Chapter Three (No Hope)

1.5K 30 3
                                        


Nakatulala parin si Kate habang nakahiga sa kamang ginamit sa karahasang ginawa sa kanya.

Maya-maya pa ay ibinagon niya ang kanyang katawan. Kasabay ng kanyang pag bangon ay ang mga katagang lumabas sa inner part ng kanyang utak. "Magbabayad kayo sa ginawa niyo!"

mabagal na nagbihis at kinuha ang bag.
Nararamdaman niya ang dugo sa private part niya pero wala na siyang pakialam kung lalabas ito mula sa suot niyang palda.

Ang gusto niya ngayon ay makauwi sa piling ng kanyang ina. Wala siyang tigil sa pag-iyak.

Nakakahiya ang nangyari sa kanya.

She is about to open the door nang naririnig niya mula sa labas ang mga boses ng mga demonyong lumapastangan sa kanya. Napatigil siya.

Nagkakatuwaan pa ang mga ito na para bang walang nangyari.

"Jayden ah, daya mo naman, ikaw talaga ang nauna!"

"Sira kaba, dapat lang, ako ang unang tumikim, ako ang nagpatawag sa kanya dito!"

"Pero masarap parin naman ang tira-tira, ganda kasi at ang puti!"

At sabay-sabay na tumawa. Mga tawang nagpapahiwatig ng matinding kaligayahan sa ginawa.

Ang mga tawa nila ang dumagdag sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Hindi ng private part niya kung hindi ng damdamin niya.

Kasabay ng mga tawang iyon sa labas ay luhang patuloy na bumabagsak mula sa kanyang mga matang mugto na sa kakaiyak.

Nagulat siya mula sa paghagulgol nang marinig niya ang boses ni Jayden mula sa labas.

"Hoy Kate, lumabas ka na jan, uwi na tayo!"

Lumabas siya nang dahil nadin sa matinding takot.

Paglabas niya, nakita niya ang grupo ni Jayden na masayang nakaupo sa sofa ng living area ng office.

Dahan-dahan ang kanyang paghakbang nang dahil sa panghihina at sakit na nararamdaman.

"Hoy Kate, hindi kaba magpapasalamat samin, hinintay ka namin?" Ang wika ni Jayden kalakip ang pang-aasar na mga tingin sa kanya.

"Oo nga, yung ibang rapist iniiwan ang biktima pagkatapos ng sarap, pero kami hindi kami rapist kasi hinintay ka namin, respectful rapiiiiisssst.......diba.....diba?!" Ang wika ng isa pa, at sinabayan ng tawa at isa-isang tiningnan ang mga kasama para kunin ang pagsang-ayun.

Ang nasa utak niya ngayon, gusto niya silang sigawan at murahin pero walang lumalabas na salita mula sa kanya. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makalabas na siya sa room na iyon.

"Kate, baka gusto mo ulit, available kami palagi....!" Ang huling sigaw ni Jayden sa kanya nang tuluyan na siyang nakalabas.

Mula sa labas, rinig na rinig parin niya ang mga demoyong tawa nila.........mga tawang hinding-hindi na nila mararanasan sa hinaharap at yan ay pinangako niya.

_________________________________________

Nakatitig si Kate sa maliit na gate ng kanilang bahay. Nag-aalangan siyang pumasok. Nakadama ng pangamba kung ano ang magiging reaksyon ng ina sa sinapit niya.

She can't move her feet para ipagpatuloy ang paglalakad patungo sa piling ng ina. Hindi niya alam kung itatago ba niya ang nangyaro o sasabihin niya.

Nilalamig siya at nanghihina habang hawak-hawak ang strap ng kanyang backpack.

Pero.....biglang bumukas ang kanilang gate.

Iniluwa nito ang kanyang inang marahil ay lumabas para tingnan kung nakauwi na ba siya.

The President's WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon