Pagkatapos kong magpa-reserve ng libro online ay agad na akong nag-ayos para bumalik ng Primston ngayong araw. Kukunin ko ang libro na gusto kong hiramin para sa lessons namin sa susunod na araw. Mabuti nalang bukas ang library para sa mga resources na kailangan namin, nakahabol sila kahit sa pandemyang 'to.
"Ingat ka 'te ah! Mamaya aalis ako, magkikita kami ni John," sabi ni Claire. Magsosoot nalang ako ng sapatos.
Hindi naman gaano kalakihan ang apartment namin pero worth it lang ang bayad dahil ang ganda tapos komportable ako.
"Sige ingat kayo sa date niyo," sabi ko.
"Hindi date 'to!"
Natawa lang ako sa kanya at inayos ko na rin ang face mask at shield ko bago lumabas. Syempre nagbaon rin ako ng alcohol at sanitizer. Mahirap na mahawaan ngayon, halos mapuno na mga hospitals namin dito. Isa sa rason na uuwi na ako sa probinsya namin. Nag-aalala na rin kasi sila mama.
Kahit sa pagsakay ng jeep ay sa loob may social distancing.
Pinapasok ako ng guard pagkarating ko. Nagsimula akong maglakad sa loob papunta sa library.
"Good morning po!" nakangiti kong bati sa may entrance. Binigyan naman ako ng contact tracing form at tinanong kung ano gagawin ko.
Nandito lang naman ako para kunin libro ko at tignan ko lang kung may oras pa ako magahanap ng ibang libro o magpapaturo ako paano i-access ang ibang online databases nila. Grabe ang library nila dito ang ganda! Puno nga dito palagi noon pero ngayon hindi basta basta nakakapasok ang estyudyante sa University kaya ang tahimik.
"Book card po Ms."
Napansin ko namang parang natataranta sila dito sa loob parang darating 'yata yong president namin. Inayos ko naman ang pagkasoot ko ng faceshield.
"Bukas ba ang third floor niyo? Pwede ba akong makapunta?"
"Yes Ms!"
"Sige thank you!"
Pwede kasing tumambay ang faculty doon masiyado pa namang maaga para umuwi isa pa aalis naman si Claire. Maya-maya na rin lang ako uuwi tapos balak kong mag-mall sana.
Huminto ako sa tapat ng elevator nila dahil siguro masiyadong mataas ang library na'to at may ground floor sila. Hindi ko alam na ang ganda ng library nila parang nasa ibang bansa kana. Lalo na't may mga foreign students rin kami. Ang yaman talaga.
Pagkabukas ng elevator ay agad akong pumasok at pinindot ang 3rd floor. Agad namang sumara tapos huminto sa 2nd floor.
Kumunot naman ang noo ko nang bumukas ito pero wala namang tao na naghihintay. Kaya isinara ko na ulit pero bumukas ito agad.Magsasalita na ako nang biglang may pumasok na lalaki at agad na pinindot ang 4th floor ulit tapos sumara na ang elevator. Huminga naman ako ng malalim tapos tumayo ng maayos.
Pero bakit parang nailang ako bigla. Hindi naman ako naiilang sa mga lalaki. Pero bakit naiilang ako sa presensya nito. Hindi ko tuloy maiwasang tignan ang likuran ng lalaking ito. Ang buhok niya tapos nakapamulsa siya parang, estyudyante lang ang dating.
"Ano yon!" sigaw ko nang biglang gumalaw ang elevator at namatay ang ilaw.
Agad kong tinanggal ang face shield ko. Tapos lumapit sa call buttons ng elevator. Halos kahit ano na ang pinindot ko habang ginagawa kong flash light ang cellphone ko.
"Calm down maybe the elevator is just broken." natigilan naman ako sandali dahil sa boses na 'yon. Minumulto ba ako? Huminga ako ng malalim at sumandal sa pader at tumingin sa lalaking nasa harapan ko at nakasandal rin lang.
Hindi ako sigurado pero nakangiti siya sa' kin baseh sa nakikita ko sa mga mata niya. May konting ilaw naman dito sa loob kaya hindi masiyadong madilim. Ngayon lang ulit ako na stuck sa isang elevator kaya minsan hindi talaga ako kampante sumakay sa mga elevator.
BINABASA MO ANG
Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)
Romance"Please baby don't stop me" - Mr. Tryp Ivan Walter MISTER SERIES 1 photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.