Chapter Six (The Pro)

817 21 0
                                    

"I saw it!" Nakatayo ngayon sa gilid at 'di kalayuan ni Jayden ang kapatid niyang si Jasmine. Nakasandig ang tagiliran niya sa medyo mataas na bookshelves na nasa tabi ng malaking salamin ng kwarto niya.

He is busy fixing his necktie habang nakaharap sa salamin.

"What!" Ang tipid niyang sagot habang patuloy sa ginagawa.

"The ID of that Kate," ang mataray na wika ni Jasmine at tinaasan siya ng kilay.

"And then?!" He said saka umalis mula sa harap ng salamin at kinuha ang suit na nasa kama niya and wear it.

"You like her right?" Hinarap niya si Jayden while linking her two arms.

"Wala ka ng pakialam kung gusto ko o hindi, pwede ba Jasmine, asikasuhin mo yang buhay mo, wag ako!" Ang pasuplado niyang wika kay Jasmine.

"Then paano naman si Carla, you're dating her baka nakakalimutan mo?!" Ang habol ni Jasmine sa kapatid matapos siyang talikuran nito.

He stopped from stepping at hinarap ulit.

"Jasmine, I'm seeing Carla as a woman, nothing else, okay?!" Ang matigas niyang wika sa kapatid na nagpakunot ng kilay nito.

Tinalikuran niya ito ulit.

"She hates you, sigurado ako, kaya mag move on kana kuya!" She is still insisting.

Si Kate ang pinapahiwatig ni Jasmine.

Napatigil si Jayden pero, tinuloy din niya ang pag-alis niya at di na sinagot pa si Jasmine.

Carla is a daughter of a businessman and a bestfriend of his sister Jasmine, pinapatulan lang niya ito dahil habol ng habol sa kanya ang babae.

Maraming ganun sa buhay niya, others are only his playmates in the world of love. Minamahal lang naman niya ang mga babae niya without sincerity.

_________________________________________

Malayo pa lang ang sasakyang minamaneho ni Kate sa mansion ng mga Rodriguez ay tanaw na niya ang napakaraming sasakyang nakaparking sa bawat bakanteng area ng plaza. Nagpark din siya sa isang bakanteng area hindi kalayuan sa gate ng Mansion.

Nang makalabas siya ng sasakyan. Dumampi ang lamig ng gabi sa kanyang balat dahil sa sleeveless at backless na suot niya ngunit hindi niya inalintana ang lamig na nararamdaman dahil mayroon siyang mission na dapat gawin.

Nasa gate pa lang siya, napapansin na niyang nakaagaw siya ng atensyon sa mga bisita ng Governor. Halos lahat ng mga mata ng bisitang naroon ay nakatuon sa kanya. Marami ding ka edad niya ang nandoon at kagaya niya ay nakasuot din ng mga sparkling long gowns.

Pero ganun naba siya kaganda at halos nakatingin ang lahat sa kanya?

She don't know and she don't care.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at paghahanap ng pwede niyang mapoistohan. Pinili niya mas malapit sa stage. Siguradong tatayo ang gobernador doon mamaya para magsalita. Habang naghihintay ay nilibot niya ang mga mata sa malawak na bakuran ng teritoryo ng pamilyang kasalukuyang namumuno sa kanilang bayan. The motif of event is a combination of golden yellow and white color, mapapansin din sa mga decorations na nakapalibot sa frontyard area na iyon ang eleganteng desinyo ng mga bulaklak. Maliwanag ang outside lights na nanggagaling sa bawat gilid ng gate ng mansion na nagbibigay ng buhay sa madilim na gabi. Maririnig ang smooth instrumental music na pinatugtog upang hindi mainip ang mag bisita.

Her face is serious habang umiinom ng wine na nakaserve sa mataas na lamesa design para lang sa nakatayong posisyon. Mayroon din namang mga table na nababalutan ng eleganteng table clothes. Ang bawat lamesa ay mayroong centerpiece na nakalagay, ito ay puting bulalak na binibigyang buhay ng mga berdeng mga dahon sa bawat bulaklak arranged in accordance with the purpose of the event. Sa bawat lamesa na may anim na upuang nakapalibot ay napapaligiran din ng cocktail table na kagaya ng kinatatayuan niya ngayon.

The President's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon