Malayo pa lang ang sinasakyang sasakyan nina Kate ay natatanaw na niya ang malaking Mansion ng mga Rodriguez. Nakadama siya ng medyo kaba sa unti-unting paglapit nila sa teretoryo ng bago niyang pamilya. Pero ang utak at kaluluwa niya ay handang-handa ng harapin ang pamilyang sisingilin niya. Nang sabihin sa kanya ni Jayden na sa Mansion ng magulang sila titira ay nag-agree siya agad para nadin mas mapadali sa kanyang maghalungkat ng baho nila, mula sa asawa niyang si Jayden hanggang sa buong pamilya nito.
"Kate, I'm hoping na matitiis mo ang negative attitude ng mommy ko at ni Jasmine, sinasabi ko na 'to sayo para maging handa ka," ang pagbasag ni Jayde sa katahimikang bumabalot sa kanila sa loob ng sasakyan at nilingon niya ang asawa na nasa tabi niya. Nakasakay sila sa likurang bahagi ng sasakyan at ang driver ni Jayden ang nagmamaneho.
"Okay lang Jayden, I can manage, don't worry," Ngumiti si Kate nang salubungin ang pares na mga mata ng asawa.
"Kapag hindi naging maganda ang treatment nila sayo, just don't hesitate to tell me, you're my happiness now Kate and I don't want them to treat you bad, okay?" Jayden said ang give a sweet smile to her.
"Thank you Jayden for giving me your responsibility," ang seryosong wika ni Kate.
"I just love you Kate, (Even though you don't love me)," Jayden said at hinawakan ang kamay ni Kate kasabay nun ang pagpapatuloy ng mga kataga sa kanyang utak.
Nasa sala pa lang ng mansion ang bagong kasal ay sinalubong na sila ng pamilya ni Jayden. Makikita ang plastic na mga ngiti mula kay Jasmine at sa kanyang inang si Rebecca, nakangiti din si Robert at si Jake at nagpakita ng malugod na pagsalubong sa kanila.
"Welcome Kate to your new home and family," Ang wika ni Robert at tinanggap ang kamay ng inilahad ni Kate.
"Thank you po tito," Kate said with a respectful smile in her lips.
"No, you can call me daddy Robert" ang masaya nitong wika. Napansin ni Kate ang snab na tingin na binigay ni Rebecca sa asawa nang banggitin nito ang suggestion niya.
"Nadagdagan na ang ate ko, welcome ate Kate," ang masayang wika ni Jake.
"Nakahanda na ang lunch for today, let's proceed to dinning area, i'm sure nagugutom kana Kate," Rebecca gladly said ngunit mapapansin ang unsincerity in her eyes. Nagets naman agad ni Kate ang may meaning na words ng manugang na babae. Kaya isang plastic na ngiti din ang isinagot niya instead of answering her verbally.
"O sige, let's go Kate?" Ang pagpapagitna ni Jayden sa naglalagablab na tinginang pumagitna sa ina at sa asawa.
Tahimik lamang si Jasmine ngunit mapapansin ang taas kilay niyang mga tingin sa kanyang sister-in-law.
Expected na ito ni Kate mula kay Jasmine ngunit hindi pa siya sigurado sa magiging treatment sa kanya ng kaniyang mga manugang.
Habang nakasunod sina Kate at Jayden sa mga magulang nito ay tinawag ni Jayden ang kapatid na si Jasmine.
"Jash, can I talk to you for awhile? Kate mauna kana muna sandali sa table," ang wika ni Jayden sa asawa.
"O sige," she smiled at ipinagpatuloy ang paglalakad kasunod ng mga manugang at ni Jake.
Lumapit naman agad si Jasmine kay Jayden.
"I already knew what you did before the wedding," ang halos pabulong na wika ni Jayden at kumunot ang noong tinitigan ang kapatid.
"Wow, at nagsumbong na pala siya sayo?" Ang hindi natitinag na reaksyon ng mukha ni Jasmine.
"Behave Jash, don't forget the house rule, never show humiliation to anyone na pwedeng makasira sa image natin at maging issue...and don't ever do bad things to my wife, always remember that, " ang babalang wika ni Jayden at saka iniwan ang kapatid at sumunod sa dinning table ng mansion.
Isang masamang tingin lamang ang tanging naisunod ni Jasmine sa nakatalikod na na kapatid.
"Si Jasmine ang nakaupo jan Kate," ang mataray na wika ni Rebecca when Kate attempted to sit on the chair infront of her, the second dinning chair from the center chair of the table kung saan nakaupo ang padre de pamilya. Tinaasan niya ng kilay si Kate nang sabihin ang mga katagang narinig ng paparating na si Jayden.
Agad namang lumipat si Kate sa kabilang upuan when Jayden inserted.
"No, stay there Kate, alangan namang nasa gitna namin si Jasmine ma," ang walang prinong wika ni Jayden at agad pinalipat ulit si Kate.
Umupo nadin siya sa kanyang upuan habang si Jasmine ay napilitang umupo sa sa tabi ni Jake opposite to the position of Jayden and Kate. Expected na hindi ito tatabi kay Kate.
Nakipagtitigan ng masama si Jayden sa ina habang si Rebecca at pilit na kinakalma ang sarili sa isinagot ng anak.
"Oo nga naman, I think this will be the final arrangement in this dinning area since nadagdagan na tayo isang member of the family, now, let's enjoy the meal," ang maayos na wika ni Robert.
Walang nagawa si Rebecca at Jasmine kung hindi ang makisama sa bagong myembro ng pamilya. Sa buong oras na nasa hapag kainan sila ay tanging si Jayden, Robert at Jake lamang ang nag-uusap tungkol sa politics at pamamahala ni Jayden sa kanilang probinsya.
Kahit naiilang si Kate ay pinilit niyang ipakita na hindi siya affected sa nararamdamang unwelcome atmosphere galing kay Rebecca at Jasmine. Gusto niyang inisin lalo ang dalawa.
"Jayden, saan ka pupunta?" Amg bungad ni Kate nang lumabas sa bathroom ng kanilang kwarto sa nagbibihis na asawa.
"Hi my wife, kailangan ko munang umalis, there is an emergency na kailangan kong asikasuhin, I'll be back agad, kung inaantok kana, kahit hindi mo na ako hinatayin, okay?" He smiled.
"Okay, mag-iingat ka," she responsed a smile too kasabay nun ang paghalik sa kanya ni Jayden sa pisngi.
Nang ilang segundong nawala si Jayden sa kanilang kwarto at tanging katahimikan lamang ang natira ay agad kinuha ni Kate ang kanyang cellphone at nagdial ng unknown number.
"Hello, lumabas si Gov. Kasama ang mga bodyguards niya. Magreport ka agad kung saan siya pupunta," ang kalma ngunit mahinang wika ni Kate sa tinawagang numero. Agad di niyang ibinaba ang phone niya nang masabi ang mga katagang iyon.
"This is our first night Jayden pero napakabusy mo na sa mga kababalaghang ginagawa mo," ang wika ng isip ni Kate.
Halos kalahating oras naghintay si Kate sa report ng kanyang tinawagan. Maya-mata pa ay agad siyang nakareceive ng isang message.
Unknown number: Sa Timuran Beach ngayon si Gov. At pumasok sila sa isang restricted area. Hindi ako makakapasok dahil may mga bantay.
Kate replied: Okay, pwede ka ng umalis jan, I'll continue it tomorrow.
She deleted thier conversation when she get the information. Isang mesteryo ang bumalot ngayon sa utak ni Kate kung ano ang mayroon sa restricted Area na nasa Timuran Beach. Ang Timuran Beach ng probinsya ay kilala na isa sa napakalawak na dalampasigan at masaganang lugar kung saan nakukuha ang napakaraming isda dahil sa napakalawak na karagatan nito na nagkokonekta sa Pacific Ocean. Dito nanggagaling ang mga sariwang isda ng probinsya at teretoryo ng mga mangingisda.
"Anong ginagawa mo sa Timuran Beach Jayden?" Ang huling tanong na binanggit ng utak ni Kate sa gabing iyon.
BINABASA MO ANG
The President's Wife
RandomMinolesta siya at tinanggalan ng karapatan. The villain was the Governor's son and his gang. The wrath in her heart turns into retaliation. Zarina Kate Ramos voluntarily accepted a mission to investigate the crimes and illegal businesses of the ty...
