CHAPTER 41

305 28 7
                                    

[Zevi's Pov]

“CONGRATULATIONS ENGINEER ARAGON!” We greeted as he cut the ribbon.

It's been a year had passed. Napakabilis ng panahon, sa wakas ay natapos na ang Isla El Dorado. Napatayo na, nabuo na, nakikita na ang bunga ng gaya ng nasa plano.

Today is the grand opening of the Island at dagsaan na sa dami ang turista, nang mga nakaraang taon ay open na ang Isla sa mga gustong mamasyal, kahit na may mga hindi pa tapos at ngayon ang opisyal na pagtatapos at pagbubukas ng Isla.

Napakahirap paniwalaan ngunit masasabi kong worth it! Maliban sa natapos na ang Isla ay nakapagtapos na din kami ng pag-aaral sa kolehiyo at kami ay mga ganap ng propesyonal maliban kila Kylie at Xyzee na ang kurso ay 10 years course pero kahit na ganoon ay hindi naman sila nahihirapan.

We all clap our hands for the victory of the project. And yes, ganap ng siyang Inheniyero at ako na ay ganap na Arkitekto.

“First and foremost I would like to thank our Father above for the job well done, this is a very big blessing that I've ever received, so much thankful for those who helped and whoever been part of the group, the employees, the volunteers, those person who give donations, Wala na akong masabi kun' 'di ang magpasalamat ng lubos lubos.”

Salamat sa pagtulong sa amin at suporta ninyo mula sa umpisa six years ago hanggang ngayon, hindi tumigil ang paglago ng negosyong nasimulan at nagpapatuloy ang pagbibigay ng mga donasyon pa ng ilan, maraming maraming, maraming salamat.”

“At siyempre sa pamilya ko at sa mga nagplano, ang Aragons at Abrenicas, sobrang salamat sa pagtulong din, sa mga nagtrabaho nito, walang sawang pasasalamat ang masasabi ko, lalo din sa mga kaibigan ko na nariyan mula umpisa hanggang sa natapos at sa babaeng kasama kong nagplano at nagbigay ng pangalan ng Isla na ito, Maraming salamat.” He said habang sa akin nakadapo ang tingin.

Napangiti naman ako sa kaniya at ganoon rin siya.

“Again, thank you and congratulations to all of us!” He said at muling masigabong palakpakan ang aming iginawad.

Agad ding nagsmimula ang engrandeng selebrasyon, at nakipagbatian pa si Harvey sa mga bumabati sa kaniya.

Lahat kami ay naka shirt ng Isla El Dorado sa araw na ito. Nagkayayaan na muna kaming maghanap ng mesang paguupuan.

Dito sa may seaside at mayroong tolda na nakahilera para sa sisilungan dahil madami daming tao ay mahaba haba din ang mesa at malaya ang sino man ang kumuha ng pagkain.

Ilang sandali ay nandiyan na si Harvey.

“Tara na sa loob.” Aya niya sa amin kaya nagsitayuan na kami at pumaroon na nga.

Agad niya akong hinapit sa bewang pagkatayo ko.

“Congrats Engineer.” I greeted.

“Congrats too Architect.” He greeted back at hinalikan pa ako sa sentido.

Namiss kita.” Bulong niya.

Natawa naman ako dahil ilang araw kaming hindi nagkita dahil sa proyekto ko kasama ang ibang engineer na ako ang kinuhang architect.

A TALE OF MISCHIEVOUS ALLIES [SERIES #3] ●COMPLETED●✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon