Pagkatapos ng kulitan namin ay nanood kami ng kahit ano sa tv. Kahit saang channel lang niya nililipat tapos nakikinood lang naman ako. Kahit maingay ang ulan at ang tv ay tahimik pa rin. Bigla rin kasi kaming tumahimik dahil hindi na rin siya nagsalita. Parang ilaw na bigla agad namatay. Marami tuloy akong tanong na naiipon sa isipan ko.
"Bakit pala Civil engineering and pinili mo?" tanong ko at pagbasak sa katahimikan sana naman hindi siya magalit.
"Pwede mo namang hindi sagutin," sabi ko kaagad.
"It's my lolo's choice not mine," sagot niya. Tumango lang naman ako bilang sagot. Gusto ko sana tanungin kung ano talaga gusto niya, yong paglalaro ba at bakit niya sinusunod lolo niya kung hindi naman pala talaga niya gusto. Kaso mukhang wala ako sa lugar para magtanong. May mga math subjects raw siya na bagsak siya pero pakiramdam ko naman hindi talaga dahil bumabagsak siya parang binabagsak niya? Ewan ko lang dahil napansin ko kasi parang mas madali pa mga formula na ginagamit niya kesa sa formula na ginagamit ko na sobrang mahaba pa nong tinignan ko ulit ang mga sagot niya.
"How about you?"
"Ahh education major in Mathematics," sagot ko.
"Your choice?"
"Oo, gusto ko talaga magturo eh."
"Good for you."
Tapos tahimik ulit. Parang gusto ko nalang ulit magkulitan kami. Nakita ko naman siyang kumuha ulit ng isang stick ng sigarilyo. Parang kaya niyang umubos ng isang box sa isang araw.
"Dito ba tambayan mo madalas?" tanong ko, tumango siya ng hindi lumilingon sa'kin.
"Hmm maganda ang bahay," komento ko. Totoo, simple pero maganda.
"Hindi ka ba natatakot baka magkasakit ka?" tanong ko naman at tumigil naman siya tapos sinalubong ng kulay asul niyang mga mata ang mga mata ko.
"Wala namang iiyak kung mamatay ako," sagot niya.
"Mamatay agad?" tanong ko naman at hiniling agad na sana hindi naman.
"May mga fans ka kaya sigurado ako malulungkot sila," sabi ko.
"Well, too bad I just don't care," sagot niya.
"Hmm yong daddy mo ba may sakit?" natigilan naman ako nang lumabas 'yon sa bibig ko. I swear hindi talaga ako madaldal. Hindi rin malikot ang dila ko kagaya nina Rea at Honey.
"Sorry, wag mo nalang pansinin 'yon," sabi ko kaagad.
"He's crazy, he's mentally ill." natulala naman ako nang sumagot siya at mukha naman siyang hindi nagalit o nairita. "He went crazy just because of love. My mother cheated on him. That's why being in a relationship and being married is such a pain in the ass."
Natigilan ako sa mga sinabi niya at hindi na ako nagsalita pa. Nakita kong inangat niya ang ulo niya tapos pumikit. Napasandal nalang ako sa upuan tapos tinignan ko ang relo ko, anong oras na! Tinignan ko ulit ang phone ko marami ng messages si tita tapos calls din.
"Kailangan ko ng umuwi," sabi ko at nataranta pa akong tumayo tapos abutin ang bag ko. Nakita ko naman siyang dumilat tapos inirapan ako.
"Okay ingat," sabi niya tapos bigla siyang lumakad papunta sa kwarto niya. Napatulala ako sa inasta niya sa'kin.
"May dadaan na bang sasakyan dito?" tanong ko naman nang sundan ko siya.
"I don't know tignan mo," sagot niya "The rain is heavy I won't be able to drive you." tapos umupo sa gaming chair niya.
"Anong sasabihin ko kay tita?" tanong ko. Hindi ko na yata kayang magsinungaling kay tita tapos idadamay ko pa ulit sila Rea. Tinitigan niya ako bigla.
BINABASA MO ANG
Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)
Romance"Please baby don't stop me" - Mr. Tryp Ivan Walter MISTER SERIES 1 photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.