Chapter Thirty

889 14 5
                                        


She get out from thier room with a glass of wine in her right hand. Nakatunganga nanaman si Jasmine habang nakasandig ang baiwang sa fence ng terrace. She is waiting for her husband Andrey na palaging late dumarating araw-araw. Nang mapansin niya ang ilaw ng sasakyan ng asawa na papalapit sa gate ng kanilang mansion ay agad niyang nilapag ang baso ng wine para salubungin ito. She loves her husband kahit pa ang porsyento ng pagmamahal sa kanya nito ay hindi nakapangalahati sa pagmamahal niya.

Nang nasa baba siya ay nadatnan niyang nakatalikod ito habang may kausap sa kanyang cellphone. Nginitian niya ito mula sa likod kahit pa hindi nakikita ng asawa at dahan-dahang lumapit. Balak sana niyang e-surprise back hug ito ngunit sa paglapit niya ay narinig niya ang hindi niya inaasahang marinig.

"Eddie, sinabi ko naman sayo na kahit pa ilang ulit ka nilang ikulong, makakalabas ka parin...Oo nga...kaya nga yan ang trabaho mo...ang maging panakip para hindi ako ang mahuli...hoy Eddie, sa oras na sabihin mo kung sino ang nasa likod ng lambat na yan, alam mo na ang mangyayari sa pamilya mo, tandaan mo yan!" upon saying those words sa kausap niya sa kabilang linya ay ang bigla niyang pagharap sa nakatayong si Jasmine.

He suddenly stopped talking while Jasmine's eyes is showing fear and surprise. Sandaling pumagitna ang katahimikan sa kanila at ang kanilang mga mata'y parehong nagpakita ng pangamba.

"A-andrey, anong ibig sabihin n-nito?" Nautal si Jasmine nang dahil sa mixed emotion niyang nadarama. Halos manlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa nagagalit nang mukha ni Andrey. She never saw those fierce reddish eyes and puckish angry eyebrows. Pero ngayon biglang binago nito ang nakilala niyang Andrey.

Kalmang pinatay ni Andrey ang kanyang cellphone at saka pinasok sa bulsa ng kanyang pants kasama ang kaniyang kamay.

"Narinig mo ang lahat?" His voice is calm but dangerous. Andrey's innocent face didn't fit to his true color. Masasabi ni Jasmine na kung pagtatabihin sila ng kapatid na si Jayden ay masasabing mas masama ang ugali ng kapatid pero ngayon, ang walang bahid ng kasamaang mukha ng asawa ay biglang naging halimaw.

"Y-you're a criminal!" Ang sigaw ni Jasmine. She is about to ran from fear dahil sa hindi maipintang mukha ni Andrey pero nahuli nito ang kanyang pulso.

"Where do you think you're going, nag-uusap pa tayo Jasmine!?" Nang dahil din sa takot ni Andrey ay napalakas ang pagkakahawak niya sa kamay ng asawa. Ang sekretong pinakatatago niya at magpapahamak sa kanya ay nalaman ng tao pang hinding-hinding puwedeng makaalam.

"Getting myself out of your face!" Her scared eyes now became indignant nang dahil sa masakit na pagkakahawak sa kanya.

"Lier! magsusumbong ka!" Mas lalong naging malakas at galit ang boses ni Andrey. Hindi pa nakontento ito at hinawakan ang baba ni Jasmine at marahas na pinisil, "subukan mo lang dahil papatayin kita!" Halos ilapit na niya ang mukha para mas lalong tumatak sa utak ng kaharap ang kanyang banta. Alam niyang mahal ng mga Rodriguez ang mga tao sa El Fuerez at kasali si Jasmine doon. The family will not let anyone hurt the life of the people kahit pa kadugo o kaibigan kaya mas lalong natakot si Andrey. Kung kinailangan niyang patayin ang asawa, papatayin niya. At ngayon, tila ba nage-gets ni Jasmine ang balak niya dahil takot na takot ito.

"No!" Buong lakas na binawi ni Jasmine ang sarili mula sa biolenteng pagkakahawak sa kanya ni Andrey, "Dapat kang makulong dahil lason ka sa mga tao ng El Fuerez!" nang masabi iyon ay hindi na niya hinayaang mahawakan pa siya nito at agad siyang tumakbo. Alam niyang hahabulin siya ng asawa kaya buong bilis niyang tinahak ang malawak na sala papunta sa back door ng mansion kung saan makakalabas siya papuntang garahe. She is disappointed, kahit naman maldita siya ay hindi parin niya matanggap na nagpakasal siya sa kriminal at nagbigay ng kahirapan sa lugar na inaalagaan ng kanyang pamilya.

The President's WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon