36

227 8 5
                                    

"Ingat ka ha sigurado ka bang hindi ka sasabay sa'kin?" tanong ni tita. Umiling naman ako agad. Hindi mahigpit ang schedule ni tita ngaayong buwan kaya halos araw-araw ay nahahatid niya ako. Pero hindi pwede ngayon dahil may lakad ako.

"Opo, tita," sagot ko. Tapos lumabas na ako ng bahay at naglakad na ng diretcho palabas ng village at papuntang sakayan. Binantayan ko pa kung dumaan na ba ang sasakyan ni tita bago ako sumakay ng jeep papuntang terminal.

Rea Mae Cares:

San ka nga ba pupunta at bakit tinuturuan mo kaming magsinungaling sa tita mo haha!

Honey bee:

wag kang mag-alala hindi naman pala-message tita mo eh haha pero saan ka nga pupunta?

Lyn Rose:

Basta. kwentuhan ko nalang kayo bukas.

Rea Mae Cares:

oy ano kayang chika mo ngayon! panget mong ka-bonding baka may jowa ka na hindi mo pinapakilala samin!

Honey bee:

o baka blind date yarn? haha. May quiz ngayon gaga ka!

Lyn Rose:

babawi ako agad bukas basta... favor ko ah. ngayon lang.

Rea Mae Cares:

dalawang beses na. yan haha! Baka ano mangyari sayo ah!

Honey Bee:

Samin isisi haha!

Hindi ko naman talaga kailangang magpaliwanag sa kanila. Sigurado rin akong hindi sila basta magsasalita kay tita. Hindi strict si tita kaya kinakabahan ako ngayon. Kinakabahan ako sa mga ginagawa ko.

"Lyn!"

Nakita ko agad si Sofia pagkababa ko ng jeep. Natulala rin ako sa dala niyang poster at light stick ba yan?

"Para san yan?" tanong ko.

"Syempre pandagdag mamaya sa cheer ko!" sigaw niya. Tumingin naman ako sa poster.

"Dark knight?" tanong ko.

"Oo kalaban ni En passant ngayon sa duo. Pero syempre hindi ko rin kakalimutan ang Black. white vs. Scary clowns, 5 vs. 5."

Tumango lang ako sa sinabi niya kasi hindi ko naman maintindihan. Si Tryp lang naman ang gusto kong puntahan. Pwede naman sa University nalang diba? Pero gusto ko rin siyang makitang maglaro sa ganitong event.

"Tara?"

"Ay teka, yan soot mo?" tanong niya at napagtanto kong naka-uniform pa pala ako.

"Oo nga pala may malapit namang banyo dito diba? Samahan mo muna akong magbihis," sabi ko. Tumawa siya sandali.

"Sige, maaga pa naman," sabi niya.

Nakapagpalit ako tapos agad kaming sumakay sa van. Natulog lang muna ako sa biyahe para hindi ko lang muna isipin ang kaba at pagsisinungaling ko.

Ginising ako ni Sophia nang makarating na kami. Pagkalabas namin ay agad kong inayos ang buhok ko. Nasa harap kami ng parang arena. Gaming arena yata ang tawag nila dito.

Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon