"Tryp, gising na." paggising ko kay Tryp. Dito kami pinatulog ni tita sa bahay niya. Nakakahiya man pero gusto ni tita dito na kami magpalipas ng gabi kahapon.
Nakapagpa-check up na rin ako sa doctor kahapon at nakausap na ni Tryp ang lolo niya. Hindi ko alam anong pinag-usapan nila dahil iniwan niya ako sa hospital basta pagkabalik niya wala na naman siyang gana.
"Papasok pa ako," sabi ko at mukhang ayaw niya talagang gumising. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Bahala siya, iiwan ko nalang siya dito sigurado akong magagalit siya.
Handa na ako, may mga kulang pa ako sa admission slip at enrollment slip ko. Magbabaka sakali lang naman ako na makapagpatuloy sa pag-aaral at mamaya maghahanap ako ng trabaho.
"Ganon talaga mga kabataan ngayon, pinapag-aral pero sinasayang lang."
"Nagpabuntis agad eh akala naman nila masaya ang buhay na hindi naghahanda."
Pagkababa ko ay talagang naririnig ko ang mga usapan nila ate. Hindi ko nalang sila pinansin.
"Hindi pa. ba gising ang boyfriend mo?" tanong ni tita nang makapasok ako sa kusina. Nailang bigla ako maliban sa alam kong galit pa si tita ay hindi ko naman boyfriend si Tryp.
"Saan ba yang lugar na sinasabi niya baka malayo mula dito," sabi ni Tita. Pero hindi talaga ako makapagsalita.
"Nag-umpisa ka na bang mag-crave ng mga pagkain?" tanong ni tita. Umiling lang ako bilang sagot, talagang nahihiya ako.
"Kakayanin mo pa ba mag-aral?"
Tanong na hindi ko kayang sagutin. Huminga ako ng malalim tapos nilaro laro ang mga kamay ko.
"Nandito pa rin ako bilang tita mo Lyn, pero ngayon dahil pinili mo 'yan alam kong alam mo ng kaya mo."
Kinagat ko nalang ang aking labi. Hindi ko alam kung kakayanin ko.
"Mabuti at hindi ka tinakbuhan ng boyfriend mo, pero i was expecting more than this from him."
Hindi ko naman kasi siya boyfriend at wala siyang pakealam sa'kin. Ngayon lang nagong seryoso sa pananalita si tita.
"Wag na wag kang mag-iisip na ipalaglag ang bata. Sana hindi sumagi yan sa isipan mo, habang-buhay mo pagsisihan 'yan," sabi ni tita at napayuko ako dahil naisip ko ang pagpapalaglag.
"Kumain ka na, tutulong ako kapag kailangan niyo ako. Ayaw ka na muna makita nila ate sa probinsya."
Alam ko naman 'yon.
"Pero mas mabuting pumunta rin kayo ni Tryp doon, pero hindi ako sigurado kung papagbuksan ka ng mama mo ng pinto alam mo naman si ate kapag magalit," sabi ni tita.
Pagkatapos kong kumain ay nauna na akong lumabas. May nagbago talaga sa' min ni tita. Talagang hindi ko dapat inaabuso ang mga mababait na tao. Isa lang naman ang gusto ni tita ay ang wag akong mabuntis sa ganitong sitwasyon na nag-aaral pa ako.
"Ihahatid na kita," sabi ni tita hindi ko alam na sumunod pala siya sa'kin.
"Ill drive her to school." natigilan naman kami at lumingon sa likuran si Tryp. Halatang kakagising lang. Magulo ang buhok pero talagang ang unfair ng mundo dahil ang ganda pa rin niyang pagmasdan.
Hinayaan kami ni tita at bumalik raw kami agad dito dahil may kailangan pa kaming pag-usapan bago ako lumipat kay Tryp. Nag-away pa sila kahapon ni tita, pero hindi ako sigurado kung nag-away nga sila. Ayaw kasi ni Tryp dito. Ayaw rin niyang sumama si Tita sa bahay ng mommy niya, kung gusto ni tita ay bumisita lang raw siya.
"Mukhang inaantok ka pa," sabi ko nang makasakay ako sa sasakyan niya.
"So what you're going to leave me there?" inis niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)
Romance"Please baby don't stop me" - Mr. Tryp Ivan Walter MISTER SERIES 1 photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.