may tent.

"May nakita din akong falls, believe me, galing sa mismo sa ilog 'yong umaagos tapos iyong ilog naman ay nakadugtong sa dagat, pwede ba tayo pumunta doon mamaya?" She said.

"You explored on your own, you are so madaya." Tampo ko.

"Hindi ko naman alam na antukin ka eh, malay ko ba." She said.

Napasinghal na lamang ako at naglakad hanggang makarating kami sa tent.

Naglabas na ako ng gamit at gagamitin namin sa pagluluto. Nagdala naman kami ng maliit na lutuan, may maliit na gasul siyempre at stove, ito ang yayamaning camping ba.

A TALE OF MISCHIEVOUS ALLIES [SERIES #3] ●COMPLETED●✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon