CHAPTER 47

329 26 17
                                    

[Harvey's Pov]

"I'm pregnant." Sabay kaming napalingon lahat kay mommy na nagsabing buntis daw siya.

Nakakapagtaka na nakuha pang magbuntis gayong ang tanda na namin ni ate.

"Seryoso ka ba diyan mommy?" I asked.

"Heto pa nga oh ang ultra sound ko." Sabi at iwinagayway ang envelop.

Agad naman kaming nasiyahan for her at nilapitan siya, niyakap at binati.

Si daddy? He's still stunned. Kaya naman ngumiti si mommy sa kaniya.

Agad ibinaba ni daddy ang pagkain niya at lumapit kay mama, niyakap at hinalikan.

"I am not going to Dubai na, I'll stay." He said.

Nilingon ko naman si Zevi.

"I'll do the same thing if ever Zevi." I said na ikinangiti niya at niyakap ko siya na siyang nakapagpagaan naman sa pakiramdam.

Maya maya ay bigla niya akong itinulak dahilan para magtaka ako.

"Natatae ako." Pabulong na aniya at sinamaan ako ng tingin.

Bigla akong natawa dahil nakalimutan kong may sasabihin din pala siya.

Napakamot pa ako at natawa ulit bago siya iginiya papunta sa taas para makapagbawas siya.

Habang hinihintay ko siya dito sa kama ay bigla akong napaisip at napangiti.

Dahil pagkauwing pagkauwi ko man galing Japan ay papakasalan ko na siya.

Iyon ang plano ko sa taong ito. Ayoko ng patagalin pa, gusto ko na siyang makasama ng tuluyan at bumuo ng pamilya na kami ang haligi at ilaw.

Pero siyempre, hindi ko muna sasabihin sa kaniya 'yon, surprise muna.

Maya maya lang ay lumabas na siya kaya naman inaya ko na siya ulit papunta sa baba.

Masaya naman kaming nagdidiwang, wala kaming kaide-ideya kung bakit bigla nagpahanda si mama, iyon pala ay itong balitang buntis siya.

Menopausal baby huh?

"Ilang buwan naman na iyan tita?" Zevi asked.

"More than 2 months na hija. I can't believe na--" Sadya  niyang pinutol at humalakhak.

Kaya pala nagiging weird si mommy lately, bigla bigla na ding nagsusungit, akala namin, stress lang sa trabaho, iyon pala ay buntis na haist.

Bagsik ah.

"Magleave ka muna sa trabaho mo, ayokong magtrabaho ka habang may bata kang dinadala." Sabi ni daddy sa kaniya.

"Tapos na, simula na nga ngayon eh." Sabi pa ni mommy sa mayabang na paraan.

"Good, baka mapano pa ang bata." Daddy said.

Makikita mo talaga kung gaano kasaya si daddy.

"Leighra, galaw galaw, kailan mo balak mag-asawa?" Biro ni daddy.

"Kapag nag-apat na taon iyang bata." Pabiro ding banat niya kaya natawa kaming lahat.

"Sure ba 'yan?" I asked.

"Oh? Eh kayo? Kailan niyo balak?" Biglang baling niya.

A TALE OF MISCHIEVOUS ALLIES [SERIES #3] ●COMPLETED●✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon