Chapter Twenty Six

817 11 0
                                        

Kate wants to back-out from visiting the Mansion of her in-laws. Nakatanggap siya ng invitation from Robert. This is the first time her father-in-law invited her to talk privately kaya medyo nanibago siya at kinukutuban. Ayaw sana niyang makita ang pag-mumukha ng lalaking nagpapatay sa ama niya but she can't do anything for now but to go with the flow.

She missed the home of his husband, ang mansion kung saan lumaki si Jayden. Noong dito pa sila tumitira ni Jayden ay naging kasundo niya ang mga kasambay at tagaluto ng mga Rodriguez so she decided to visit the main kitchen of the mansion kung saan madalas magkumpulan ang mga ito.

She is about to enter the wide room of the kitchen when she heard a mysterious conversation.

"Pinapatay lahat ng mga taong nakakaalam kung sino dito sa El Fuerez ang drug lord kagaya na lang nung businessman at police na nakadiskubre sa pagkatao nila." Kilala ni Kate ang lahat ng kasambahay at kabisado na niya ang mga boses nila. The lady who is talking right now is not familiar to her kaya medyo sumilip siya sakto lang na hindi siya mapapansin. And there, a young lady na sa tingin niya ay kaedad lang ni Jake ay nakaharap sa karamihan sa kanila na parang ganadong-ganado pa sa pagkukwento.

"Saan mo naman nakuha ang chismis nayan?"

"Hindi ito chismis, yung lola ko mismo ang nagkwento sakin, dahil dati siyang nagtatarabaho sa munisipyo noong panahon ni President Dela Valle at yun yung malaking issue noon lalo na yung Asuncion massacre na sinabi pang sangkot ang former president na si Dela Valle at sabi din na hindi naman talaga ang Presidenti ang nag-utos nun kung hindi yung drug lord nayan at hinala nila noon ay yung dating mayor na lolo ng mga Montefalcon," halos ibulong ng babae ang kanyang mga sinasabi pero dahil marahil sa natural na malakas ang boses niya ay dinig parin ni Kate ang mga ito.

"Alam ba ng lola mo kung sino talaga yang drug lord na'yan?"

"Ay gaga kaba May-may kung alam lang ng lola ko di pinatay na sana siya,"

"Daniela!" Nagulat sila nang biglang dumating ang mayor doma ng Mansion na si Lora bitbit ang isang palangganang labahan. Habang ang tatlo pang nakikichismis sa babaeng bago pa lang sa paningin ni Kate ay nagsibalikan sa kani-kanilang mga ginagawa. Mapapansin naman na medyo natakot ang babae kay Lora kaya napatigil ito sa pagcha-chopchop ng sayote.

"Ilang buwan ka palang dito puro chismis na ang binibigay mo sa mga kasama mo!"

"Tita Lora totoo naman eh," Ibig sabihin ay pamangkin ni Lora si Daniela. Marahil nakapasok ito sa Mansion dahil kamag-anak lang din ito ng Mayor Domang 25 years ng nagsisilbi sa mga Rodriguez.

"Totoo man sa hindi, hindi dapat yan sinasabi. Diba sinabi ko sayo na itikom mo yang bibig mo lalo na sa mga kuwento ni mama sayo, alam mo ba kung nasaan ka?"

"Nasa Mansion ng mga Rodriguez,"

"At yang sinasabi mong mga tao sa kwento mo, pinoprotektahan yan ng pamilyang 'to tapos echichismis mo lang? Buti sana kung totoo yang pinagsasasabi mo! Doon kana sa laudry room, ikaw na yung maglaba!" Ang halos galit na wika ni Lora habang si Daniela naman ay sinundan ang tiyahin.

"Pinapapatay? Asuncion Massacre? Tsaka bakit nasali ang mga Montefalcon? Teka, kaano-ano nina Marco ang pamilyang pinatay? Ibig sabihin, posibleng ang tinutukoy niyang police ay si papa at ang dahilan ay baka nadiscover niya kung sino sa mga buwaya ng El Fuerez ang nagtatagong drug lord, " Alam ni Kate ang tungkol sa issue ng dating President na lolo ni Joseph pero ang ibang sinabi ni Daniela ay mysterio sa kanya. Kahit pa medyo naguguluhan si Kate ay nagpatuloy parin ang mga questions sa kanyang utak, "Pero teka, wala ba talagang kamalay-malay si Lora na ang pamilyang 'to ang isa sa mga drug lord ng El Fuerez? Posible kayang hindi? Pero imposible namang magsinungaling si Jayden saki  tsaka nakita ko mismo ang mga products nila sa Timuran, Bakit ganun? Bakit parang may kutob akong mali ang paniniwala ko? Wala namang masyadonf clue ang mga kuwento ni Daniela, pero.....," itinigil ni Kate ang pag-iisip at nakapagdesisyon siyang kaoag nagkaroon ng oras ay dadalawin niya ang Timuran.

The President's WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon