Chapter Seventeen

501 10 0
                                    

Nanginginig, halos tumulo na ang pawis ngayon ni Jasmine habang hawak-hawak ang cellphone at paulit-ulit na dinadial ang isang unknown number. Naghalong inis at pangamba ang expression ng kanyang magandang mukha.

Kasalukuyan siyang nasa kanyang kwarto at habang nakatayo sa paanan ng kanyang kama. Sa paulit-ulit niyang pagdadial sa unknown number ay paulit-ulit ding nagriring ang isa pa niyang cellphone na nasa kanyang kama. Si Mayor Andrey ang tumatawag, ang kaniyang dalawang taon nang husband.

Arranged marriage silang dalawa pero si Jasmine lamang ang tanging may masimbuyong nararamdaman kay Andrey and Jasmine is aware that Andrey has a secret affection towards her sister-in-law, Kate, kaya nang malaman niya iyon isang taon na ang nakalipas ay mas lalong nadagdagan ang galit at inggit niya kay Kate and now, she is in the middle of crises because of her wickedness.

Nabigla siya nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran. Galing ang boses sa pinto ng kanyang kwarto.

"You did it right?" Jake sarcastically said sa nakatalikod niyang ate na halos hindi maigalaw ang katawan at harapin siya.

Dahan-dahang hinarap siya ni Jasmine ngunit ang mukha niya ay pilit na ngumiti sa kapatid at sabay na dahan-dahang itinago ang hawak na cellphone sa kaniyang likuran.

"A-ang alin?" Her voice is trembling.

Nabigla siya nang mabilis siyang sinugod ni Jake at pilit na inagaw ang cellphone na hawak niya. Ngunit hindi naging sapat ang lakas niya para mapanatili ito sa kanyang kamay. Nakuha ito ni Jake ngunit hindi siya tumigil na agawin ito ulit.

"Ano bang ginagawa mo Jake, akin na yan pakialamero, isusumbong kita ki mommy, bwisit ka!"
Ngunit parang walang naririnig si Jake at patuloy sa paghahalungkat ng cellphone ni Jasmine. Kapag ina-attempt ni Jasmine itong kunin sa kanya ay mabilis niya itong iniiwas. Halos mabugbog sarado narin siya ng kapatid dahil sa mga kalmot na ginagawa nito sa kanya. Sa ilang segundong pag-aagawan ay hinayaan nani Jake na maagaw niya ito.

"Don't do anything bad again ate Jasmine, palalampasin ko 'tong ginawa mo ngayon na pagpapahamak kay ate Kate, at kapag naulit pa 'to ipapasa ko ang mga screenshots ng conversation niyo ng mga kidnappers kay Kuya," ang mabangis na wika ni Jake at sabay na tinuro-turo ang kanyang kapatid. Agad din siyang lumabas sa kwarto nito.
Nanghinala na si Jake kay Jasmine mula pa kanina nang makatanggap ng tawag ang kanyang kuya na si Jayden dahil nadin sa naging expression ng mukha ng kapatid na babae.

"Sige, magsama-sama kayo Jake! Gago ka wala kang kwentang kapatid, bumalik ka ditooo!" Ang pasigaw at galit na wika ni Jasmine sa kapatid na nasa labas na ng kwarto. Wala na siyang pakialam kung narinig man ito ni Jake, ang mahalaga sa kanya ay nailabas niya ang galit niya. Napasandig na lang siya sa pinto ng kanyang kwarto at takot na takot na umiiyak.

"Bakit ganun, bakit hindi ka namatay Kate, isa kang hadlang sa lahat ng gusto ko, hindi ako papayag na habang-buhay ka magpapakasaya sa pera at kapangyarihan ng aming pamilya habang maligaya kang pinagmamasdan ng aking asawa, I will throw you back kung saan ka nanggaling Zarina Kate!" Ang galit na hinaing ng utak ni Jasmine habang patuloy ang mga luha ng poot na  naanod sa hindi na niya maipintang mukha.

    _____________________________________________

Sa tulong ng assistant ng mga bodyguards ni Jayden ay malaya niyang naipasok ang asawang si Kate sa loob ng kanilang mansion habang buhat-buhat ito. Hindi na niya ginising ito mula sa pagkakatulog dala ng pagod at panghihina.

"Call Doctor Lance," ang agad na utos ni Jayden sa kanyang bodyguard na nauuna upang pagbukasan ang mga pintong madadaanan nila hanggang sa marating nila ang master's bedroom.

The President's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon