50

216 9 1
                                    

"Naku Lyn dapat inihahanda niyo na rin 'to para sa pagdating ng bata," sabi ni tita habang tinutulungan akong ayusin at lagyan ng disenyo ang isang kwarto, pinaayos namin ni Tryp ito para sa pagdating ni baby. Disenyo nalang ang kulang.

"Lalabas na rin kasi  'yan." sabay turo ni tita sa tiyan ko. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti ko. Pero aalis na si Tryp para sa training ilang araw nalang.

"Saan ba pupunta ang batang  'yon? baka iiwanan ka lang ah." umiling naman ako agad kay tita.

"May training po siya tita," sagot ko.

"Traning saan? naku dapat doon ka lang sa bahay muna. Wala kang makakasama dito hindi ka pwedeng iwan mag-isa."

Pero gusto ni Tryp makasali at maging isang professional e-gamer ayoko naman siyang pigilan at alam kong kumpara sa'kin alam kong kaya niyang tuparin pa ang mga gusto niya.

"Maayos ka ba naman dito? trinatrato ka ba ng maayos? Naku akala ko nga magagalit si Sir Thomas sa'kin, hindi ko nga alam kung kilala ka ba ng lolo niya, nakausap mo na ba?"

Umiling ako bilang sagot dahil wala pa rin akong alam sa pamilya ni Tryp.

"Baka pinapabayaan ka niya boto ako sa kanya dati ngayon mukhang hindi na," sabi ni tita. Kulay puti halos lahat ang binili ni tita para surprise sa gender ni baby.

"Hindi po tita, alaga rin po ako dito." nakangiti kong sagot.

"Malaki na si baby naku!" kinikilig na sabi ni tita.

"Kumusta po sila mama?" tanong ko at nakita kong tumahimik si tita sagdalit.

"Maayos naman sila pero ayaw pa rin nilang makausap ka."

Tumango lang ako. Narinig ko sila minsan ni tita nagkakausap. Paano ko na raw sila matutulungan ngayon, paano nga ba inuna ko kasing lumandi. Gusto ko pa naman may mapag-aral na rin ako sa kanila.

"Baka gusto mo silang puntahan?" umiling ako agad. Ayokong masaktan nila mama alam kong papagalitan at sisigawan tapos sasaktan lang ako nila papa.

"Hey, lunch is ready." napalingon ako sa may pinto. Binigyan ko naman siya ng isang ngiti tapos tumango.

"Masarap ka talaga magluto iho bakit hindi ka magtayo ng sarili mong resto in the future?" napangiti naman ako sa sinabi ni tita. Nasa harapan siya at katabi ko si Tryp.

"Ano nga ulit 'yong gusto mong kuning trabaho? professional e-gamer meron ba talagang ganyan?" nailang naman ako sa tanong ni tita. Baka ano lang kasi isipin ni Tryp wala kasing tiwala si tita sa gagawing training ni Tryp. Pero nakita ko siyang maglaro at masaya siya doon.

Nakita kong ngumiti lang si Tryp tapos tinignan ako. Binalik ko naman ang ngiti niya.

"Kailangan ba talagang next month hindi ba pwedeng samahan mo lang muna itong pamangkin ko." minsan nasasabi ko na parang si tita na ang naging pangalawang mama ko simula dati at hanggang ngayon. Hindi niya ako iniwan o tinakwil.

"Uuwi uwi rin naman ho ako hindi ko pa rin naman po siya papabayaan," sagot ni Tryp.

"Hmm oh sige, basta sa kanya ang uwi ha?"

"Opo." nakangiting sagot niya kay tita. Napahawak ako sa kwintas ko na soot ngayon. Ginawa kong pendat ang binigay niyang singsing kunwari sa'kin. Ang cute.

Pagkatapos naming kumain ay hinayaan namin si tita na manood lang muna sa sala habang tinutulungan ko si Tryp sa mga dadalhin niya papunta sa training. Malayo rin ang pupuntahan niya, sasakay siya ng eroplano papunta don. Kaya hindi ko alam kung mabibisita ba niya talaga ako.

"Do I really need to bring this one?" tanong niya na parang bata habang hawak-hawak ang stuffed toy na ginawa ko. Ipapadala ko sa kanya ang isa.

"Oo gawa ko yan eh," sagot ko.

Mr. Grumpy (Also Available under Fameink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon