"Paano kung lumaki siya tulad ko?" tanong niya habang nakahiga ako sa tabi niya. Dinala niya ako sa bahay ng mommy niya. Dito nalang raw muna kami magpalipas ng gabi bago niya ako ibalik kay tita.
Pinatay ko na muna ang cellphone ko dahil alan ko bukas baka sumabog ang cellphone ko sa daming tawag at messages.
"My mom can't even choose me because of being me."
Hindi ko alam kung anong balak niya. Pagkatapos ng sigawan namin ay biglang naging mahinahon ang boses niya. Naguguluhan ako. Mahirap basahin ang iniisip niya.
Umupo ako at tinignan siya. Tanging ilaw nalang sa computer at sa labas ang tanging nagbibigay ng liwanag dito sa loob ng kwarto. Kahit paano nakikita ko siya.
"Anong ginagawa ko dito bakit mo'ko dinala?" tanong ko.
"I always bring you here with me," sagot niya.
"Iba ngayon," sagot ko.
Umupo siya at tinitigan ako.
"It's my baby right?" tanong niya. Umiwas ako ng tingin. Ikaw lang naman ang hinayaan ko Tryp.
"Fine, Ill try..."
Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng reaksyon na, hindi ko siya natindihan.
"Let's work it out together," sabi niya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Isa na naman ba itong patibong? Hinawakan niya bigla ang tiyan ko.
"Ma--may laman na ba talaga yan?" tanong niya at hindi ko napigilan ang ngiti ko dahil para siyang bata. Ang isang side niya na gusto ko. Napangiti na naman niya ako.
Pakiramdam ko nawala agad ang inis at lungkot na nararamdaman ko.
"Let's visit a doctor tomorrow," sabi niya.
"Oh, we have to go back to you aunt first."
Hinaplos niya bigla ang tiyan ko. Hindi ko naman mapigilang isipin ang araw na binigay ko ang sarili ko sa kanya. Ang halik at mga hawak niya.
"Nahimatay ba ako?" tanong ko.
"Huh?"
"Baka kasi nanaginip ako," sabi ko. Kinagat ko naman bigla ang kamay ko. Nakakaramdam ako, totoo 'to.
"Tryp, hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo, nagpaawa ba ako? naaawa ka ba?" tanong ko.
"Get some rest, sleep."
Ihiniga niya ako dahan-dahan at hinaplos ang noo ko. Hindi niya ako sinagot. Nakita ko sa mga mata niya kanina na ayaw niya. Hindi niya kaya. Pero bakit ngayon? Nakikipaglaro na naman ba siya?
"Pagod ako Tryp," bulong ko.
"I know get some sleep Eve," sabi niya.
"Mama?" natigilan ako nang may narinig akong bata malapit sa bintana. Nakatingin siya sa langit at parang binibilang ang mga bituin.
Tumingin ako kay Tryp nakapikit na siya. Mahimbing na ang tulog. Sino ang batang ito? may pinapasok ba siya?
"Bata?" pagtawag ko at bumangon ako. Nataranta ako nang bigla itong humagulhol. Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat niya.
"Anong pangalan mo?" tanong ko, kumunot naman ang noo ko dahil parang may kakaiba sa bata. Ihinarap ko siya sa'kin at napasigaw ako sa takot.
Isang manika! Umiiyak!
"Ayaw mo sakin mama!" nabitawan ko ito dahil biglang nagsalita. Sumigaw ako ng sumigaw nang may nakita akong dugo sa pader.
Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko. Anong nangyayari!
BINABASA MO ANG
Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)
Romance"Please baby don't stop me" - Mr. Tryp Ivan Walter MISTER SERIES 1 photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.