"Fuck, you done explaining?" Natigilan ako sa pagpapaliwanag sa kanya sa unang topic. Hindi pa nga ako nangangalahati ay mukhang galit na siya. Iritado pa. "Kailan ba matatapos?"
"Hindi ko pa nga natatapos--"
"Just make it fast." He said as I couldn't finish speaking. I reached for my shoulder bag and looked for candies na galing pa sa store ni Tita Yen.
"Oh pagkatapos natin mas bibigyan pa kita ng maraming candy," sabi ko.
Tapos biglang tumahimik ang paligid especially since he's just staring at me now. Ako rin ay nagising sa sinabi ko hindi na pala siya bata, nasanay kasi akong magdala ng candies at ibigay iyon sa mga naging estudyante ko kung masyadong boring na ang topic at ayaw nilang makinig. Para sakin rin kasi lahat ng sweets ay pantanggal ng stress.
"Ano ako bata?"
I expected him to ask that.
"Sorry," sabi ko. Tapos binalik ko nalang ang candies sa loob ng bag. I took a deep breath and then started teaching him again. Hindi na naman siya nagsalita habang nagtuturo ako hanggang sa sinubukan ko siyang pasagutan ng isang test.
Tumayo ako habang sumasagot pa siya at agad kong pinadalhan ng text sila Rea. Wala lang hindi kasi talaga ako makahinga at parang kung anong kumukulo sa tiyan ko. Sabi naman nila kung mag-share ka, mababawasan.
"Done!" sigaw niya kahit hindi naman siguro kailangan sumigaw.
"Wow, ang galing mo naman--"
"Hindi ako bata," sabi niya. He cut me off again.
"Nakuha mo agad ah, dahil diyan isang lollipop para sayo tapos para sa'kin," sabi ko at umaasa lang naman ako na sasabayan niya ako. Pero hindi, kaya binigyan ko ulit siya ng isa pang sagutang papel. Mukhang mabilis naman siyang matuto at magaling.
Pero bakit sabi ni Tita na bumabagsak lang siya tuwing exams minsan naman raw mababa scores niya sa math.
"Civil engineering ka diba?" tanong ko then I unwrap my lollipop and stick it on my cheek.
"Yeah," He replied, then suddenly turned to me.
"Ayaw mo? matamis pa naman," sabi ko tapos umiwas ng tingin. Nakatayo lang naman ako sa gilid niya.
"Do you have a boyfriend?" Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Hindi ako sumagot tapos tinuon ko ang aking atensyon sa magagandang paintings hanggang sa hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala siya.
"Bakit?" tanong ko at nabitawan ko pa ang lollipop ko dahil sa presensya niya.
"Do you eat your lollipop like that in public?" malumanay niyang tanong. Hindi naman ako makaatras dahil sa study table niya.
"How dare you eat a lollipop in front of me," sabi niya. Hindi ko ulit siya maintindihan. Magsasalita sana ako nang bigla niya akong hinalikan.
A smack kiss.
"Bakit mo ginawa yon?" tanong ko agad. Hindi niya ako sinagot then he touched his lips to mine again.
"I can't taste it," He said, then I sighed when his lips moved.
I can't move, I have never been kissed before.
"Hmm matamis nga," sambit niya. It was as if my heart would explode at what he did. Wait, why did I let him!
Itinulak ko siya at inabot ang bag ko.
"Harassment! bastos!" sigaw ko.
"Really your reaction does not scream the same thing," sagot niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)
Romance"Please baby don't stop me" - Mr. Tryp Ivan Walter MISTER SERIES 1 photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.