Ilang segundong hindi nakasagot si Kate. Hindi siya makapaniwala na kilala nga talaga siya ni Jayden. Like, gaano na katagal? Hindi siya nito nakalimutan?
"Kung ganun, bakit after all, ang lakas parin ng loob mong e-approach ako, you really don't have a conscience Jayden." Her eyes is showing fear and disappointments. Halos nakakunot ang mga kilay niya sa nalaman.
"Yun ba yung tingin mo sakin? Well, kahit sino naman. I know Kate, I did a big sin to you, pero I assumed na napatawad mo na ako." Huminga siya ng malalim at sinundan ang mga sasabihin, "that night was the proof of your forgiveness, hindi ba? O baka masyado lang talaga akong nag-aassume?" Mapapansin ang kalungkutan ng kanyang boses na hindi bumagay sa nakakunot niyang makakapal na kilay.
Hindi sumagot si Kate, nanatili parin ang mga mata niyang nakikipagtitigan kay Jayden.
"I'm sorry kung nagkamali ako ng akala," Jayden added nang makakuha ng sagot mula sa hindi pagsagot ni Kate sa mga tanong niya.
"Tama ka," umiwas siya ng tingin ngunit muli din niyang binalik nang muling nagsalita. "pinatawad na kita pero...hindi ko yun makakalimutan at 'wag kang mag-alala, no more hatreds, sige!" After saying those words ay tumalikod ito kay Jayden para sana umalis ngunit naramdaman na lang niya ang kamay ng binata na nakahawak sa wrist niya.
"Kate, can I have your time today?" Nang wala siyang naramdaman na reaksyon kay Kate ay binitawan din niya ang kamay nito.
Humarap ito ulit sa kanya.
"Alam ko, masyadong makapal ang mukha ko to invite you after all I did, don't worry, wala akong gagawing masama sayo, I just want to be with you, yun lang talaga yun," his voice is full of pleasing.
Natutuwa si Kate sa treatment ngayon ni Jayden sa kanya pero naguguluhan ang utak niya kung bakit ganito ito sa kanya at pati puso niya ang nakikisali sa arguments ng utak niya. Ayaw niyang kaawaan ito pero kusa parin lumalabas mula sa puso niya.
"Pagbibigyan kita not because you are Jayden, but because you are the governor of this province, hope you will be reminded," isang magalang na ngiti ang binigay niya sa kaharap. Isang ngiting dapat niyang panindigan, ang ngiting dapat ay mapagkunwari lamang.
Muling napangiti ang mukha ni Jayden na kaninay malungkot.
"Then, let's go?" He said at hinawakan niya ang kamay ni Kate.
"Okay," Hindi na binawi ni Kate ang kamay niya instead, hinayaan na lang niyang tangayin siya ni Jayden kung saan.
Nang marating nila ang sasakyan ay pinagbukas siya ni Jayden.
"Wala kang bodyguards?"
"Nasa likod, that navy blue car," pareho nilang sinilip sandali mula sa likuran ang sasakyan na nakasunod sa sasakyan ni Jayden.
"Bakit, natatakot kang mapahamak ako?"
"Hindi naman,"
Ngiti lang ang tanging tugon ni Jayden at saka nagsimulang magmaneho.
"Jayden, what is your purpose on treating me like this, kung gusto mong bumawi, hindi naman kailangan, at kung gusto mong maulit yung kagabi, hindi ako bayaran para magpagamit lang ng walang dahilan and it is just a mistake maybe because nakainom ako and I just forgive you diba, ano pa ba ang kailangan mo sa akin?" Kate said habang nakatingin kay Jayden na nakafocus sa pagmamaneho.
"I like you, Kate, hindi ba proof ang pagpunta ko dito para sayo?" his voice is calm kasabay nun ay lumingon siya sa kanya. Pero binalik din ang mga mata sa daan.
"Dahil ba ikaw ang nakauna sakin kaya sinasabi mong gusto mo ako?"
"Maybe," seryoso ang sagot niya.
BINABASA MO ANG
The President's Wife
RandomMinolesta siya at tinanggalan ng karapatan. The villain was the Governor's son and his gang. The wrath in her heart turns into retaliation. Zarina Kate Ramos voluntarily accepted a mission to investigate the crimes and illegal businesses of the ty...