Pumasok ako ng kwarto at kinuha na naman ang maleta ko. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Nakakainis lang kasi at talagang hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa paligid ko.
Padabog kong ipinasok ang mga damit kong dinala dito sa bahay ni Tryp. Hindi ko magawang hindi gumawa ng ingay dahil sa pagdadabog kong hanapin rin ang ibang gamit ko.
"What the hell are you doing?"
Hindi ko siya nilingon.
"Umalis na ba sila?"
"Yeah, why?"
"Mabuti, aalis rin ako."
Tapos isinara ang maleta at kahit nabibigatan ako dahil mabigat na rin si baby ay kinaya kong ibaba ang maleta ko.
"The fuck you doing Evelyn!" sigaw niya at inirapan ko lang siya. Hinarangan naman niya agad ang dadaanan ko.
"Where the hell are you going?" bulong niya. Lasing siya.
"Tabi, babalik ako kay tita."
Kahit hindi ko alam talaga anong gagawin ko. Naiinis na ako, sobrang pabigat na ako kay tita. Pero ayokong manatili sa isang bahay na walang kasiguraduhan. Mas lalo lang akong naprapraning at nababaliw.
"Why?"
"Ikaw bakit mo'ko dinala dito? Sabi ko naman sayo kakayanin ko mag-isa 'to."
Hinila niya ako bigla palapit sa kanya.
"Ano na naman ba ang problema Evelyn! Im tired so just quit the drama!" sigaw niya
"Bitawan mo' ko!" sigaw ko pabalik sa kanya. "Ayoko ng ganito Tryp! Ayoko ng hindi ko alam kung anong mangyayari sa'tin, kung ano ba talaga ang dahilan na ginagawa mo'to. Kasi kung naawa ka lang naman kakayanin ko naman mag-isa 'to, ayaw mo sa bata diba?"
Napangiwi ako ng humigpit ang pagkahawak niya sa braso ko.
"What do you expect me to do huh? marry you!"
Pinipilit kong bawiin ang braso ko at ayoko ng magsalita kasi baka bigla akong humagulhol ulit sa harapan niya.
"Gusto mo bang seryosohin kita tapos ano? Just like my mom, just like Izzy! Iiwan mo ako at sasama sa iba!"
Hindi Tryp, kahit hindi mo na ako seryosohin, kahit pahalagahan mo nalang ang presensya ko.
"Fine let's get married and ruin each other's life!"
Halos itulak niya ako nang bitawan niya ako.
"I don't know why the fuck did I take you here with me!"
Mabuti nalang ay wala kaming mga kapitbahay, alam kong lumalabas na talaga mga boses namin. Hinawakan ko ang tiyan ko dahil bigla siyang humilab.
"Aalis na ako, hayaan mo nalang kami. Wala ka rin naman pala alam sa ginagawa mo! Sa susunod mag-iingat ka sa mga susunod niyong biktima at paglalaruan!" nakuha ko na ring makasigaw at makapagsalita. "Kahit wag, mo na ako mahalin! Pero wag mo rin naman akong murahin! Bigyan mo rin naman ako ng kaonting halaga! Sorry ha kasi hindi ko rin kaya ipalaglag 'to gaya ng nabuntis mo dati! ako na nga nagkamali kaya wag mo na akong isipin!"
"You' re not leaving!" sigaw niya at bigla siyang lumakad palabas. Susunod sana ako nang padabog niyang isinara ang pinto. Nataranta naman ako nang hindi ko mabuksan ang pinto.
"Tryp! Buksan mo'to!" sigaw ko at sinuntok suntok ang pinto. "Tryp ano ba!"
Ginulo ko ang buhok ko at napasandal sa pinto. Huminga ako ng malalim, mababalow na yata ako sa pinasok kong 'to.
"Did you know that his dad was a murderer?"
Bigla namang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Izzy sa' kin dati. Tungkol sa pamilya ni Tryp na hindi ko alam at hindi ako sigurado kung kailangan ko ba talagang malaman.
BINABASA MO ANG
Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)
Romance"Please baby don't stop me" - Mr. Tryp Ivan Walter MISTER SERIES 1 photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.