Chapter Eleven

608 13 0
                                    

"Mom?pumayag ka?" Isang malakas na sigaw ang bungad ni Jasmine sa inang busy sa pagsusuklay ng kanyang buhok habang nakaupo sa harapan ng kanyang luxurious dresser. Makikita ang buong kaanyuan nang dahil nadin sa laki ng salaming nasa harap niya.

"Jasmine, don't stress me dahil stress na stress na ako," ang matigas ngunit kalmang wika ni Rebecca habang patuloy sa ginagawa.

"Mom, why!?talaga bang sa lahat na lang pagbibigyan niyo so Kuya?"mas lalong tumaas ang boses ni Jasmine na nakatayo sa gilid ng nakaupong ina habang ang mga braso ay nakakrus.

"Jasmine," tiningala at tiningnan niya ang mukha ng anak na kasalukuyang nakasimangot at nakakunot ang noo. Pero instead of answering her, ngumiti ito ng devil smile sa kanya na nagbigay curiosity kay Jasmine.

"Mom? May laman ang ngiti mo?what is it?"huminahon ang boses ni Jasmine at natanggal ang pagkakrus ng kanyang mga braso kalakip ang malaking curiosity sa mga mata.

Ibinalik ulit ni Rebecca ang mukha sa salamin at nagsalita.
"Ibigay lang nating ang gusto ng kuya mo, but we will make things uneasy to them especially sa basurang Kate nayan, sasabihin ko sayo Jasmine, siya na mismo ang aalis sa buhay ni Jayden, kaya no need to worry!" She give a devil smile from the reflection of his image on the mirror kasabay nito ang mga ngiti din pinakawalan ni Jasmine mula sa pagkakatitig sa ina.


   _____________________________________________

"Kate, baliw ka naba?" Biglang hinarap ni Estela ang anak galing sa pagkakaharap sa closet ni Kate at tinigil ang pag-aayos ng mga damit nito.

"Ma, alam kong hindi ka papayag, pero may dahilan ako kaya ko 'to gagawin," Kate explaines habang nakatayo sa harap ng ina at nakakrus ang dalawang braso. Pero ang mga titig niya ay nakikipaglaban sa masamang titig ng kaharap.

"Ang maghiganti?" Estela emphasized her word hardly while holding one polo shirt na nadala niya mula sa closet ng anak nang magulat sa balita nitong pagpapakasal.

"Ma, noong minolesta ako at tinanggalan tayo ng karapatan, isinadiyos ko na ang lahat, pero nong malaman kong sila ang nagpapatay kay papang, hindi ko yun palalagpasin, kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila!" Mas lalong tumigas din ang tono ng boses ni Kate.

"At kasalanan ko," Ang mahinang sambit ni Estela kakabit ang malungkot na tingin.

"Ma!"

"Kung hindi ako nadulas, hindi mo sana ito gagawin!"

"Ma, alam ni kuya, agree siya sa gagawin ko!"

"Pero hindi ako Kate!"

"Hindi na kita mapipilit ma dahil alam ko naman na hindi ka agree pero hindi mo na ako mapipigilan!"

"O sige, maghiganti ka hanggang kailan mo gusto!" Estela said, at saka padabog na iniwan ang anak kasabay ang malakas na bagsak ng pinto ng kwarto.

Alam ni Kate na ganito ang magiging reaksyon ng kanyang ina. Pero nakahanda na siya, kakayanin niyang suwayin ito alang-alang sa nabuo na niyang plano. She is determine to end her started plan, mahihirapan man siya o hindi at may humadlang man o wala.

    _____________________________________________

"Ang ganda mo talaga miss Kate, hindi na talaga ako magtataka na nahulog sayo agad ang isang kagaya ni Governor Jayden, hindi lugi!" Ang kinikilig na wika ng isang babaeng nag maemake-up kay Kate sa kwarto ng hotel na iyon kung saan gaganapin ang kasal nila ni Jayden.

Ngiti lamang ang ibinigay ni Kate na sagot mula sa malaking salamin ng dressing set. Mas lalo nagliwanag si kate dahil bukod sa maputi siya at puti pa ang wedding gown niya ay nasisinagan pa siya ng ring light na nakaharap sa kanya.

Mula sa likuran ang bumukas ang pinto ng kwarto at bumungad sa kanila si Jasmine.

"What a beautiful garbage!" Ang mataray na wika ni
Jasmine habang dahan-dahang pinalakpak ang mga kamay.

"Jasmine, anong ginagawa mo dito?" Ang medyo gulat na wika ni Kate. Nawala ang matamis na ngiti mula sa mga labi ni Kate at napalitan ito ng fierce look.

"Anong feeling ng isang garbage na nailagay sa malinis na higaan, I mean, ilalagay pa pala, excited?"

"Shiara, okay na ito, pwede niyo na kaming iwan, mag-uusap muna kami ng aking future sister-in-law!"

"Yes maam," ang sagot ni Shiara tsaka sininyasan ang mga kasama upang lumabas

"Alam mo Jasmine, kahit ubusin mo pa ang masasakit na salita sa buong mundo, hindi mo na matatanggal ang basurang nakalagay sa malinis na higaan,"

"When I first met you, alam kong ambisyosa ka pero hindi ko akalain na ganito pala kalala!" Jasmine said and smirk na may kalakip na inis sa boses.

"'Wag kang mag-alala Jasmine, kapag nagkasama na tayo sa isang bahay, makikita mo pa kung gaano pa ako kalala, kaya chill ka muna, okay?" Kate said with a voice of rudeness.

"Ambisyosang basura!" Jasmine throw her pouch from Kate's back at saktong ang salamin na nasa harapan niya ang natamaan, nabasag ang salamin dahil gawa sa metal ang pouch ni Jasmine. Isang bubog ang tumalsik sa leeg ni Kate na nagbigay ng kunting pagdurugo. Nanlaki ang mga mata ni niya sa ginawa ni Jasmine, she is speechless, dahil nadin sa matinding pangamba lalo na ng makita ang kunting dugo sa leeg niya. Aktong nadatnan ni Estela ang pangyayari kaya napabulalas ito at agad nilapitan ang anak na si Kate.

"Demonyeta, anong ginagawa mo sa anak ko!" Ang sigaw nito.

Umalis si Jasmine na nagdadabog at tila ba walang pakialam sa ginawa ngunit nakita ang biglang pagkatakot ng kanyang mukha.

"Kate, anong nangyari, Diyos ko may sugat ang leeg mo!"

"Okay lang ito ma, hayaan mo na siya, hindi niya ako mapipigilan sa gagawin ko, hindi ako matitinag!" Ang wika ni Kate at dahan-dahang pinunasan ang sugat gamit ang tissue na kinuha niya sa kanyang harapan.

"Kate, kung ganung klaseng tao ang makakasama mo sa iisang bahay, baka hindi ka malalabas ng buhay, papatayin ka niya,"

"Ma, alam ko na ang papasukin ko, at anong klaseng pamilya ang haharapin ko, handa na ako kaya wala kang dapar ipag-alala,"

"Kate, hindi.kita makuha sa galit na paraan, pero magmamakaawa na ako Kate, ayaw kitang mapahamak, hindi pa huli ang lahat, hindi pa kayo kasal ni Jayden, please!?"

"Ma, kahit pa umiyak kayo ng dugo, hindi niyo ako mapipigilan, gagawin ko 'to para kay papang at hindi para sa sarili ko, kaya tumayo na kayo jan!"

Pagkatapos ng mga salita ni Kate at hindi na nakasagot pa si Estela dahil bumukas ang pinto at iniluwa nito ang wedding organizer na babae.

"Miss Kate, magsastart na po, teka anong nangyari sa salamin?" Ang wika nito at naibaling anh atensyon sa basag na salamin sa harap ni Kate.

"It is just an accident, wag mo ng pansinin yan, lalabas na ako!" Kate said at saka tumayo para ihanda sang sarili. Napatayo nadin si Estela at tinulungan ang anak sa pag-aayos ng kanyang gown.

Nilingon ni Kate ang ina bago ito tuluyang lumabas. Isang tingin na alam niyang maiintindihan ng ina.

The President's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon