05

308 8 1
                                    

Sobrang pagod kaming tatlo pagkauwi namin sa bahay nila Rea kaya dumiretcho agad kami sa kwarto niya. Naglapag lang kami ng pwedeng higaan sa sahig, magkatabi kami ni Honey. Hindi naman kasi kami kasya o dalawa sa kama ni Rea.

"Nakakapagod sakit ng paa ko pero sobrang enjoy!" sigaw ni Honey nang matapos kami tapos sabay kaming umupo sa nilapag na higaan. Nakisali rin sa'min si Rea.

"Nawala pa to' oh sabihin mo nga sa'min baka nauna kang nag-boy hunting!" tapos pinalo ako ng pabiro ni Rea sa braso.

"Nang-iiwan kayo eh," sabi ko.

"Nga pala nag-enjoy tayo pero wala naman tayong nahingan ng number o social accounts man lang," sabi ni Rea tapos binuksan niya ang kanyang phone.

"Search ko 'yong banda na huling nag-perform, ang pogi kasi talaga ng vocalist kung pwede lang tumalon papuntang stage eh," sabi ni Rea na parang naiiyak na ewan tapos kinikilig.

"Balik tayo don ah, alam niyo na magpapansin naman tayo paminsan minsan," aniya habang natatawa.

"Hindi na ako babalik don 'no," sagot ko naman.

"Alam mo nakakainis kang ka-bonding talaga," saad ni Rea pero tinawanan ko lang siya. Naalala ko naman bigla ang ginawa ni Tryp, when we got stuck in the elevator earlier.

"May tanong pala ako," I said. It was good that they immediately paid attention to me.

"Paano kung..." nahihirapan naman akong itanong baka ano kasi isipin nila. I also don't like to ask questions like this. I'm not comfortable.

"Kung?" Napatingin naman ako kay Honey na nakataas ang isang kilay sa'kin.

"Nahanap ko na!" sigaw naman bigla ni Rea tapos itinapat niya sa'min ang cellphone niya.

"Oh tignan niyo, tignan niyo ang pogi talaga!" sigaw niya. Sinaway ko naman silang dalawa dahil tili ng tili baka mamaya puntahan kami ni Tita Ross dito.

"Oh sige balik tayo sa tanong mo Lyn," sabi ni Rea.

I took a deep breath before speaking.

"Ah paano kung may isang lalaki humalik sayo anong gagawin mo?" tanong ko nang nakatingin kay Rea. Ang alam ko kasi siya 'yong maraming ka-fling eh.

"Depende kung sinong lalaki," sagot naman ni Honey.

"Paano kung nagbibigayan palang kayo ng pangalan tapos bigla ka na agad hinalikan," saad ko.

"Hmm, ako siguro sasampalin ko!" sigaw ni Rea tapos pabiro naman siyang itinulak ni Honey.

"Pero kung crush mo okay lang?" Natatawang tanong ni Honey.

"Ah ano nga kasi depende charot! Pero hindi pwede 'yon 'no, lalo na kung out of nowhere biglang manghahalik diba nakakatakot yon?" saad ni Rea.

I averted my eyes.

"Pero kapag pogi 'yan wag ako Rea!" inis na sigaw ni Honey tapos hinila naman ni Rea ang buhok niya.

"Well, kung nagustuhan mo naman dahil lang sa pogi siya tapos wala kang ginawa akala mo okay lang, ibig sabihin malandi ka." Natatawang sabi ni Rea.

Malandi? Does that mean I was flirting because I let him kiss me?

"Lalo na kung first kiss mo dapat espesyal hindi lang 'yong nakilala mo lang tapos biglang ninakaw lang first kiss mo." parang bata namang sabi ni Honey. "Mas maganda kung sa kasal ang first kiss mo!" kinikilig pa siya pero sinampal lang siya ng pabiro ni Rea.

"Wala ng ganyan ngayon," aniya.

"Teka nga, bakit Lyn may humalik na ba sayo? O.M.G!" Bigla namang tumingin sila sa akin tapos 'yong mga titig nila parang may krimen akong nagawa.

Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon