"Samahan mo ako mag-grocerry?" nakangiti kong tanong sa kanya habang naglalaro. Tutok na naman siya sa pc niya. Habang ako naman ay tutok lang rin sa cellphone ko habang nakahiga.
"Ako nalang. You stay here." ngumuso ako. Nakakayamot ring nandito lang ako sa bahay pero natutuwa rin naman ako lalo na lumalaki na tiyan ko. Pero mataba na ang pisngi ko. Sana kasing-cute niya si Tryp. Ngayon, excited na akong lumabas siya.
"Isama mo'ko please," sabi ko na parang bata at nakita ko lang siyang ngumiti. Ngayon ko rin lang nalaman na hindi na rin pala siya pumapasok hindi ko man lang 'yon napansin. Kaya pala panay nasa pc lang siya. Minsan umaalis kumg may importanteng lakad.
"Gusto kong sumama ayaw namin maiwan dito," sabi ko tapos tumingin siya sa' kin at hinawakan ko naman ang tiyan ko.
"Fine," sabi niya. Natuwa ako agad. Pero alam kong napapagod siyang alalayan ako lalo na't nakakaramdam na ako ng panakit sa tiyan dahil medyo lumalaki na si baby.
Hindi ko namalayang tumabi siya sa higaan. Bigla niyang hinablot ang phone ko.
"Who are you talking to?" tanong niya.
"Wala, ini-stalk ko lang kaibigan ko dati, ojt na sila oh." nakangiti kong sagot. Pero bakit ba kailangang hablutin pa niya phone ko pwede naman niyang hiramin.
"Oh, Jack is still here." nag-scroll down siya sa chats ko.
"Dating convos pa namin yan," sagot ko. Hindi ko na nakakausap mga classmates ko, lalo na mga kaibigan ko. Pinili ko rin naman lumayo. Dahil nahihiya ako.
"Delete it," sabi niya at binura niya ang convos namin ni Jack. Napailing-iling nalang ako sa ginawa niya lalo na binura rin niya ang mga convo ko sa ibang lalaki na kaklase ko lang tapos yong iba na chat lang ng chat hindi ko naman kilala.
"Is Honey a girl or boy?" tanong niya.
"Babae, kaibigan ko yan," sagot ko.
"Really?"
"Oo haha tignan mo Honey bee, ang girly kaya ng pangalan." para sa'kin.
"Baka call sign niyo eh," sabi niya na parang bata. Nagseselos na naman ba siya?
"Hindi ah," sabi ko.
"Okay, clean." tapos inabot niya sa'kin ang phone ko. Marami rin siyang nabura ah pati sa contacts ko. Tapos yumakap siya at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Pero ang totoo kinikilig ako sa lahat ng ginagawa niya kahit sa pinakamaliit na bagay.
"My eyes are just tired." pabulong niyang sabi.
"Magpahinga ka na muna," sabi ko. Naalala kong kailangan niyang umalis sa susunod na buwan para sa training niya.
"Tryp?"
"Hmmm.." tapos biglang humigpit ang yakap niya.
"Wag kang mangbabae sa training niyo ah." hindi ko napigilang sabihin 'yon. Narinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Seryoso ako," sagot ko. Baka lahat ng anak niya puro panganay, nakakakaba.
"Puro kami lalaki doon," sabi niya.
"Kahit na alam kong may gala rin kayo niyan paminsan minsan." para na akong bata. Pero ayokong magkamali siya ulit at ayokong masaktan ako ulit.
"Don't stress yourself," bulong niya tapos hinalikan ako sa ulo. "Don't think too much."
Nang makapagpahinga na siya ay nagyaya na siyang lumabas na kami para mag-grocerry. Medyo malayo pa naman dito pero ayos lang kasi kasama ko naman siya.
BINABASA MO ANG
Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)
Romance"Please baby don't stop me" - Mr. Tryp Ivan Walter MISTER SERIES 1 photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.