A/N:Sorry kung natagalan ang update ko, balak ko sana last saturday pero naging busy ako, at sunday may pinuntahan naman ako kaya ngayong lunes talaga ang update, at dahil namiss ko din kayo, nagsulat na ako (づ ̄ ³ ̄)づ
[Harvey’s Pov]
“Hi ate, gumising ka na diyan para naman makita mo na ang bebe mo, jusko naeengganyo ka naman masiyado sa pagtulog diyan eh.” Sabi ko habang kausap ang tulog kong kapatid.
“Gising ka na para makilala mo na ang anak ko, she’s so excited to see you, si AU din, palagi ka niyang tinatanong kung gising ka na, at gusto niyang binibisita ka lagi, miss na miss ka na namin. May naghihintay din sa iyo kaya naman sige na, gising na.”
Para akong tanga dito na nagsasalita pero I just can’t stop myself from talking, sabi nila effective daw ang ganitong kinakausap ang nacoma.
Why not if itatry hindi ba? Wala namang mawawala.
Napabuntong hininga ako at pinisil ang kaniyang kamay tumayo at hinalikan siya sa noo.
“I miss you so much, please wake up.” I whispered at inayos ang buhok niyang napakahaba hanggang paanan bago lumabas ng ICU.
Pagkalabas ko ay nakasalubong ko naman si kuya Zero.
“Kuya.” Bati ko.
Tinanggal naman niya mask niya at isinabit ang stethoscope sa leeg niya at ngumiti sa akin.
“Kumusta ang kalagayan ni ate?” Tanong ko.
“As of now, may mga signs na, pero wala pang kasiguraduhan kung kailan magigising and mostly, milagro ang nakakasurvive ng coma.” He said and cleared his throat, nahihirapang bigkasin ang bawat salita.
“But hoping and praying that she will and she can survive.” He said positively.
Nalulungkot din ako sa ibinalita niya.
Tumango tango na lamang ako at napakamot sa batok ko sabay buntong hininga.
“Don't worry, gagawin namin lahat ng makakaya namin, ayoko ding mawala ang ate mo. Anyway pwede bang pakibigay sa anak mo 'tong regalo ko mamaya, baka hindi ako makaattend dahil magtatrabaho ako hanggang midnight.” Aniya at inabot ang paper bag na may laman na regalo.
“Makakarating po kuya, salamat po.” Sabi ko.
Ngumiti naman siya at humawak sa balikat ko.
“I envy you, you know that? But still, congratulations.” Aniya.
“Salamat po kuya.” Pagpapasalamat ko.
Hindi na napatagal ang aming usapan at nagpaalaman na din kami.
Umalis na ako ng Hospital at nagdrive papunta sa bahay dahil nandoon ngayon ang mag ina ko.
Or should I say, sa bahay na kami tumutuloy, paminsan minsan na lang sa kanila.
Pagkarating ko sa bahay ay nakahanda na ang mag ina ko at si AU.
Oo, palagi ng nakakasama si AU sa ano mang lakad namin.
People always think that they are twins dahil may hawig din naman silang magtito.
BINABASA MO ANG
A TALE OF MISCHIEVOUS ALLIES [SERIES #3] ●COMPLETED●✓
Dla nastolatkówBOOK 3 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fiction, Romance-Comedy