10

271 10 0
                                    

Pagkalabas namin ng 24 hours store ay hindi na sila nagtanong pa kung bakit ang tagal ko raw sa banyo. Fortunately they didn't notice and saw Tryp. Sabi ko lang rin sa kanila na baka sumama ang timpla ng tiyan ko sa noodles kawawang noodles dinadamay ko pa. Pagkalabas ko naman ay wala na sila Tryp sa pwesto nila.

"Teka nga, may napapansin ako sayo," sabi bigla ni Honey tapos tinitigan niya ang mga mata ko ng mabuti. Nakahawak pa siya sa magkabilang balikat ko. Kumunot naman ang noo ko sa ginagawa niya.

"Oy tayo na busog na ako sa mga poging nakikita natin dito," sabi ni Rea. Nasa tapat pa kasi kami ng 24 hours ibig sabihin nasa tapat pa rin kami sa University ng Primston. Umiling-iling naman si Honey.

"Umiyak ka, sabihin mo sa akin nahirapan ka sa banyo 'no?" Natawa ako sa tanong niya tapos itinulak ko siya ng mahina kahit ano lang talaga mapansin nito tapos gagawing biro pero seryoso siya niyan.

"Tayo na nga," sabi ko tapos bigla niya akong inirapan.

"Ew girl hindi tayo bagay," sagot niya sa'kin.

"Puro ka kalokohan Honey, tara na nga." tapos sumakay na kami ng tricycle pabalik sa University namin kailangan rin namin doon bumalik kasi doon dumadaan ang mga jeep na papunta sa min at sa lugar rin nila Honey. Malayo nga lang sila Honey dahil sa West pa siya.

"Satingin niyo mahihirapan ba tayo ngayong sem? Second year pa ngalang tayo ang hirap hirap na," sabi ni Rea na parang bata. Hindi siya nagpadiretcho papunta sa kanina hintayin daw niya kaming makasakay.

"Kaya 'yan," sabi ko.

"Mabuti sana lahat dean's lister," sabi naman ni Honey.

"Kaya niyo rin naman ah tinatamad lang kayo eh," saad ko.

"Oh! Isa pa isa!" Nagulat naman kami sandali sa sumigaw, may jeep na pala sa harapan namin.

"Oh isa pa raw, jack n poy kayo," sabi ni Rea tapos lumingon ako kay Honey na talagang nakikipaglaro pa.

"Baka maunahan pa tayo, mauna ka ng sumakay Honey," sabi ko.

"Pangit mong ka-bonding," sabi niya tapos sumakay na sa jeep.

"Oh? antayin mo pa rin akong makasakay?" tanong ko kay Rea.

"Oo naman!" sagot niya sa'kin. Napangiti lang ako at inilabas ang cellphone ko wala pa namang dumadaan. 'Yong ibang jeep kasi doon pa sa malayo humihinto tapos pagdating dito sa amin punuan na.

Tryp Ivan:

Hey,

Muntik ko namang mabitawan ang cellphone ko dahil biglang lumabas ang pangalan ni Tryp sa screen ko. Lumingon pa muna ako kay Rea baka biglang hablutin phone ko tapos malaman pa niyang nagkakausap pa kami ni Tryp.

Lyn Rose:

oh?

Hindi ko talaga alam ang isasagot ko pabalik biglaan rin kasi tapos sa pagkakaalala ko may mga messages pa akong hindi niya nareplayan at binura ko nalang. I closed my eyes for a moment because I let myself become fragile.

"Rea?"

"Oh?"

"Hmm bakit kayo naghiwalay ni Goerge noon?" tanong ko. Kaklase namin, first year palang kami ay tinutukso na silang dalawa sa classroom hanggang sa parang naging sila tapos hindi ko alam anong nangyari dahil siya at si Honey lang naman minsan ang nagkakausap sa mga ganyang bagay.

"Haha hindi naman naging kami eh," sagot niya. Kumunot naman ang noo ko. Pero bakit siya umiyak nung bigla silang hindi na nagpapansinan.

"Pero lumalabas kayong dalawa diba?" tanong ko. Tumango naman siya.

Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon