Chapter Twenty Four

811 12 0
                                        

"Ma, matutulog ako, pakisabi sa mga bodyguards ko na ayaw kong madisturbo, okay?" Ang sigaw ni Kate sa ina habang nakasandig ang kalahati ng katawan paharap sa fence ng second floor ng bahay. Sinadya niyang isigaw ito sa ina para marinig ng kanyang mga bodyguards.

"Oo, sige magpahinga kana, kay maam Marga muna ako ha, may pag-uusapan kami, kung gusto mong kumain, naluto ko na ang panglunch," Estela replied.

"Okay, ma,"

Nang makapasok si Kate ulit sa kwarto at katahimikan na pumagitna ay agad na siyang lumabas ulit gamit ang bintana. Nasugatan pa ang kanyang hintuturo nang masabit ito sa nakalabas na pako pero hindi na niya ito pinansin. Nang makababa ay agad tinungo ang scotter ng kanyang kuya sa kanilang garahe at tinulak sa malayo para hindi magbigay ng ingay saka pinaharurot papunta sa tagpuan nila ng kanyang agent.

Halos tatlong oras bago nakabalik si Kate sa kanyang study room. Halos ilipad niya ang motor para padaliin ang lahat lalo pa at may nakita siyang kakaiba kanina sa bodyguard niya.

Nang maiapak ang mga paa sa floor ng kanyang study room ay agad niyang nilagay sa kabinet ang binigay sa kanya ng kanyang agent na mga litrato, inayos ang sarili and about to go outside the room nang bumugad sa kanya ang imahe ng kanyang kuyang si Zach. Oo nga pala, nabuksan niya ang kanyang study room dahil may susi ito doon at tanging siya lamang ang may duplicate nito.

"Kate, bakit pawis na pawis ka?" Ang nagtatakang bungad ni Zach.

"A-ah wala, naidlip ako, at nakalimutan kong e-on ang electric fan kaya pinagpawisan ako,"

Instead of answering her sister ay tumingin si Zach sa bukas na bintana at saka binaling ulit ang mga mata sa kapatid. "Lumabas ka at sandaling tumakas sa mga boduguards mo?"

"Bakit kapa nagtatanong kung nagets mo naman ang sitwasyon? Alam mo naman na ito lang ang paraan ko para magawa ko ang misyon ko," she said at sabay na tinanggal ang manipis na coat na suot niya.

"Kate, tumigil kana dito," ang seryosong wika ni Zach.

"Kung nandito ka para nanaman pigilan ako, kumain kana lang ng luto ni mama doon sa kusina," umupo siya sa swivel chair ng table niya habang si Zach ay sa single sofa sa harapan ng table niya.

"Kaya mo ng wasakin si Jayden, si Robert at ang pamilya niya kahit dito ka lang position mo ngayon,"

Padabog na nilapag ni Kate ang kanyang Jacket sa sofa at susi ng scotter at tumingin sa kapatid. "Tumigil? Kaya?"

"Oo,"

"Oo, kaya ko nga, sa hawak ko ba namang mga ibedensya, pwede na nga eh, pero kung nandito lang ako sa baba, kung hanggang dito lang ang kapangyarihan ko, hindi ko kayo mapoprotektahan ni mama,"

"Huwag mo na kaming isipin ni mama, ikaw ang nasa panganib dito,"

"Si Robert, kaya ka niyang tanggalin sa rangko mo ngayon o di kaya sa serbisyo, si mama, kaya niyang patayin, kaya ayaw ko pang tumigil, kuya,"

"Kate, hindi mo alam ang pinapasok mo, okay lang sana kung hindi misyon ang rason mo kung bakit ka nagpakasal kay Jayden, kasi papabayaan na kita, pero hindi,"

"Alam ko ang pinasok ko kuya, alam ko na pumasok ako sa lugar ng mga buwaya para hanapin ang buwayang pumatay kay papa."

"Alam mo ba how dangerous your husband is? Nakangiti lang siya sa harapan mo Kate but actually he is King of crocodiles you're saying," alam ni Zach na matigas ang ulo ng kapatid kaya instead of showing loose from her ay umupo at isinandig na lang niya ng maayos ang likod sa sofa ng kwarto and trying to stay calm.

"Alam ko," inayos nadin ni Kate ang sarili sa pagkakaupo sa swivel chair ng study table niya at maayos na hinarap ang kapatid.

"Kuye, sa ngayon, nasa itaas ako ng nag-iisang puno pero wala pa ako sa tuktok. Yung pwesto ko sa gitna ng katawan ng puno ay hindi sapat para maitapon ko ang papatay sa kanila dahil nakakapit ang kalahati ng katawan ko sa puno at bumabalanse para hindi ako mahulog. Ang puwesto ko, maaari nila akong maabutan dito dahil mababa lang ito. Kailangan kong umakyat pa sa taas para kapag tinapon ko na ang papatay sa kanila, siguradong mauubos silang lahat, naiintindihan mo naman siguro ang ibig kong sabihin,"

The President's WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon