"Pasensya na po, President. Nagpupumilit po siyang pumasok," ang wika ni Luke habang nakatayo sa likod ng babae.
"No let her!" He commanded saka binalin ang atensyon sa babaeng karga-karga na ngayon ang batang si Zian, "anak mo ba siya?" Kasabay ng tanong niya ay ang kabang nadarama na baka hindi ito anak ng babae, but, hoping that it's really not.
"Hindi po, inaalagaan ko lang siya. Pasensya na po, President. Hinahanap ko po kasi ang mommy niya, kasi umiiyak si Zian. Ngayon pa po niya ito ginawang hanapin ang mommy niya simula noong alagaan ko siya," ang paliwanag ng babae. Sinundan niya ang ina ng bata kaya ito nakapunta sa Mansion ng mga Rodriguez. Sa tingin ni Jayden ay nasa early 20s pa ang dalaga kaya masyado itong mahiyaan.
"Anong pangalan ng mommy niya?" Sa bawat tanong niya ay ang pintig ng kanyang pusong nagsasabing baka malapit na niyang matagpuan ang asawa. Kung ang inang hinahanap nga ng bata ay si Kate. Sigurado na siyang anak niya si Zian. The child is three years old. Four years nawala si Kate at noong panahong nagpapagaling ito ng dahil sa sugat niya ay may nangyari sa kanila.
"Si ate Vana po," he expecting another name dahil kung natatago nga si Kate, hindi niya gagamitin ang totoo niyang identity.
"I mean, complete name,"
"Hindi ko po alam, President,"
"Jayden baka umaasa kang si Kate ang nanay ng batang yan, huwag mo ng pag-aksayahan ng panahon yan, let's go!" ang pagpapagitna ng kanyang ina.
"Wait ma, mauna kana,"
"O sige," nauna na ito marahul dahil mas pinili ang okasyon para sa kanya.
Nang makalayo ang ina ay nagsalita siyang muli. He put his hands inside his pocket para makalma ang sarili nang dahil sa thrill ng usapan nila ng babae.
"We can help you looking for his mom, kami ng bahala," he put a smile para hindi naman masyadong maghinala ito sa iba niyang layunin.
"Pero hindi na po kailangan, hindi naman po kami ganon kahalagang tao, President," masyadong malikot si Zian kaya hindi siya napapaderetso ng tingin sa kaharap.
"Public servant pa rin ako kahit isa akong Presidenti kaya hayaan mong tulungan ka namin,"
"Maraming salamat po, President,"
"Ano bang itsura ng mommy niya, may picture ka ba sa kanya?"
"Ah wala po eh pero matangkad po siyang babae, tapos maputi at-----"
"Mama.....mama!" Biglang tinawag ni Zian ang kanyang ina. Kasabay nito ang pagbalin ng mga mata nila sa tinuturo ng bata na na sa likurang bahagi ni Jayden.
And it's Kate's photo inside a small frame standing beside his picture.
Flashback
"Hello Vangie, may information ka?" Kate is rattled at halos hindi mapakali sa kinatatayuan niya
"Madam, wala na akong pakialam kung kriminal ka o ano pero baka ano mang oras huliin ka nila!"
"Puwede bang deretsuhin mo na!" gusto niyang sigawan si Vangie pero hindi puwede dahil baka marinig siya sa labas.
"Alam ng asawa mo at ang manugang mo na ikaw ang nakapatay kay Marco pero pagkatapos ng term ng President saka ka nila aarestihun at hindi ako sigurado kung masusunod ang gusto ng asawa mo. Mayron ding isa pang kaso, ang violation mo daw sa isang agency?" Ang sinasabi ni Vangie ay ang dahilan kung bakit hindi na niya macontact si Damian at ang kanyang mga agent.
Nabitawan ni Kate ang hawak na cellphone at napaupo sa gilid ng kama. Wala na siyang ibang choice ngayon kung hindi ang takasan ang lahat. She can't bear to see her self being punish inside the jail. Hindi siya deserve sa pagmamahal ni Jayden at nang dahil sa nagawang krimen ay hindi na kayang ipagpatuloy pa ang nasimulang paghihiganti. She is in the middle of confusion of what to choose----the growing love to her husband or the almost done redress of her?-----hindi na niya maintindihan pa sa ngayon kung ano ang dapat na gagawin. Ang alam lang niya ay ayaw niyang mabuhay sa kulungan.
Gamit ang uniporme ng nurse na nag-aalaga sa kanya ay nakalabas siya ng hindi napapansin at tinatahak ngayon ang kakahuyan na nasa likod ng mansion nila. Madilim, madamo at tila panganib ang dala ng naglalakihang mga kahoy pero hindi na niya ito inalintana. Naghahabol siya para sa kanyang dignidad. She don't want to humiliate herself by facing a crime and prefer to cover it up.
Gusto ng galit niyang hindi nabura na tapusin na lang ang buhay ni Jayden para makompleto na ang kanyang layunin pero pilit itong pinipigilan ng bugso ng kanyang totoong nararamadaman sa asawa. Hanggang sa marating niya ang highway at makasakay ng taxi ay nagpapatuloy pa rin ang mga luha sa kanyang mga mata. At hindi niya maintindihan kung para saan ang mga luha at emosyon niya ngayon. Kung sa pagmamahal ba niya ito kay Jayden o sa kabiguan mula sa kanyang layunin?__________________________________________
Hinayaan muna ni Jayden na maghanap kay Kate ang mga bodyguards niya. Kahit pa di nila mahanap ito ay alam niyang puputahan niya ang anak nila. Habang kinikilig na nakangiti ay halos walang kurap niyang tinititigan si Zian na naglalaro sa ibabaw ng kanilang kama ni Kate. Pinakain muna niya sa kusina ang nag-aalaga sa bata para masolo niya ang anak. Kahit walang DNA na anak nga niya ito ay nararamdaman niya ang lukso ng dugo. He is sure that Zian is his son. Parang napawi ngayon ang pagod na nararamdaman kanina because of this child's presence.
Maya-maya pa ay tumawag si Luke sa kanya.
"Hello, did you found her?" ang kalma niyang tanong.
"I think sir," napatayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Kasabay na napatanong kung bakit pumunta si Kate ngayon sa mansion ng mga magulang.
"Where!?"
"may pumasok na babaeng nakasuot ng chef uniform sa kwarto niyo around 8:15 pm, that was the time na hinahabol namin ang babae kanina and got acquinted with her,"
"Lumabas ba siya?"
"Hindi sir," nang marinig ang sagot ni Luke ay agad niyang tinungo ang isang drawer na nasa gilid ng kama at kinuha ang isang 45 na baril at saka sinuksok sa kanyang likuran. Kung si Kate man ang babae. Isa lang ang magiging dahilan nito at pasekretong pinuntahan siya. Iyon ay ang tapusin ang nasimulan niya.
"Just don't search any corner of your room sir, we are now leading to your room baka hindi-----," ang natatarantang wika ni Luke. Naririnig ni Jayden ang mga tumatakbong footsteps ng kanyang bodyguards kaya alam niyang susugod sila sa kwarto.
"Just stop Luke! Stay where you are!" Upon saying those words ay nilagay niya ulit ang cellphone sa bulsa ng slacks niya at dahan-dahang tinungo ang comfort room ng kwarto. Walang naririnig sa yapak niya at pati ang pagbubukas niya ng pinto ng cr ay walang naibigay na tunog.
There, he found a woman standing infront of the lavatory where the wide and large mirror is hanged. Nakayuko ang babae na nakasuot ng mask at nanginginig na nilalagyan ng likidong galing sa maliit na lalagyan ang isang bottle ng wine. The wine is his favorite brand and flavor and it is the bottle of wine from his stocks. Alam niyang lason ang nilagay nito dito kaya sigurado siyang kung hindi man si Kate ang babae ay isang assassin na nautusang patayin siya ng tahimik.
He get the gun from his back na kinuha niya kanina sa drawer ng kanilang kwarto at itinutok ito sa ulo ng babae. Napatigil ito sa pagbubuhos ng patak-patak na likido sa botelyang iyon nang mapansing may tao sa likuran niya. Napaangat ito mula sa pagkakayuko and the woman is now watching him from the reflection of the mirror kasabay ng paglaki ng kanyang mga mata.
"Those fierce brave big eyes, the standing angled eyebrows of you and the dark curved eyelashes, cannot be covered by the mask you're wearing-----," nagpatuloy ang baril sa ulo ng babae hanggang sa dahan-dahan itong humarap sa kanya. The emotion of her eyes didn't change until he called her with a name.
"ZK!"
![](https://img.wattpad.com/cover/277895946-288-k60933.jpg)
BINABASA MO ANG
The President's Wife
RandomMinolesta siya at tinanggalan ng karapatan. The villain was the Governor's son and his gang. The wrath in her heart turns into retaliation. Zarina Kate Ramos voluntarily accepted a mission to investigate the crimes and illegal businesses of the ty...