Chapter One (New School)

2.7K 35 1
                                        

Year 2005

Nakaupong pinagmamasdan ni Zarina Kate ang inang si Estela na abalang nagluluto ngayon sa maliit nilang kusina. Maririnig ang mahinang tunong ng kumukulong tubig ng tinolang isda at sa kabila naman ay ang piniprito nitong manok.

Nakatunganga siya habang iniisip ang plano ng ina. Maya-maya pa'y pinutol niya ang katahimikang bumabalot sa kanila.

"Ma, kailangan ko ba talagang magtransfer?" Ang seryosong tanong niya sa inang nakatalikod at abala sa ginagawa.

"Hay Kate, ilang ulit mo na bang natanong yan, kailangan dahil mas madali kang makakapasok sa trabaho kapag sa Rodriguez Memorial Academy ka makakapagtapos hanggang college level at hindi lang yun, magiging proud ang mga tao sayo at syempre ako!" Hindi lumilingon sa kanya ang kanyang ina pero malakas ang boses nito.

"Pero mahal po yung bayarin dun ma, magkacollege napo si Kuya!" She insisted. Nag-aalala siya dahil sumasahod nga ang kanyang ina but not enough for the budget of higher educational fees.

Nang matapos sa pagluluto, pinatay nito ang apoy ng burner at hinarap siya.

"Kate, kaya ng mama, basta gusto ko, dun ka mag-aral, okay?!" His mother said habang isa-isang nilalagay ang plato sa hapag kainan.

Tinulungan niya ito at nagsalita.

"Sige po, basta, ayaw kong tumigil sa pag-aaral ma ha, baka mamaya sabihin niyo, nabaun tayo sa utang kasi sa laki ng tuition ko!"determinado at sigurista niyang wika. Baka kasi hindi kayanin at yun na lang ang magiging dahilan para di siya makapagtapos.

"Ay hindi yan mangyayari Kate dahil hindi rin natigil ang kuya mo, kaya hindi karin matitigil, okay!?" Her mother's voice is hopeful.

Isang masayang ngiti ng mag-ina ang tumapos sa topic nila.

The smile of hope and determination.

Isang simpleng buhay ang mayroon si Zarina Kate. Dalawa lang silang magkapatid na itinataguyod ng kanyang ina na isang public teacher. Seven years old pa lang siya, namatay na nag kanyang ama nang dahil sa isang engkwentro. His father was a dedicated police officer with a rank of Major.

Kaya naman, pinangako niya sa sarili na hihigitan niya ang paglilingkod ng kanyang ama sa bayan dahil iyon ang gusto nito.

Her father is her first inspiration noon paman. Proud siya sa lahat ng naaccomplish nito. Mula sa kanyang pamilya hanggang sa bayan.

_____________________________________________

Unang araw ni Kate sa school ng mga mayaman. Kung hindi lang talaga napakaambisyosa ng kanyang ina. Mas gugustuhin niya sa public school kaysa sa ekwelahang parang hindi naman siya belong.

Pero dahil masunurin siyang anak. Pinilit na lang niyang e-adapt ang mundo ng paaralan na iyon na opposite sa buhay niya sa labas.

Isa pa, pag-aaral ang pinunta niya dito at hindi ang ikumpara ang sarili sa mga estudyanteng nag-aaral doon.

Isang sariwang simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya na nagmumula sa malalaking kahoy na nakapalibot sa eskwelahan.

Pinapasok niya ngayon ang malaking gate ng paaralan. May nakakasabay din siyang mga estudyante pero kaunti pa lamang.

Sinadya niyang mapaaga para hindi naman siya ganun maiilang sa karamihan.

Nang pumasok siya, nasabi niyang isa nga iyong paaralan ng mga mayayaman dahil sa lawak ng landscaped plaza at laki ng buildings.

Mayroon pang wide area para sa mga sasakyan.

She is about to walk when someone approached her.

The President's WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon