"Di ba nurse kayo?" Kate looked with no-good to the three nurses at the side of her bed. Ang kanyang tono ay hindi mataray na sumalungat sa nakataas niyang kilay. Nakasandig siya ngayon sa head board ng kama habang nakatakip sa kalahati ng katawan niya ang puti at makapal na kumot.
"Opo madam," ang magalang na wika ng isang nurse na nasa kaliwang bahagi niya.
"Kailangan ba talagang bantayan niyo ako 24/7?" the tone of her voice remain pero ang mood niya ay unti-unting sumasama. Alam niyang sa ginawa niyang eksena ay mas lalong humigpit ang pagbabantay sa kanya. Ang dami niyang gustong gawin pero hindi siya makagalaw dahil para din siyang nakakulong ngayon.
"Pasensya na po madam, utos po ni President," ang dagdag ng isa pa.
Huminga ng malalim si Kate at saka tumayo para pumunta sa restroom. Sinundan siya ng isang nurse. Bago pa siya pumasok sa pinto ng banyo ay nilingon na niya ang nakasunod sa kanyang nurse.
"Pati ba sa banyo, babantayan mo din ako!?" her tone is hard and downfall.
"Sorry po madam, sige po," the nurse responded at saka bumalik sa kinatatayuan kanina.
Nang makapasok si Kate sa banyo ay agad niyang kinuha ang secret phone niya sa box ng bowl. Nasa expectation na niya ang posibilidad na ganito kaya dati pa lang ay nagtatago na siya ng extra cellphone. Nakalagay sa celophaneng may seal ito para 'di mabasa. She needs to contact her agent at itanong ang progress ng mga pinapaimbestiga niya.
Kumunot ang mukha niya nang di na niya macontact ang isa man sa kanila. Nanatili siyang kalma and dialed also the number of Damian but she can't also reach it. Binaba niya ang cellphone at saka binalik "Ang nangyayaring 'to, ay sagot sa mga tanong ko. May Pentagon nga sa Pilipinas, ang nag-iisang intelligent agency na kayang kontrolin ang ibang intelligent agency, puwedeng nalaman na nila na nagiimbestiga ako sa kanila which they will never ever want to happen," bumalik siya sa kanyang higaan at hinayaan na lang muna niya ang sitwasyon niya at piniling gamitin ang oras na iyon para makapag-isip.
Habang nagpapahinga ang kanyang katawan ay siya namang pagiging abala ng kanyang utak. Inalala niya ang mga takbo ng pangyayari simula pa noong pumasok siya sa buhay ng mga Rodriguez. Kung hindi man siya makahanap ng mga sagot sa mga tanong ng utak niya ngayon ay gagamitin niya ang oras upang makapagplano kung ano ang susunod na gagawin.
"Pinapatay lahat ng mga taong nakakaalam kung sino dito sa El Fuerez ang drug lord kagaya na lang nung businessman at police na nakadiskubre sa pagkatao nila."
"Hindi ito chismis, yung lola ko mismo ang nagkwento sakin, dahil dati siyang nagtatarabaho sa munisipyo noong panahon ni President Dela Valle at yun yung malaking issue noon lalo na yung Asuncion massacre na sinabi pang sangkot ang former president na si Dela Valle at sabi din na hindi naman talaga ang Presidenti ang nag-utos nun kung hindi yung drug lord nayan at hinala nila noon ay yung dating mayor na lolo ng mga Montefalcon,"
"Ten years kaming magkakilala, 10 years ko din siyang pinagkatiwalaan sa lahat. I am the Governor and he was my trusted Coronel. Dahil sa tapat niyang serbisyo, humanga ako sa kanya at naging matalik na magkaibigan kami but my mistake, pinabayaan kong maging stagnant ang kaso niya at hindi hinanap ang totoong mastermind sa pagpatay sa kanya,"
"Si Robert ang sisihin mo kung bakit matatapos ang buhay mo ngayon, David! Siya ang may gawa nito sayo."
"Madam, I think, the restricted area at Timuran is an hide out of Pentagon, an intelligent agency under IICA,"
According to the book, former President Romano Dela Valle formed an International Organization with three people na hindi nabanggit sa libro. Hindi rin nabanggit kung anong pangalan ng organization at nasabi sa kasaysayan na nang mamatay ang dating Presidenti ay natigil na din ang operasyon ng grupo at kusang binalik ang mga hindi natapos na misyon sa IICA.
BINABASA MO ANG
The President's Wife
RandomMinolesta siya at tinanggalan ng karapatan. The villain was the Governor's son and his gang. The wrath in her heart turns into retaliation. Zarina Kate Ramos voluntarily accepted a mission to investigate the crimes and illegal businesses of the ty...
