41

202 10 0
                                    

Tama nga si lola ang mga kabataan ngayon ay mabilis nalang mahulog at pumili ng lalaki. Mabilis magmahal kaya madali ring masaktan. Nag-iisip naman ako pero hinayaan kong malagay ako sa ganitong sitwasyon.

"Matagal ka pa ba diyan Eve?" tanong ni Rea sa labas.

"Palabas na!" sagot ko at napahawak sa tiyan ko. Hindi ko kayang itago ito sa lahat ng matagal. Pagkatapos ng pag-uusap namin sa hotel hindi manlang niya ako tinawagan o sinubukang kausapin.

"Ano bang nangyari sayo? Bakit bigla kang umuwi at iniwan kami ni Honey sa resort?" tanong ni Rea nang makalabas ako sa banyo. "Masakit pa ba ulo mo?"  tapos inabot niya sa'kin ang tumbler ko. Nasuka na naman ako at nahilo.

After one year of flirting with Tryp, I finally gave myself to him. Valentines day our first night tapos nasundan ng nasundan. Ano na ngayon, malapit na matapos ang summer sa'min. After this academic year, fourth year na kami. Hindi ko nga alam kung makakapag-ojt ako o makakapagtapos. Hindi ko nga maibalin ang atensyon ko sa gagawin namin ngayon dito sa University, may papapirmahan lang kami for enrollment tapos pwede na ulit kaming makabalik sa mga kung anong ginagawa namin ngayong summer.

I let love eat me.

It was so romantic, it was just so special na hindi ko maiisip na nagkamali kami. Nagkamali na ako. Minsan nagigising nalang ako sa kakatulala at kakaisip sa mga araw na una ko siyang nakilala at nakasama.

"May pinuntahan kasi ako, importante." tapos tumawa si Rea at lumakad na kami.

"Talaga? Hobby mo na talaga yan, biglang nawawala tapos hindi mo kami sasabihan," sabi niya. Hindi ko mapigilang mapahawak sa tiyan ko dahil baka mamaya masuka na naman ako. Palagi na rin akong inaantok. Hindi ko maiwasang makatulog sa klase.

Hindi na niya ako kinausap pagkatapos sa resort.  Hiyang hiya na ako sa sarili ko, alam ko namang hindi niya kayang ibigay ang relasyon na gusto ko. Pero pinilit ko pa rin siyang makausap, kasi baka sakali.

"Itong si Honey rin oh, pagkatapos natin sa resort halos hindi na makausap."

Nakapasok na rin kami ng classroom. Same class. Mabuti ngang nanatili pa rin ako sa class na'to kahit natanggal na ako sa deans lister. Hindi na rin ako naisasali sa mga math quizzes. Maraming nangyari pero ang naalala ko lang at nasa isipan ko pa rin ay mga alaala na kasama ko siya.

Nakaya kong ilihim ang meron kami. Kung ano ng klase akong laruan sa kanya. Pero bakit ba pakiramdam ko baka kahit konti ay may nararamdaman rin siya para sa'kin o talagang umasa ako, kaya nanatili ako at hinayaan siya.

I can't make a bad boy fall in love. I can't teach a cheater to be loyal.

"Umiiyak ka na naman," sabi ni Rea at ngayon ko lang napansin na umupo pala siya sa tabi ko. Nasanay ako na madalas si Honey ang katabi ko.

Napahawak ako sa pisngi ko, hindi ko na naman namalayan na tmutulo na pala luha ko. Nakakatakot pala lahat ng resulta na ginawa at sinubukan ko.

Dapat nag-aral nalang ako.

"Paano kung buntis ako?"

Naalala ko ang huli niyang sinabi at ang huli naming pag-uusap. Pinakahuli na kasi alam kong hindisiya tulad ko na maghahabol, sino ba naman ako?

"Abort it."

Ginusto ko 'to kaya dapat hindi ako magreklamo gaya nga ng parati kong sinasabi sa sarili ko. Wala akong magagawa kung maiinis ako sa sarili ko.

"Ano ba iniiyakan mo diyan?" tanong ni Rea at umiling ako tapos pinunasan ang luha ko. Huminga ako ng malalim at tinignan ang cellphone ko.

Wala siyang tawag o text manlang. Ito ang resulta dahil umasa ako. Nakuha na niya ang habol niya. Hindi ko pa talaga siya kilala at hindi ko alam kung makikilala ko pa ba talaga siya o hindi ko lang tanggap ang lahat ng pinakita niya sa'kin.

Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon