21

226 7 0
                                    

Hindi ko alam kung saan kami papunta ni Tryp ngayon basta umalis kami sa bahay nila. Sumakay ulit kami sa sasakyan niya at 'yon na hindi ko na alam kung saan niya ako dadalhin.

He's smoking while driving. I don't wanna ask him because he's a bit grumpy again today.

Napakunot naman ang noo ko nang napatingin ako sa daan. Pamilyar kasi ang dinadaanan namin. Papunta ba ulit kami sa lugar kung saan niya ako dinala nong isang gabi? Natakot naman ako bigla, naalala ko kasing pinagalitan niya ako.

An hour passed again nakarating na rin kami sa lugar then he came out first and opened the door for me. Pumasok na siya agad sa loob ng bahay at hinintay ko lang na papasukin niya rin ako.

"Hey!" He shouted. Why are we even here? Bawat araw ay parang delikado na talaga ang buhay ko. He took my hand and pulled me next to him. When we entered the house, I immediately hugged myself.

"Ano bang hindi ko dapat mga hawakan dito?" I asked and I saw he was stunned.

"Hmm wala," sagot niya na ikinatulala ko. Seryoso ba siya nakalimutan na niya siguro na sinigawan niya ako.

"Just be careful so you won't break things." He said and I nodded. Tama, napaka-careless ko kasi. Sumunod ako sa kanya sa kwarto kahit hindi naman niya sinabi. Ngayon ko lang rin nailibot ang tingin ko sa silid na ito.

May nakikita akong gaming computer dito na nakikita ko lang sa mga online videos o sa SoCiant. May gaming chair tapos ang ganda ng ilaw. "This is what I love to do and that old man won't understand," sabi niya tapos umupo sa gaming chair tapos nagsuot ng headset. Napanguso ako at lumakad palapit sa kanya. Marami akong monitor na nakikita tapos ang angas pa ng mouse at keyboard niya.

"Streamer ka rin ba?"I asked. May mga nadadaanan kasi ako sa timeline ko na they go live while playing.

"Yeah," sagot niya.

"Talaga? saan?"

May nakita naman akong isang upuan kaya umupo ako doon kahit wala siyang sinabi. Bahala na nakakangalay ang makipagusap na nakatayo.

"Give me your phone." Ibinigay ko naman agad. Kahit kakaupo ko lang ay tumayo ako para pumunta sa likuran at sumilip.

"May isa ka pang account?" gulat kong tanong. Nakita ko kasing may hinanap siyang pangalan sa SoCiant account ko.

"Yeah, here." tapos binigay niya sakin ulit ang cellphone niya.

You are now following En passant.

Talagang ginamit niya account ko para i-follow ang account niya sa SoCiant. Napanguso ako at tinignan ang account niya, nahirapan pa akong basahin ang username niya. Wow! million followers tapos none following.

"Artista ka ba?" tanong ko at bumalik sa pag upo. Narinig ko siyang tumawa. Tinignan ko ang dp niya, its really him pero nakasuot ng mask. Tinignan ko ang mga pictures niya tungkol lahat sa laro at mga litrato niya na naglalaro.

"Eh yung isang account?" tanong ko naman.

"Akin rin," sagot niya. May mga streams nga siya pero nakasuot lang siya ng mask. Napansin kong mga babae ang may pinakamaraming komento.

"Mas active ka ba dito?" tanong ko.

"Hmm kung naglalaro lang ako minsan sa live game streaming sites like Zremag," sagot niya."It's actually my old account." tumango ako bilang sagot sa sinabi niya. May nalaman na ulit ako tungkol sa kanya ngayon.

"Bakit nga pala En passant pangalan mo dito?" tanong ko.

"It's a move in chess where you use the pawns," sagot niya. Move sa chess? sabagay hindi ako marunong maglaro non. Pero nakakagulat na may iba pa pala siyang account at mas marami pang followers.

Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon