07

268 7 0
                                    

Ginising ako ng maaga ni tita at mabuti nalang dahil baka ma-late ako sa praktis namin ngayon. Tinignan ko naman ang class group chat namin para maki-update. Magkikita raw kami sa East flower garden. Kung saan isa ito sa mga sikat na tambayan ng mga estudyante dito sa amin.

"Bye tita!" Pagpaalam ko kay tita pagkatapos kumain tapos diretcho na ako sa lakad ko. I just took a jeep to go there and I even talked to Honey on the phone kung papunta na rin ba sila.

Sinabihan ko na rin naman si tita na baka sa hapon na ako makakapunta sa pag tuturuan ko. But the truth is that I don't want to teach Tryp. I'm afraid of what might happen.

"Tayo palang?" I asked when I got to the East Garden. There are only five of us at wala pa sila Rea dito.

"Oo eh ewan nga nasaan na 'yong iba, usapan eight a.m. anong oras na, nine a.m. Mabuti sana kung hindi tayo mga busy lahat whole day sana tayo ngayon," sabi ni Nicole ang President ng class namin.

"Basta ako ngayong umaga lang ako, may trabaho ako sa hapon," ani ko. Mabuti naman mga ilang minuto ang lumipas ay may mga nag sidatingan na at nandito na rin ang mga kaibigan ko. So at least we can start rehearsing.

"Bili muna tayo ng snacks may hotdogs don oh," sabi ni Honey tapos sabay namin siyang binatukan ni Rea. Hotdogs raw tapos tinuturo niya mga lalaki na medyo malayo sa'min.

"Ikaw talaga Honey," sabi ni Rea tapos nagtatawanan kaming tatlo. Nag-thirty minutes break kami after ng isang practice na hindi kami magkasabay sabay sa pagkilos at sa pagkanta.

"Sama ka o magpapahuli ka nalang, mukhang wala kang ganang tumayo diyan," sabi ni Rea. Nakaupo na kasi ako dito sa ilalim ng puno kung saan maayos na pwesto ko. Itong dalawa mahilig naman maglakad lakad.

"Pabili nalang ako, sandwich lang tapos juice," sabi ko.

"Hotdogs ayaw mo?" tanong ni Honey.I just stared at her in response.

Bagong araw at ini-stalk ko na naman siya. Dahan-dahan pa ako sa pag-scroll baka may mapindot ako. I kept wondering, kung lahat ba ng babaeng kasama niya sa posts niya ay hinalikan lang niya rin bigla.

He seems to be more close to women at their University. Pati tuloy sa mga nagtatag sa kanya ay napapastalk rin ako sa mga profile nila.

"Hala!" sigaw ko nang biglang may na-heart ako.

"Ahhh naman!" sigaw ko ulit. Kahit pa i-unheart ko wala na kasi lalabas na rin 'yon sa notification niya. Para naman kasi akong si Honey hindi nag-iingat.

Ayoko na talaga tuloy magpakita sa kanya mamaya. But why should I be ashamed of him? He must be the shy one because he was the first to kiss!

Nananahimik ako tapos bigla niyang gagawin 'yon, pero hinayaan ko siya eh. Hindi nga ako nagsumbong.

Tinignan ko na lang ang year ng na-react kong post niya, last year pa! Napapikit ako ng mariin at napa hilamos ng mukha. Pinatay ko nalang ang phone ko.

Kalma dahil wala lang rin naman siguro 'yon.

"Mahalin natin ang ating bansa!

Mahalin natin ang ating kapwa!"

After thirty minutes break ay nag-umpisa na ulit kaming mag-ensayo. Ewan ba kasi kung bakit ito ang ginawang group project sa amin ng guro namin sa Filipino. Ang sumali sa tugsayawit.

Pagkatapos ng ensayo ay kinulit ako nila Rea kung pwede bang sumama nalang daw sila sakin naalala daw kasi nila na gwapo raw ang tuturuan ko.

"Sige na gwapo kasi ng estudyante mo, hindi ako makikihati sa sweldo mo promise," sabi ni Rea.

Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon