Kinakabahan at pinagpawisan ngayon si Kate na lumapit sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa harap ng bulliten board ng classroom nila.
Lumabas na ang resulta ng 1st grading ranking. Kung mag tatop siya hanggang 4th grading, magiging scholar siya sa susunod na taon.
Kaya nagsumikap siya na tumaas ang mga grades para makuha ang rank 1.
Ang kaninay kaba at pawis ay biglang napalitan ng saya at ginhawa nang makita niya ang kanyang pangalan na nasa unang numero ng listahan.
Napangiti siya ng tagumpay.
"Kaaaatttteeee, congrats, napakaproud ko ngayon na may bestfriend ako na matalino, kasi ako kahit anong aral ko, hindi ako napapasok sa top 10, grabe, di ako makapaniwala, natalo mo si Jasmine!" Ang bulalas na wika ni Dona at niyakap ang kaibigan na kasalukuyang naglalakad sa hallway ng building galing sa bulliten board nila.
"Kailangan ko kasing magtop Dona, gusto kong mascholar, ang mahal kasi ng mga bayarin at projects dito, alam mo naman, hindi kami mayaman" she replied habang hindi parin natatanggal ang ngiti ng tagumpay sa kanyang mga labi.
"At dahil jan, ililibre kita, tara na sa canteen....let's gooo....!" Masayang tinungo ng dalawa ang canteen ng eskwelahan.
Si Donalyn ay isang anak ng mayamang negosyante sa probinsya nila. Sinasabi lang niyang hindi siya mayaman dahil anak siya sa labas pero apelyedo parin ng ama ang ginamit at full support ang natatanggap niya. Kahit mayaman ito, napakahumble at bait din kaya marahil ito ang dahilan kung bakit naclose silang dalawa.
___________________________________________
"We will be having an exhibit for science month, kagaya parin ng dati, the student council will be the organizer and...........!" Naputol ang mga dapat pang sabihin ni Jayden nang may mag-interrupt sa Student Council meeting niya kasama ang kanyang mga officers. As expected, he is the President.
"Jayden, si Jasmine, nagwawala sa classroom nila!"
Ang bulalas ng lalaking student sa bukas na bintana ng room nina Jayden.
"Ano?!" He said at agad na tinungo ang classroom ni Jasmine. Mukhang may nakaaway nanaman ang kanyang kapatid.
They are very opposite siblings. Si Jasmine kapag may kagalitan ay nagwawala and him kapag galit o may kagalit, he prefer getting revenge in silent way.
Nang marating niya ang classroom, natagpuan niyang nasa labas ang mga kaklase nito at nang pumasok siya sa classroom ay nadatnan niyang kinakausap ng kanilang teacher ang kapatid.
Pero nadisarranged na ang mga chairs at nagkalat ang iba pang gamit sa loob.
His sister is really wild. Nakasimangot ngayon ang galing sa pagiyak na mukha ng kapatid. Ang kilay niyang maldita ay mas lalo pang kumunot na para bang wala siyang pakialam sa sinasabi ng teacher niya.
"Ma'am ako na po ang kakausap sa kanya, thanks!" He said at saka hinablot ang kamay ng kapatid para mapasunod sa kanya. Kinuha din niya ang bag nito bago umalis.
Matiwasay namang sumunod ito sa kanya.
Nang marating nila ang VIP room na para lang sa kanila ay nagsalita ito.
"Jas, ano ba sa tingin mong ginawa mo?kasasabi lang nila mommy na malapit na ang eleksyon at hindi pwedeng gumawa ng kamalian, tapos ngayon ano to?!" Ang galit na wika ni Jayden while looking at his sister's angry face.
"Kaya nga e, nang dahil sa eleksyon nayan, nawala ako sa rank 1, dahil hindi sila pwedeng makialam sa ranking!" Ang sigaw at mabangis ding wika ni Jasmine.
BINABASA MO ANG
The President's Wife
AcakMinolesta siya at tinanggalan ng karapatan. The villain was the Governor's son and his gang. The wrath in her heart turns into retaliation. Zarina Kate Ramos voluntarily accepted a mission to investigate the crimes and illegal businesses of the ty...
