04

303 9 3
                                    

"Get off!"

I just hugged tighter while I also held my cellphone tightly.

Natatakot kasi ako baka biglang bumagsak ang elevator na ito. Bakit ba kasi iniwan ako nila Honey bigla. Sana hindi na rin lang talaga ako tumuloy dito.

It might even be the end of my life, I hope not!

"I said get off!"

I almost lost my balance when he suddenly pushed me away. Aksidente ko ko ring naitapat ang cellphone sa mukha niya. Para naman akong naging yelo sa kinatatayuan ko ngayon nang naging malinaw ang mukha niya sa'kin.

Si Tryp!

"You?" tanong niya. Anong ginagawa niya dito? He's wearing a polo shirt and the top two buttons we're open.

"What the hell are you doing here teacher?" tanong niya kaya napaangat ulit ang tingin ko sa kanya. Hanggang dibdib lang pala niya ako wala kasing heels itong sapatos na pinahiram sa'kin ni Rea but it doesn't make me feel small.

I saw him smirked.

Tanging liwanag lang ng cellphone ko ngayon ang nagsisilbing ilaw namin sa loob. Ilang beses ito bumagsak ngayon baka masira pa ito at pagalitan ako ni Tita, siya pa naman bumili nito para sa'kin. Halos lahat ng meron ako ngayon kaya dapat ingatan ko lahat.

Sumandal tapos nakapamulsa siya ngayon. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Am I really stuck with him?

"So, did you follow me back?" tanong niya at nagising naman ako sa kakatulala lang. It's embarrassing, he might notice I'm just looking at him.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko naman. Pero hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

"I followed and messaged you," sabi niya. Naalala ko naman agad ang ginawa ni Honey. Tumango nalang ako dahil n-confirm na siya ng kaibigan ko.

"Your account is private so I have no choice but to follow you pero wala rin palang gaanong laman ang account mo," sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Why would he look at my account?

"Im not a stalker," aniya. Hindi ako sumagot sa mga sinabi niya, nanatili lang akong tumahimik. Okay, kung hindi siya stalker. Ano na gagawin ko ngayon matagal pa bang gumaling itong elevator, baka naman bukas pa maayos ito o mas malala hindi ako makalabas.

Hindi na naman ako makahinga ng maayos dahil nagsisimula akong mataranta ulit. Lumapit ako sa mga pwede kong pindutin at lahat ng buttons ay pinindot ko. Gusto ko ng makalabas ngayon na!

"Tulong!" sigaw ko. Ayaw talagang gumana ng lahat ng mga numero. Tinignan ko ang cellphone ko at agad kong hinanap sa contacts sila Honey baka makatulong.

Nag-start akong mag-dial at napahinga ako ng maluwag ng konti nang mag-ring ito.

"You need to take a chill pill." Napalingon ako kay Tyrp na napapailing-iling. "Ingay," sabi niya tapos may bigla siyang hinugot sa bulsa niya. Bigla kong nabitawan ang aking phone nang makita ko ang kinuha niya.

"Hello, Lyn!"

Inabot ko ang magkabila niyang kamay para pigilan siya. Seriously, He was holding a lighter and cigarette stick inside the elevator! Magsisindi ba siya dito?

"Wag!" sigaw ko.

"Bitawan mo ako." malamig niyang sabi. But I ignored his cold presence. Baka ano lang mangyari dito sa loob ng elevator kung magsisindi siya baka sumabog itong elevator.

"Hello girl Lyn, nasaan ka!" Naririnig ko ang boses nila Rea sa phone ko mabuti na nga lang hindi namatay ito kung hindi ay wala kaming ilaw ngayon.

Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon