30

243 8 0
                                    

"Gusto ko talagang makapunta sa party!" sigaw bigla ni Rea habang kumakain kami sa loob ng food stop. Hindi ko alam kung bakit nakipagkita sila ngayon sa'kin. Pero si Sofia ang kasama namin ngayon dahil hindi raw available si Honey, nalulungkot lang ako dahil parang hindi pa lumabas si Rea na hindi siya kasama. Sa aming tatlo natatandaan ko maa close silang dalawa.

"Kaso walang may gusto akong isama," sabi niya na parang bata. Sabay naman naming hinaplos ang likuran niya. Tumingin naman ako sa relo ko dapat before 4 pm makauwi na ako.

"Sana naman may taga-Primston diyan!" sigaw niya bigla kaya sinaway namin siya agad. Hindi sana ako sasama sa kanya kaso nakulitan rin talaga ako dahil hindi na rin kasi siya masasamahan ni Honey.

"Haha ito naman nagbibiro lang ako, chill nga lang kayo." sabi niya sa'min. Naglibot lang kami sa isa sa mga pasyalan dito sa syudad tapos nag-aksaya ng oras sa ibang mall tapos nagutom kami at huminto kami dito.

"Bakit kaya hindi available si Honey?" tanong ni Rea sa'kin.

"Hindi ko alam," sagot ko.

"Kwentuhan mo naman ako Sofia, tungkol sa ka alam mo na ni Nicole," sabi naman ni Rea at napatulala ako dahil wala akong alam sa sinasabi niya.

"Tanungin mo nalang kaya siya." natatawa namang sagot ni Sofia.

"Kasi hindi ko talaga ma-imagine iba-ibang lalaki ang nakakasama niya." Sinaway ko naman si Rea. Talaga kahit kailan ang bibig nito hindi mapigilan.

"Sa ano kayang dahilan o baka timer siya, throwback lang tayo nong junior high na uso pa ang salitang timer! Si Maris kaya kamusta naman siya sa jowa niyang wala ring label, sex lang raw sabi ni Tessa" natatawa niyang sabi.

Buong hapon ay tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. Hindi ko talaga kasi masabayan ang mga kwento at chika nila.

"Saan ka sasakay Lyn?" tanong naman ni Rea.

"Dito lang ako kayo?" sagot ko.

"Maglalakad pa kami, walang dumadaan dito eh papunta sa'min." mabuti naman at napagdesisyunan na nilang umuwi. Sakto may masaskayan ako dito sa labas ng food stop.

"Oy ingat ka ah, see you next next week!" kinikilig niyang sabi at napangiti naman ako. Dahil sa holidays ay makakapagpahinga kami ng konti dahil may mga pahabol pa namang pinagawa ang mga prof namin.

Kaya rin sana gustong mamasyal ni Rea ngayon kaso hindi talaga pwede si Honey baka hindi rin pinayagan. Sa'min kasing tatlo siya ang merong strict na parents.

"Ingat kayo," sabi ko.

"Bye Lyn!" kumaway naman si Sofia tapos ay naghintay na ako ng masasakyan papunta sa'min. Medyo natagalan pa akong makasakay dahil punuan ulit.

"Hello ma?"

Bigla namang tumawag si mama sakto ay ilang minuto nalang ay makakabalik na ako sa bahay ni tita.

"Wag mo'kong kalimutang bilhan ng pasalubong diyan ah, yong masarap nilang dried mangoes diyan uwian mo'ko." napailing-iling lang ako. Hindi pa naman talaga ako nagtratrabaho dito. Nag-aaral pa ako.

"Subukan ko po ma," sagot ko. Hindi talaga ako excited umuwi eh pero kailangan. Bahala na kung anong isipin ng iba sa'kin.

"Mga kapatid mo ah dalhan mo ng pasalubong maghahanap 'yon. Nga pala talagang mayaman na si Yen diyan  'no?"

"Masipag po si Tita Yen ma," sagot ko.

"May kailangan pa po ba kayo?" tanong ko.

"Eh wala naman mag-ingat kayo sa biyahe papunta dito. Anong oras ba kayo aalis diyan?"

Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon