"Oh marami yata sa inyo ang may mga sipon at ubo ngayon," ani ng prof namin. Sobrang kati ng ilong ko pero mas malakas ang ubo ko. Mabuti pa si Rea wala, healthy na healthy. Masakit rin kasi sa ulo itong sipon ko.
"Pumunta kayo ng clinic, nakakaawa naman kayo," sabi ng guro namin at mga boys agad ang naunang tumayo at lumabas tapos nagpasalamat sa prof namin.
"Ang bait talaga ni Mrs. Beron, tara cutting tayo?" Pinalo ko naman pabiro ang braso ni Honey. Sila talaga magkatabi ni Rea nakipagpalit lang si Honey sa katabi ko dahil para raw kami lang magkahawaan baka raw hindi na kami alagaan ni Rea kung pati siya magkasakit. Mga baliw.
"Baka marinig ka, punta ka ba ng clinic?" tanong ko naman.
"Wag na, sipon lang naman ito ayokong umuwi," aniya. Our prof is kind to everyone, kampante nga ang lahat pag siya ang pumapasok.
"At isa pa nilalamig lang naman ako," she said.
"Bahala ka, ako rin eh. Kaya ko naman," sabi ko tapos nakinig na kami kay Mrs. Beron.Importante rin ang tatalakayin niya para sa kurso namin eh kaya ayokong lumiban sa kahit anong topic.
"Anong nangyari diyan sa tuhod mo? Ikaw kaya pumunta ng clinic," sabi niya.
"Nalinisan ko na ito, natumba lang ako kahapon." Then she suddenly laughed softly for a moment.
"Sana, nandoon kami." I just shook my head in response. Ganyan talaga mga kaibigan ko pinagtatawanan ka pa kung nagkasugat ka. Magkakaroon na naman siguro ng peklat ulit iton tuhod ko. The scar will take a long time to disappear.
"Class dismissed!"
Sabay-sabay kaming lumabas nila Rea. Kakain kami ulit sa labas for lunch. Hindi na talaga kami sanay sa canteen.
"Lampas. tuhod ba baha sainyo?" Honey asked Rea. Mahirap talaga sa ibang lugar dito sa east. Nagkakaroon pa rin ng baha kapag malakas ang ulan.
"Oo mahirap nga makatawid kanina pero kasi ayokong lumiliban, sa klase eh," sagot ni Rea kaya tinukso namin siya ni Honey kasi hindi naman totoo. Okay na okay sa kanya minsan mag-absent sa isang subject lalo na kung para sa kanya boring ang class. Ako hindi ko talaga kaya natatakot ako kay tita eh.
Yumakap si Honey sa braso ko pero agad siyang siyang umiwas.
"Ang init mo daan nga muna tayo ng clinic," sabi niya.
"Ha? hindi kaya." Then I placed my palm on my forehead.
"Mainit ka diba Rea?" She also placed the back of her palm in my forehead.
"Mainit ka." She said.
"Nako sinat lang ito 'no, tara na nga nagugutom na ako," sabi ko. I don't want to go to the clinic or even get myself a check-up. I don't want to do that.
I feel like I'm going to get weaker there. I'll keep thinking about my pain.
"Lumayo tayo Rea mahahawa tayo." biro ni Honey "Alam ko na kulang ka lang sa pagmamahal wala ka kasing jowa," aniya habang tumatawa. Umiling-iling lang ako sa kanya.
"Puro kayo jowa, nakakaumay." I answered.
Pagkalabas namin ng University ay agad naman kaming nakarating sa kainan namin. Mabuti na nga lang may pwesto pa kasi halos mapuno na dito sa loob medyo na-late kasi kami ng dating mga twenty minutes.
Bibili na lang siguro ako ng gamot medyo masakit rin kasi katawan at nahihilo ako. Pero ayos pa naman ako, nakakagalaw pa.
"Birthday ni Goerge sa sabado sama kayo?" Rea asked while we are eating. I immediately answered her.
BINABASA MO ANG
Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)
Romance"Please baby don't stop me" - Mr. Tryp Ivan Walter MISTER SERIES 1 photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.