Sabay kaming bumalik ni Izzy pero tumigil ako sa harapan nila at hindi masiyado lumapit. Tinignan ko silang lahat, kilala nila ako tapos lahat sila pinaglalaruan lang ako? Napatingin ako kay Val tapos kay Tryp. Hindi ko alam kung ano talaga ang totoo. Baka hindi lang nagkataon ang lahat.
Siguro nga tama sila hindi dapat ako pumapasok sa ganitong sitwasyon sana nanatili nalang akong mabait na pamangkin kay tita.
Tumalikod ako at lumakad palayo. Hindi naman na siguro ako mapapansin ni Tryp dahil nakatuon ang atensyon niya sa mga kaibigan niya. Pero bakit nga ba ako magagalit o malulungkot. Pumasok na ako sa sitwasyong walamg kasiguraduhan. Relasyon na hindi pinag-isipan.
I already gave my first kiss. I already agreed to his no dates, no girlfriend and boyfriend thing. So, why should I be sad about it, if for him this is gust a game and Im just going to be his another trophy? What about it?
Dapat enjoy lang diba sabi naman ni Rea ganoon naman talaga. Hindi pa naman ako umaasa diba, kasi ilang araw palang naman kami nagkakilala. Alam ko na 'yon diba kasi kung ayaw ko naman talaga mapaglaruan dapat sa una palang ay umayaw na ako.
Pero nanatili ako.
"Excuse me po." nakisiksik ako sa mga taong sumasayaw at nagtanong tanong kung saan ang banyo nila dito. Nararamdaman ko na kasing tumutulo na ang luha ko.
Bakit nga ba ako umiiyak? Bakit ngayon pa ako nandidiri sa sarili ko. Nagustuhan ko naman 'yon diba? Hindi naman niya ako pinilit. Kung nasaktan man niya ako hindi naman ako nagsumbong at prinotektahan ang sarili ko. Wala akong ginawa.
Hindi pa naman ako asang asa na isang tulad niya magkakagusto sa' kin. Bakit ba ako umaarte ng ganito? Ang arte arte ko.
Nahanap ko rin ang banyo nila. Namangha pa ako sandali dahil ibang iba siya sa mga banyo namin sa University of East. Ang ganda, mabango at sobrang linis na parang walang gumagamit. Tinignan ko panmuna sandali kung ito ba ay banyo para sa mga babae.
Ano naman gagawin ko dito? Siguro kahit ano basta malayo sa kanila. Hindi ko pa kasi kayang maglakad sa labas at maghintay ng masasakyan. Malayo pa naman sakayan dito papunta sa'min. Pupunta pa ako sa University namin.
Kinuha ko ang head dress at mga ginaming tali na parang mga bulaklak sa buhok ko pati na rin ang hair extension ko. Medyo nahirapan ako pero natanggal ko naman lahat. Tapos naghilamos ako para matanggal lang kahit papaano ang make up ko.
Alam ko ng delikado ang puso ko diba. Pero tinuloy ko pa rin. Alam ko naman ginagawa ko diba? Kaya bakit ako umaarteng ganito ano naman kung laro lang pala sa ito sa kanila. Diba nakipaglaro na ako.
Pagkatapos ay tinanggal ko ang sapatos ko at lumabas na ng banyo. Tahimik sa labas pero naririnig ko pa ang tugtog mula dito, tahimik ang paligid dahil walang tao. Nakalimutan ko kung saan ako dumaan. Saang hallway ako dumaan papunta dito. Wala na kasi ako sa isipan ko para sa ganitong bagay.
Maliit na bagay lang naman ito diba? Kumpara sa ibang problema. Hindi ko nga alam kung problema rin ba ito.
"Dito siguro," sabi ko at nagpatuloy lang sa paglalakad nasa Primston lang naman ako makakalabas rin ako.
Malayo na ang nalalakad ko pero mukhang malawak ang building na ito at kahit dito naririnig ko pa rin ang ingay at musika sa party. Tumigil naman ako sa paglalakad ng makita ko si Tryp. Medyo malayo pa ako sa kamya pero sigurado akong siya 'yon.
Paano siya napunta dito?
Umiwas ako ng tingin pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
Inangat niya bigla ang cellphone niya tapos lumakad siya palapit sa'kin. Hindi naman ako makaatras kasi hindi rin ako makakilos.
BINABASA MO ANG
Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)
Romance"Please baby don't stop me" - Mr. Tryp Ivan Walter MISTER SERIES 1 photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.