Chapter thirteen

579 12 1
                                    

Dahil maagang umalis si Jayden para sa mahalagang lakad nito connected to his leadership ay nagkaroon ng oras si Kate na makapunta sa Timuran Beach.

Agad niyang nilakbay ang mansion palabas, she is about to enter her car na pinapark na niya sa isang bodyguard sa harap ng main door ng mansion ay nakarinig siya ng boses galing sa kanyang likuran.

"Kate, where are you going?" Hinarap niya ang nagasalita at bumungad sa kanya ang nakataas-kilay na mukha ng kanyang biyenan.

"Hi ma, goodmorning, kailangan ko lang munang pumunta sa amin," isang fake smile ang ikinabit niya sa kanyang mga salita.

"Nang hindi nagpapaalam sa amin?" Ang mataray na wika ni Rebecca.

"I'm sorry po ma, nasa kwarto kayo kanina at hindi ko na kayo dinisturbo," she said kasabay nito ang pagbabago ng kanyang facial expression into serious one.

"Disturbo kana sa amin, kaya lubos-lubusin mo na!" Rebecca said at saka tinalikuran si Kate. Tanging pulang anyo ng kasuotan ni rebecca lamang ang nakita niyang unti-unti ng nawawala sa paningin niya ang nasundan ng kanyang mga mata. Napakasakit ng mga katagang binitawan ni Rebecca ngunit binalewala na lang niya ito dahil mas mahalaga ang oras niya.

Before she leave ay tinawagan nadin niya ang kanyang asawang si Jayden na pupunta muna siya sa kanila.

Halos isang oras ay naglalakbay si Kate papuntang Timuran Island habang minamaneho ang isang sasakyan na ibinigay sa kanya ni Jayden. Nagbigay nadin ng direction ang kaniyang private agent na sumunod kagabi kay Jayden kung saan matatagpuan ang misteryosong restricted area. Gamit ang kanyang google map ay natuton niya ito.

Isang one lane narrow road ang bumungad sa kanya na nahaharangan ng metal gate barrier at may sinage na restricted area, private property. Sa tingin niya ay ang lugar na iyon ay ang isa sa dulo na ng islang iyon dahil wala ng daan maliban sa dinaanan niya at ang naharangang daang. Kinuha niya ang kanyang isang cellphone at agad na kinuhanan ng litrato ang area. Minabuti ni Kate na umalis agad dahil baka may dumating sa lugar na at huwag munang pasukin ang  daang iyon. She decided to visit the center of the island kung nasaan ang mga mamamayan ng Timuran Beach.

Isang masagana at simpleng pamumuhay ng mga tao ang nadatnan ni Kate nang marating niya anh sentro ng dalampasigan. Makikita ang abalang mga mangingisdang dumadating at ang iba'y papaalis. Marami ding batang naglalaro sa gilid ng mga daan at dalampasigan. Ilang minutong observation sa loob ng kanyang sasakyan ay lumabas si Kate sakto ding may dalawang lalaking sa tingin niya'y mga mangingisda na nanggaling sa laot dahil sa mga kasuotan nila.

"Ilang Kilo ba ang nakuha mo ngayon?" Ang wika ng isang lalaki sa kasabayang lalaki din habang mabagal na dumaan mula sa nakatayong si Kate sa gilid ng kanyang sasakyan.

"Hindi umabot ng 10 kilos, lugi, ikaw?" Ang wika ng isa.

"Halos pareho lang sakin, bumalik nanaman ang grupo ni Eddie," ang sagot ng isa. Nagbigay ng pagtataka kay Kate ang usapan ng dalawang dumaan kaya minabuti niyang magtanong.

"Ah excuse me po?" She said at napalingon naman ang dalawang lalaki na medyo malayo na sa poisto ni Kate.

"Ano po yun ma'am?"

"Ano po yung pinag-uusapan niyo na grupo na dahilan ng kunting kuha ninyo?" She curiously said.

"Mga hindi taga rito na nangingisda sa dagat ng Timuran, gumagamit sila ng malalaking bangka, hindi lang isa kung hindi tatlo o mahigit pa, nauubos nila ang isda na dapat sana kami ang kumukuha, kaya ito, halos wala na kaming makuha para maibinta," ang disapppointed na wika ng lalaki.

"Hindi niyo po ba nirereklamo yan sa baranggay o sa musipyo or sa mga pulis?"

"Ilang beses na kaming nagreklamo, hinuhuli ang grupong yan pero ilang buwan lang napapakawalan din tapos balik nanaman sila," ang seryosong wika ng isa pang lalaki.

The President's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon