Lyn Rose:
Mauna ka na Sofia, mamaya pa ako uuwi nakita ko kasi mga kaibigan ko na taga-rito may pupuntahan lang kami.
Sofia :
Sigurado ka? Sige, baka mawala ka dito ah.
Nagsinungaling na naman ako marami na talaga akong nadadamay. Sigurado ako lahat ay maiinis na sa'kin. Anong oras na at padilim na rin wala pa si Tryp. Natapos na rin si Sofia at marami na ring lumalabas sa arena.
Marami na rin akong nabili na pwedeng iuwi na souvenir tapos mga snacks. Ang ganda dito, malawak nga ang mundo at marami talaga akong makikitang magandang cities sa iba't ibang lugar. Umupo lang muna ako sa isang bench at sana mahanap nalang ako dito ni Tryp.
Wala siyang text o tawag.
Nilalamig na rin ako dito. Mabuti nalang may dala akong jacket. Natawa naman ako sandali, sa bag ko dahil ang taba niya na dahil sa uniform ko. May bitbit pa akong mga pinamili ko dahil sa paghihintay sa kanya.
"Glad I can still locate you." lumingon naman ako sa nagsalita si Tryp! Tapos nakita ko ang pagbuga niya ng usok. He's smoking.
"Naghintay ka talaga," sabi niya tapos umupo sa tabi ko. Locate? bakit hindi niya ginawa 'yon katulad sa... natigilan naman ako nang maalala ko ang panaginip kong 'yon.
"Malayo ka," sabi niya. Hindi naman ako malayo may space lang talaga sa gitna namin. Tumayo siya at inabot bigla ang kamay niya. Tinanggap ko naman at naglakad kami habang magkahawak ang kamay.
"Your hands are cold," sabi niya.
"Malamig kasi dito," sagot ko at may nakikita na rin akong mga bituin sa langit. Huminto kami sa isang sasakyan at hindi ko alam na sa kanya pala. Mukhang bago ulit.
Pinaiwan lang niya ang mga dala ko sa sasakyan niya tapos naglakad ulit kami. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Pero napansin ko lang sa gilid ng mga kalsda nila may mga sumasayaw at kumakanta.
"Ang ganda pala dito," komento ko.
"Yeah."
Tahimik lang naman kami habang naglalakad. Pero hindi ko alam talaga kung saan niya ako dadalhin. Im with a guy who doesn't like to do dates and girlfriend thingy, and the worst I already knew he is playing with me.
"You eat ice cream right?" tanong niya. Tumango naman ako.
"Okay let's eat dinner first," sabi niya tapos sumunod lang ako sa kanya ulit. Pumasok kami sa isang restaurant. Meron na rin ang resto na ito sa mall nila kaya alam ko na rin ang kukunin ko pero medyo mahal ang mga ito. Mabuti sana kung kasama ko si tita.
"My treat don't worry," sabi niya.
"Wag na kaya ko pa naman," sagot ko.
"No it's all mine." tumango lang ako bilang sagot.
Pagkabigay namin ng order sa waiter ay doon na siya nagsalita ulit.
"What are you doing here anyway?" tanong niya.
"Sumama lang ako sa kaibigan ko," sagot ko tapos nakita ko siyang ngumiti.
"I saw your cheer," sabi niya at nakaramdam ako ng hiya sandali at hinawi ang buhok ko na humaharang sa mga mata ko.
"Some girls are very hard to read," saad niya.
"Why did you block me?" tanong niya. Sasabihin ko ba sa kanya? Kung sasabihin ko may saysay ba? Wala na ngang saysay ang mga ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)
Roman d'amour"Please baby don't stop me" - Mr. Tryp Ivan Walter MISTER SERIES 1 photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.