CHAPTER 13

272 19 25
                                    

[Zevi's Pov]

‘Please don't chase me if you fall.’
‘Please don't chase me if you fall.’
‘Please don't chase me if you fall.’
‘Please don't chase me if you fall.’
‘Please don't chase me if you fall.’

Matagal ko siyang tinitigan habang napapaulit ulit sa utak ko ang sinabi niya.

Wala akong masabi, pakiramdam ko ay napipi na ako, hindi ko mahanap ang salitang gusto kong sabihin sa kaniya.

I want to curse him but then I feel like someone is stabbing me at my back.

Gusto kong ibuka ang mga bibig ko para barahin ang sinabi niya pero hindi ko magawa.

Naramdaman ko ang pagkunot ng aking noo at pagsalubong ng kilay ko.

“Gusto mo bang biyakin ko 'yang butas ng puwet mo?”

Gusto kong tumalon at magpaparty sa saya at ginhawa dahil may nasabi din ako pagkatapos ng mahabang titig ko sa kaniya para iprocess ang sinabi niya sa utak ko.

“Baka gusto mong sabunutan at iuntog kita diyan sa mesa, o 'di kaya isako na lang kita at gawing pinyata?” Sabi ko.

Maya maya ay humagalpak siya ng tawa at hinawakan pa ang tiyan.

“Ang pula mo!" Pasigaw na aniya habang nakaturo sa akin at pinunasan ang luhang namuo sa gilid ng mata niya.

Sa inis ko ay lumapit ako sa kaniya at sinakal sa leeg pero tawa pa rin ng tawa!.

“GAGO! HUWAG DIYAN! MAY KILITI AKO!”  Aniya at halos mangisay dahil sa sobrang kiliti at tawa pa ng tawa.

Putek! Ikaw palang ata ang sinasakal na natutuwa!” Sabi ko at sinabunutan niya pero tumatawa pa rin kaya nahawa na ako at natawa na lang din.

Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at hinayaan na siyang tumawa mag-isa.

Hirap makaget-over sa pinagsasasabi kanina.

Ang gago lang ng putek! Letseng iyan! Sarap hambalusin.

Nakakagigil siya, lakas mang alaska, peste!

*Fast forward*

Mabilis na ding lumipas ang maghapon at talagang drain na drain kaming lahat, wala kaming naisip na kakantahin.

Masiyado na ata kaming nagfocus sa latest na mga kanta, that's why.

“I called kuya Alfie already, naipalam na kita.” Sabi ni Harvey sa akin.

Woi, sunod na lang ako do'n.” Sabi ni Caetie ganoon kila Jhone at Xyzee.

“Sa sasakyan ko na tayo.” Sabi niya.

“Paano motor ko?” Tanong ko.

”Huwag mong problemahin 'yan, ako na bahala.” Sabi niya.

Umirap na lamang ako at sinunod ang sinabi niya.

Pumasok naman na ako sa sasakyan niya at hinintay na lamang siya na pumasok na din.

Pagkapasok niya ay binuksan ko ang radyo niya para makinig ng mga kanta.

Instrumental music started to play.

“Closer You and I.” Sabay naming hula sa kanta kahit pa man intro palang siya.

A TALE OF MISCHIEVOUS ALLIES [SERIES #3] ●COMPLETED●✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon