"Alam mo bagay kayo," sabi ni tita nang makasakay ako ng sasakyan. Masama pa rin pakiramdam ko pero sinat nalang yata ito. Kailangan kong makapasok ngayon.
"Tita tigilan niyo na po yan hindi po'ko magugustuhan non," sabi ko. Kinukulit niya si Tryp sa'kin. Kung alam lang niya ang nangyayari sa'kin. Hindi ako magugustuhan ni Tryp sa paraan ng iniisip ni tita.
"Bakit ka naman hindi magugustuhan napansin ko nga iba ang titig sayo eh," kinikilig na sabi ni tita. Hindi nalang ako sumasagot para hindi na rin humaba pa.
Tryp is trying to call you..
Muntik naman akong mapamura at mabitawan ang cellphone ko nang may biglang tumawag. Napasilip tuloy ako kay tita na ngayon ay nakatuon ang pansin sa kalsada mabuti nalang siya ang driver ngayon.
Lyn Rose:
nandito si tita sorry.
Hindi ko sinagot ang tawag kasi alam ko namang manghihinala si tita. Baka ano na naman ang mga itanong sa'kin at isiping si Tryp 'yon.
En pessant is now following you
Kumunot ang noo ko nang may lumabas na bagong notification at nabasa ko ang pangalan ng isang account niya. Hindi ko napigilan ang ngiti ko, he followed me back. Dapat lang.
En passant:
medicines.
Lyn Rose:
oo tapos na. thank you.
Bakit pakiramdam ko tuloy concern na concern siya. Diba kung wala naman talaga kaming status dapat walang ganito? Oh ganoon talaga hindi ko lang alam dahil ito naman ang pinakaunang beses na pumasok ako, sa ganito at hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend.
En pasaant:
good 😚
Napangiti ako at agad ng pinatay ang phone baka kasi makita pa ako ni tita dito isipin ring nababaliw na ako.
"Salamat po tita," sabi ko bago buksan ang pinto.
"Ingat." tapos ay tuluyan na akong pumasok sa University namin. Grabe, nong kasama ko si Tryp parang ilang araw ang lumipas parang kakabalik ko lang ulit ng University. Nakita ko naman agad sila Rea sa tambayan.
"Kumusta kayo?" tanong ko naman agad nang nakangiti.
"Oy nakangiti ah," komento naman ni Honey.
"Bawal ba?" tanong ko.
"Hindi naman, mabuti yan wag kang mag pa-stress mamaya sa math quiz ah," sabi niya. Natigilan naman ako nang maalala ko 'yon oo nga pala.
"Oo naman nandoon naman si President eh," sagot ko.
"Alam niyo ba sana i-date ako ng crush ko," sabi naman bigla ni Rea habang nakatingin sa phone niya.
"Girl, ako rin pero wag tayong umasa," sabi naman ni Honey tapos tinapik ang balikat ni Rea.
"Sakali lang naman," sabi ni Rea tapos inirapan kaming dalawa kaya natawa lang kami ni Honey. Pagkatapos naming tumambay ay hinatid na muna nila ako sa Math building, dahil doon gaganapin ang quiz. Kailangan naman nilang pumasok sa next subjects namin kaya hindi sila makakasama.
Nahanap ko naman agad si president sa loob kaya sa kanya agad ako tumabi kahit magkalaban rin kami pero isang class ang nirerepresenta namin.
Habang binabasa pa ang rules ng emcee ay kimuha ko ang cellphone ko tapos nag-selfie dahil mamaya kukunin ito sa'min. Dapat makapag-post naman ako. Hindi naman ako pala-my day siguro nga nagpapansin ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)
Romance"Please baby don't stop me" - Mr. Tryp Ivan Walter MISTER SERIES 1 photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.